Chapter 27 : New Skill
Nakatambay ako ngayon sa terrace namin habang nagsusulat ng kwento .
Masasabi ko na naiimprove ko naman ang pagsusulat ko dahil narin sa tulong sa akin ni Appa .
Binibigyan niya ako ng mga tips at pinapalakas niya ang loob ko .
Minsan habang nagsusulat ako katabi ko siya at binabasa niya ang gawa ko .
Nakangiti lang siya sakin habang tinuturuan niya ako ng mga dapat kong gawin .
Dahil bago lang ako sa wattpad iniisip ko na walang magbabasa ng kwento ko isa pa baguhan lang ako at alam kong hindi pa ako ganon kagaling magsulat ng kwento .
Parang ayoko nang ipagpatuloy pa ang pagsusulat pero palagi nalang ako binibigyan ni Appa ng mga word of wisdom niya
' Lahat naman ng mga writer dumaan na rin diyan . Kahit na mga sikat na writer na kilala mo gaya ni Shakespeare ; noong una syempre konti palang yung nakakaalam at nakakabasa ng kwento niya pero alam mo kasi kapag maganda ang kwento mo , maraming makakabasa non . Kailangan mo lang maghintay . Minsan yung isang libro mga dalawa o tatlong taon yun bago talaga maging sikat . Huwag ka mawalan kaagad ng gana sa pagsusulat , hindi ugali ng mga writer yan '
'Yan yung mga sinasabi niya sakin .
Hindi naman niya talaga ako dinidiktahan ng kung ano ang dapat kong isulat ginagabayan lang niya ako at masaya ako dahil dun .
' Mamaya na ulit . Napapagod na ako magtype eh ! ' - sabi ko
Wala namang sinabi si Appa sakin kaya sa tingin ko ay okay lang yun .
Ang totoo hindi lang si Appa ang gumagabay sa akin .
Meron din akong tinatawag na Tatay . Isa siyang musician at Clarinet ang instrument niya .
Marami sila sa grupo nila . Mga guitarist , drummer , babae , lalaki , bata , matanda pero si Tatay talaga yung pinakanamumuno sa kanila
Hindi ko talaga alam ang pangalan niya basta sabi niya sakin tawagin ko daw siyang Tatay at gagabayan at tutulungan niya ako pagdating sa instrumento
Mayroon din akong Kuya Gerard pagdating naman sa pagguhit .
Wala siyang masyadong mga tips na binibigay sakin madalas pinapanood lang niya ako gumuhit at tinitignan kung may nagbago ba sa drawing ko
Sa pagsasayaw naman mayroon akong Kuya James .
Gaya ko Hiphop din ang pinakagusto niya.
Pinapanood lang niya ako sumayaw at wala siyang binibigay na tips dahil sabi niya kanya kanya naman daw yang style depende nalang sa dancer at sa genre pero sinasabi niya sakin kapag nagi-improve ako
Dahil sa nakilala ko sila mas nadadagdagan ang mga kaalaman ko dahil minsan kinukwentuhan nila ako .
Marami na silang experience at natututo ako sa bawat kwento nila .
May natapos narin naman akong dalawang chapters kaya naman ipu-publish ko na kaagad ang mga iyon .
Binuksan ko ang computer namin .
Sinaksak ko ang connector sa cellphone ko at sa CPU at nagcopy paste lang ako sa Wattpad .
' Magaling . Nadagdagan ang mga mambabasa mo Maria . Ipagpatuloy mo lang iyan . Hwaiting ! Niga hagesseo nan ara ( Fighting ! Kaya mo yan alam ko ) ' - sabi ni Appa
' Ne Appa ! Jeongmal haengbokhaeyo . Hwaiting ! Neomu neomu kamsahamnida Appa ( Opo Appa ! Ang saya ko talaga . Fighting ! Maraming maraming salamat Appa ) ' - sabi ko
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata Ni Maria
AdventureSi Maria ay isang matalino , talented , mabait at higit sa lahat isang simpleng babae . Bata palamang siya ay pakiramdam na niya ay naiiba siya sa mga kaedaran niya . Maraming tanong na naglalaro sa kaniyag isipan na hindi pa nahahanapan n...