Chapter 19

97 4 0
                                    

                                                                       Chapter 19 : Alaala



Inutusan ako ni Papa na kunin ang extra extesion wire namin sa bodega kaya nandito ako ngayon at hinahanap sa tambak ng mga karton kung saan ba iyon .

Hindi rin alam ni Papa kung saan niyang karton iyon itinago kaya naman iniisa-isa ko pa ang mga karton

Napapabahing pa nga ako minsan dahil sa mga alikabok . Nalock kasi talaga itong stock room namin at hindi rin namin yun nalilinis kaya aasahan talaga na maraming alikabok dito

Inisa - isa ko ang mga karton . Masusing tinitingnan kung nandoon ba ang hinahanap ko

Marami na akong nabuksan na mga karton pero hindi ko parin talaga makita kung nasaan ang extension wire na pinapahanap sa akin ni Papa

Naghanap hanap pa ako at napukaw ang pansin ko ng isang malaki at lumang karton . May nakasulat pang Maria sa labas ng karton na ang batang ako ang nagsulat maraming taon na ang nakakalipas .

Binuksan ko ang karton at doon ay nakita ko ang mga lumang papel ko noong ako ay grade 1 palang at may mga drawing iyon .

Ang pangit ko magdrawing dati . Pero naaalala ko na gandang - ganda na ako noon sa sarili kong drawing . Kung ipagkukumpara ko ang drawing ko noon at ngayon , masasabi kong ang laki na ng improvement .

Nakita ko rin sa karton ang dati kong mga libro . Mga libro na unang nagpatalino sa akin . Amoy luma na lahat sila at madilaw - dilaw na ang mga pahina . Binuklat ko ang mga ito at medyo malutong na ang mga papel .

" Nandito lang pala kayo " - ang sabi ko habang binabasa ang librong hawak ko

Nakita ko pa ang pinakafavorite kong story book sa lahat , ang ' The Little Mermaid ' .

Naalala ko na nabili ko yun dati sa school noong may pumunta sa room namin at nagbigay ng isang maliit na papel na may listahan ng mga libro . Lalagyan mo ng check yung librong gusto mo tapos kinabukasan magbabayad ka at makukuha mo na ang gusto mong libro.

" Kukunin ko kayong lahat dito tapos ilalagay ko kayo sa kwarto ko kasama ng mga papel , babasahin at mga libro ko " - ang sabi ko sa mga libro ko habang isa isa silang inaayos .

Nilagay ko muna ang mga lumang papel at lumang mga libro ko sa tabi , sinarado at ibinalik ang malaki at lumang karton na may pangalan ko at hinanap na ang talagang pakay ko

Nagtagal rin ako ng ilan pang mga minuto dahil sinusuri ko ang bawat karton at sa wakas ay nahanap ko na rin ang extension wire na pinapahanap ni Papa.

Binuhat ko na ang mga papel at libro na isinantabi ko kanina at kasama ng extension wire ay lumabas na ako ng bodega at nilock ko uli yun

" Pa ito na yung pinapahanap mo . Lagay ko sa lamesa ha !? " - sabi ko kay Papa

" Ayun ! Sige . Bakit hawak mo yang mga yan ? Luma na yan ha !? Dapat itapon na yan " - patungkol ni Papa sa hawak ko

Itatapon ? No way

" Grabe ka Papa . Importante 'tong mga ito para sakin . Kahit na luma okay lang yun . Ilalagay ko lang sa kwarto ko kasama ng iba ko pang gamit " - sabi ko kay Papa at nagpatuloy na sa pag-akyat ng hagdan

Pagkapasok ko ng kwarto ay inilapag ko muna ang mga hawak ko sa kama ko

Nasa kama ko si Arthur at nung nakita niya ang mga libro ay lumapit siya at tiningnan ang mga iyon

Napabahing siya dahil sa amoy ng mga libro

' Ano ba yan ? Ang baho ! ' - sabi niya at sinipa niya ang mga libro ko pero wala naman yung epekto dahil espiritu nalang siya

' Matagal na kasi yan ' - sabi ko kay Arthur

Mula sa pagkakasandal sa pader ay lumapit samin si Capricorn na kumakain ngayon ng popcorn at nakisali na sa usapan namin

' Bakit nasa iyo parin ? ' - tanong sakin ni Capricorn

' Tinago ko ang mga ito dati sa isang malaking karton at nilagyan ko yun ng pangalan ko . Actually nakalimutan ko na nga ang tungkol dun hanggang sa nakita ko yung karton kanina sa bodega kasi may hinanap ako ' - sabi ko naman sa kaniya

Isa isa kong binuklat ang mga luma kong libro at napapangiti at napapatawa minsan dahil bumabalik sakin yung mga alaala ko noong bata pa ako

' Baliw ! Epekto siguro yan ng mabahong amoy ng mga libro niya ' - sabi ni Capricorn na pinapanood lang ako habang kumakain ng popcorn

' Hahaha ! Siguro nga . Nabaliw na siya ' - pagsang-ayon sa kaniya ni Arthur na ngayon ay nakikikain na ng popcorn niya

' Sinong baliw ? Akala niyo hindi ko naririnig ha ! Ganito kasi yun ' - sabi ko sa kanila at kinuwento ko na rin sa kanila kung bakit ako napapangiti at napapatawa

' Ahhhh ! ' - sabay nilang sabi at sinasabayan narin nila ako sa pagtawa sa tuwing may maaalala ako pero syempre hindi maririnig ng iba ang boses nila maliban sa akin , sa mga kapatid ko at sa mga kapwa may third eye

Narinig yata ni Ate Paulene na black lady ang tawanan namin kaya lumabas siya mula sa salamin ko at nakisali siya sa amin

Maraming beses rin kaming nagtawanan at marami rin silang nalaman tungkol sa mga nakaraan ko . 



( Isang munting paalala mula sa sumulat : 

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento .)



Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon