Chapter 16

109 4 0
                                    

                                                                               Chapter 16 : Skills



" Dead na kayo kami naman "

Nagising ako dahil sa ingay ng mga batang naglalaro ng chinese garter . Ang aga naman nila maglaro wala ba silang pasok ngayon ?

Pumunta ako sa terrace namin at sinilip ang mga naglalarong bata . Kaya pala rinig na rinig ko sila kasi sa tapat ng bahay namin sila naglalaro

Tinuon ko ang pansin ko sa isang batang babae na nakasimangot na pinapanood ang grupong tumitira

' Nakakainis ! Sana mataya na sila agad '

Ha !? Nabasa ko ba talaga yung isip niya ?

' matataya rin kayo agad '

Oo nga nababasa ko nga ang isip niya . Ang cool baka ito na yung isa sa mga skill na meron ako

Pero paano ko nga ba yun nagawa ?

Nagfocus lang ako dun sa bata tapos narinig ko na yung sinasabi ng isip niya

Tinuon ko naman ang pansin ko sa isa pang batang babae na kasalukuyang tumitira

' Ang saya talaga magten twenty . Dapat maungusan namin yung kalaban '

Ganun pala yung nasa isip niya

Tinuon ko naman sa isang batang lalaki na pumoposte sa garter sa kaliwa ang pansin ko

' Anu bayan ! Naiihi na talaga ako kaso baka mataya dahil sakin 'tong natira . Naku titiisin ko nalang kahit sabi ni Mama sakin na wag magtitiis ng ihi '

Masaya rin palang magbasa ng nasa isip ng ibang tao pero hindi ko dapat 'to maging habit at gawin para sa kasamaan .

Nang marealize ko ang bagay na yun ay umalis na ako sa terrace at as usual naghanda na para sa isa na namang araw sa eskwelahan

Naliligo na ako ngayon

' Hi Ate ! musta ka na ? ' - Rainier

' Diba nasa school ka na ? Makinig ka sa teacher mo ! ' - sabi ko sa kanya habang nagsasabon ng katawan

' Wala pa naman yung teacher namin eh ! ' - siya

' Ganun ba ? Nga pala nakakabasa na ako ng isip ' - ako

' Kamusta naman !? ' - siya

' Okay lang pero hindi ko gagamitin ang kapangyarihan na iyon palagi ' - ako

' Sige Ate yun lang naman yung gusto kong malaman . Bye ! ' - siya

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko

Matapos ang lahat ng paghahanda ay pumasok na ako sa school pero syempre bago ako pumasok araw araw ay nakikipagkwentuhan ako sa mga kaibigan kong multo

Pagkadating ko sa classroom ay nadatnan kong malungkot ang isa kong kalase . Hindi kami close pero gusto kong malaman kung anong problema niya . Pumasok din sa isip ko na basahin nalang ang isip niya pero ayokong gawin yun . Privacy yun ng ibang tao at dapat galangin ko yun dahil kahit ako ayokong malaman ng iba yung mga nasa isip ko

Nilapitan ko siya at kinausap

" Anong problema ?" - ako

" Namatay kasi yung lolo ko kagabi " - sabi niya at napaiyak nalang siya .

Niyakap ko naman siya para iparamdam na nandiyan lang ako para sa kanya . May multo ng isang matandang lalaki ang nakatayo sa harapan ng kaklase kong umiiyak

" Wag ka nang umiyak apo ! Ayos lang si Lolo . Babantayan kita palagi kahit na patay na ako " - wika ng matanda sa kaklase ko pero nakakalungkot dahil ako lang ang nakakarinig nito

' Kayo po pala yung Lolo niya . May third eye po ako kaya pwede kong sabihin sa kaniya yung mga sinasabi niyo po ' - sabi ko sa isip dun sa matandang lalaki

' Naku 'wag nalang . Baka umiyak pa siya lalo . O sige aalis na ako ' - sabi niya

Bago siya umalis ay hinalikan niya muna sa pisngi ang kanyang apo at binigyan ng isang mahigpit na yakap .

Naaalala ko tuloy ang namatay kong Lola . May third eye naman ako pero bakit hindi ko siya makita ?

Pinapatahan ko ang kaklase ko at matapos ang ilang minuto ay tumigil narin siya sa pag-iyak . Bumalik na ako sa upuan ko at nagcellphone

' Pasensiya ka na kasi yung Lolo mo kasi ayaw ipasabi ' - ang nasabi ko nalang sa isip pero alam kong hindi ako maririnig ng kaklase ko dahil wala naman siyang third eye .

Naaawa talaga ako sa kaklase ko pero wala naman akong magawa . Naiintindihan ko kung gaano niya kamahal yung Lolo niya

Nung recess ay nagkwento nalang ako sa mga kaibigan ko sa mini forest .

' Okay lang yun ! Sabi mo yung Lolo naman niya yung nagsabi na 'wag sabihin diba ?' - Chelsea isang babaeng kapre na nakatira sa mini forest

' Oo ' - ako

Nakipagkwentuhan pa ako sa kanila hanggang sa matapos ang recess

Last subject na naman at may recitation kami ngayon . Dapat kahapon yun pero since nasa meeting si Sir ay ngayon na ang recitation

Habang nagtatawag si Sir ng mga apelyido ay lalong kinakabahan ang mga kaklase ko

Ewan basta nararamdaman ko ang mga kaklase ko .

Kinakabahan ako sa mga recitation pero konting - konti lang kasi sanay na ako magsalita sa harap ng maraming tao tsaka mataas talaga ang confidence ko kaya sure ako na kaba ng mga kaklase ko ang nararamdaman ko

Dahil katabi ko si Thea , siya ang pinakanararamdaman ko . Pero mukhang kalmadong kalmado lang siya

" Pre wag kang kabahan " - sabi ko sa kanya

" Hindi naman ako kinakabahan ha " - pagsisinungaling niya

" Ewan sayo . Sobra ka kayang kinakabahan . Ramdam na ramdam ko grabe ka " - ako

Hala ! Anong nasabi ko

" Oo tama ka kinakabahan nga ako sobra . Paano mo nalaman yun ?" - siya

" Basta " - ako

Kinakabahan talaga siya . Okay lang sana kung hindi ko nararamdam pero hindi eh !

" Wag kang kabahan . Imbis na mag alala ka magrelax ka lang . Gawin mong positive energy ang kaba mo para pag tinawag ka ready ka " - payo ko sa kanya

Sinunod naman niya ako at nabawasan ang lakas ng kaba niya . Sa bawat pagtawag ni Sir ng apelyido ay unti unti ring nababawasan ang mga kaklase kong kinakabahan . Sa mga tapos nang magrecite tuwa ang nararamdaman ko at lungkot sa iba dahil hindi nila nasabi ang gusto nila

Natapos na ang time at kasama kami sa hindi natawag ni Thea at bukas na itutuloy .

" Pre effective yung advice mo " - sabi ni Thea sakin

" Mabuti ! Kapag kinakabahan ka ganun lang ang gawin mo palagi " - sabi ko sa kanya

Kahit naman ako ganun din ang ginagawa para mabawasan ang kaba ko

Another skill ko ito . Ang makadama ng mga nararamdaman ng nasa paligid ko . Kaya pala naagaw ang pansin ko ng kaklase kong malungkot kanina kasi nararamdaman ko siya

Hindi ko pa alam kung paano kontrolin ng tama ang mga kapangyarihan na natuklasan ko ngayon pero nasasabik na akong matuklasan pa ang iba  


( Isang munting paalala ng sumulat :

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon