Chapter 24

98 2 2
                                    


                                                               Chapter 24 : Sikreto ng mga Kuya ko


Vacant namin ngayon at kasalukuyan akong nagbabasa at nagkakabisado dahil dalawang araw mula ngayon ay sasabak ako sa spelling bee para sa science festival of talents

Masaya ako dahil nakakausap ko na uli sila Daniel at Kuya Dave kahit sa isip lang .

Palagi ko nga silang kinukulit at tinatanong kung may sikreto pa ba at may mga bagay pa ako na hindi nalalaman pero ang palagi lang nila saking sagot ay

' Basta '

' Ang kulit mo '

" Dendrite . D , E , N , D , R , I , T, E . Dendrite "

" Adrenocorticotropic hormone . A , D , R ---- "

Nagspell lang ako ng nagspell hanggang sa dumating ang last subject teacher namin

Pagkatapos ng last subject ay umuwi na kaagad ako

Pagkadating ko sa bahay ay agad agad akong umakyat para magpalit ng pambahay at pagkatapos ay bumaba at kumain na ako

Matutulog na sila mama pero nagpaiwan ako sa baba dahil mag - aaral pa ako at gagawa ng mga assignments

' Uy di ka pa ba matutulog ? ' - tanong ni Daniel

' Hindi pa eh ! Maraming assignments ' - sabi ko

Inisa isa ko nang gawin ang mga assignments ko pagkatapos ay nag-aral ako ng science words at nagspell nang nag spell

' Di ka pa ba tapos sa pag - aaral mo ng mga science words na yan ?' - tanong ni kuya Rap

' Hindi pa eh ! Syempre pag - aaralan ko lahat if possible kasi wala namang may alam kung ano - anong mga words yung ipapaspell sa mismong spelling bee ' - sabi ko kay Kuya Rap

' Ganon ? ' - sabi niya

' Oo ganon nga ' - sabi ko

Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko . Pursigido ako manalo sa spelling bee kaya aral pa !

' Ang tagal mo naman ! ' - sabi ni Marron

' Bakit ba ha !? Hinihintay niyo ba ako matapos ?' - tanong ko

' Oo ' - sabi nila

' Huwag niyo na ako hintayin pa ! Matulog nalang kayo ng maaga ' - sabi ko sa kanilang lahat

' May sasabihin nga kami sayong sikreto eh ! ' - sabi ni Kuya Micko

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya Micko at nabitawan ko ang papel na kanina ko pa hawak hawak

' Ano yun ? ' - nagtataka kong tanong

' Wala ! Wala ... Matutulog nalang kami ng maaga ' - sabi ni Dustin

' Ano nga kasi yun ? Dali excited na ako ' - sabi ko

' Wala ! Sige na mag - aral ka na diyan ' - sabi ni Daniel

' Diba aaralin at kakabisaduhin mo lahat if possible kasi diba walang may alam kung ano yung ipapaspell sa inyo ? ' - sabi ni Kuya Dave

' Pinagtutulungan niyo lang ako eh ' - sabi ko sa kanila

Niligpit ko na ang mga gamit ko at tsaka itinabi ang mga iyon

' Oh ! Akala ko ba mag - aaral ka pa ? ' - sabi ni Dustin

' Dalawang araw pa naman bago yung spelling bee tsaka mukhang importante yang sasabihin niyo kaya naman simulan niyo na ang pagkukwento. Dali makikinig ako ' - sabi ko sa kanila

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon