Chapter 21

61 1 0
                                    


                                                                               Chapter 21 : Kakambal


' Uy bakit may mga luma kang papel na tinitingnan kahapon ?' - tanong sakin ni Kuya Gab

Tinetesting ko ngayon ang bago kong sewing machine na binili ko sa Lazada at kahapon lang dumating

' Ahh ayun kasi yung mga luma kong libro nahanap ko nung isang araw sa bodega namin . Manilaw - nilaw na nga yung mga pages eh ! ' - sabi ko kay Kuya Gab

' Ang ganda ng sewing machine mo ' - sabi ni Kuya Gab

' Talaga noh ! Pinag - ipunan ko kaya ang pinambili ko nito . Ilang linggo ko rin ginutom ang sarili ko para lang dito ' - sabi ko

' Oo nga maganda , Pink . Paboritong kulay mo iyon diba ? ' - tanong niya sakin

' Oo paborito ko nga ang pink ' - sagot ko sa kanya

Naalala ko si Daniel at Dave kaya naman habang tinitingnan at tinetest ko ang sewing machine ay napakwento na rin ako kay Kuya Gab

' Ganun ba ? ' - sabi ni Kuya Gab

' Oo kuya . Sana nga makita ko uli sila at kakamustahin ko sila ' - ako

' Naitry mo na bang hanapin sa facebook ? ' - tanong ni Kuya Gab

' Syempre naman kaso ang dami kasing results kuya tsaka isa pa hindi ko na rin alam ang itsura nila ngayon ' - sabi ko kay Kuya Gab

Nagkwentuhan pa kami ni Kuya Gab at unti - unti nang umingay uli ang grupo dahil nakisali ang mga kaibigan ko sa usapan namin .

Kung ano - ano lang naman na mga topic ang pinag - usapan namin .

Pagkatapos ng mahabang daldalan ay nagpaalam na kami sa isa't isa

' Oh sige na mamaya na nalang uli tayo magkwentuhan ' - sabi ko sa kanila

' Geh '

' bye '

' mamaya uli'

At tumahimik na uli sa isipan ko .

' Maria ' - tawag sakin ni Kuya Gab

' Bakit Kuya ? ' - tanong ko sa kanya

' May sasabihin kasi ako sayo ' - seryoso niyang sabi

' Ano naman yun Kuya ? Dali naeexcite ako eh ' - sabi ko sa kanya

' Wag kang magagalit ? ' - tanong niya sakin

' Bakit ? Ano kasi yun ? ' - sabi ko

' Hindi ako si Gab ' - sabi niya

' Ha ? Kuya ano ba ? ' - sabi ko

' Kakambal ako ni Gab . Ako si Micko . Kuya Gab ko yung unang nagpakilala sayo pero ako talaga yung palagi mong kausap . Ako yung palagi mong pinagkukwentuhan ng mga sikreto mo ' - sabi niya

' Ha ? So Kuya mo si Kuya Gab ? Ikaw si Micko ; kuya Micko ganon . Parehas kayong may third eye tapos siya yung nagpakilala sakin kasabay ni Kuya Rap pero ang sabi mo ikaw yung palagi kong kausap ? ' - sabi ko

' Tama ka . Sorry talaga kung hindi ko sinabi sayo . Baka kasi hindi mo ako kausapin kapag nagpakilala ako sayo sa totoo kong pangalan . Gusto ko kasing makipagkwentuhan sayo ' - sabi niya

Sa puntong ito naalala ko ang mga kwentuhan namin ni Kuya Micko na matagal ko nang tinatawag na Kuya Gab . Lahat ng mga bagay na sinabi ko sa kanya .

Niloko ako . Ang sakit kasi minahal ko na siya bilang kuya pero matagal na pala akong naniniwala sa kasinungalingan .

' Bakit mo naman yung ginawa Micko ? Sana hindi mo ginawa yun sakin . Niloko mo ako . Pinagmukha mo lang akong tanga . Alam mo ang sakit sa part ko kasi wala akong sinisekreto sayo alam mo yan tapos malalaman ko na niloloko mo pala ako ' - sabi ko sa kanya

' Sorry talaga . Alam kong napalapit na tayo sa isa't isa at alam kong nasasaktan ka . Nakokonsensiya na nga ako sa ginawa ko kaya nagtapat na ako sayo ngayon ' - sabi niya

Masakit talaga para sakin dahil niloko ako ng kaibigan slash kuya ko na pinagkakatiwalaan ko ng sobra sobra . Pero kaya ko naman siyang patawarin

' Okay na Micko . Sana wag ka na magsisinungaling uli sakin kasi baka hindi na kita mapatawad . ' - sabi ko sa kanya

' Sorry talaga . Tsaka sana Kuya rin ang itawag mo sakin . Pinagsisisihan ko na naman ang ginawa kong pagtatago sayo ng totoo . Ang totoo kaya talaga namin sinikreto sayo ng Kuya Gab ko ang totoo ay dahil baka maguluhan ka sa aming dalawa . Una siya talaga yung nagpakilala sayo pero nung sumunod na tinawag mo ang Kuya ko , ako ang sumagot at hanggang ngayon ako ang kausap mo ' - sabi niya

' Kung ikaw ang palagi kong kausap Kuya Micko , nasaan naman si Kuya Gab ? ' - tanong ko sa kanya

' Si Kuya ko ? Malayo dito sa atin . Sa ibang lugar tsaka blinock ko siya sa isip para hindi ka niya makausap . Baka kasi mas gustuhin mo siyang kausapin kaysa sakin ' - sabi niya sakin

' Blinock mo ? Basta Kuya Micko sa susunod wag ka nang magsisinungaling sa akin ha !? Okay na . Napatawad na kita ayoko lang na mauulit pa ' - ako

' Promise yan ' - sabi niya sakin

' Ayun ! Bati na kayo uli ? ' - sabi ni Kuya Rap

' Oo bati na sila ' - sabi ni Marron

' Kanina pa kayo nakikinig ?' - gulat kong tanong sa kanila

' Syempre papayag ba kami na hindi kami kasali ? ' - sabi ni Kuya Tristan

' Nakikinig kami kanina pa para kung sakaling kailangan ni Micko ng backup ' - sabi ni Dustin

' Back - up ? ' - tanong ko

' Para naman saan ? ' - dagdag ko pa

' Wag mo nalang pansinin si Dustin Maria , abnormal yan eh ! ' - sabi ni Erjel

' Sinong abnormal ? Erjel eh ! ' - sabi ni Dustin

Ayun nagkwentuhan ulit kaming lahat

May kakambal pala si Kuya Gab at si Kuya Micko yun . Parehas sila ng boses at si Kuya Micko ang nag - aaral dito kasi ang sabi niya nasa malayong lugar si Kuya Gab . Parehas pa silang may third eye

Ano pa ba ang dapat kong malaman ? 

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon