Chapter 25

74 2 1
                                    


                                                                           Chapter 25 : Appa



Sabado ngayon at kakatapos lang ng last MTAP namin .

" Bes sabay tayo umuwi " - sabi ni Lance

" May gagawin pa ako bes eh ! Sige mauna ka na " - sabi ko naman sa kanya

" Anu ba yan ! Wala tuloy akong kasabay . Sige na babye na " - sabi niya sakin at naglakad na siya pauwi

Ako naman nakatayo dito sa gilid ng gate ng school namin at naghihintay ng masasakyang jeep papuntang mall .

Maya maya pa ay nakasakay na ako sa jeep . Nagsalpak nalang ako ng earphone sa tenga ko at nagplay ng music .

Medyo malayo ang biyahe pero hindi ko rin naman naramdaman yon dahil nakikinig lang naman ako ng music .

Pagkababa ko ng jeep ay tinahak ko ang daan papunta sa mall at syempre saan pa ba ako pupunta ?

Sa bookstore muna syempre

Pumunta ako sa National Bookstore at nakakita ako doon ng Sparkling Magazine at isang rookie kpop boy group na hindi ko naman kilala ang cover . Kahit naman BTS pa or BIGBANG yung cover ay di rin naman ako bibili

Pumunta rin ako sa Expression at bumili ng poster paints para sa next artwork ko at saka pumunta naman ako sa Booksale

Naghanap hanap ako ng libro at dahil wala akong naintindihan actually sa MTAP bibili nalang ako ng Math book .

Nakahanap ako ng Math book pagkatapos ng ilang minuto kong paghahanap

Binuklat ko ang Math book na hawak ko para malaman kung ano ano ba ang mga nilalaman nun . Kahit na nakatuon sa libro ang tingin ko ay nakikita ko parin sa peripheral vision ko ang isang multo na nakatayo sa may tabi ko .

Sigurado akong multo yun dahil mapuputla ang mga balat niya at isa pa kinikilabutan at kinakabahan din ako .

Sanay na sanay na ako sa mga multo kaya hindi naman ako naalarma o natakot .

Isinara ko na ang libro at dahan dahang kong tiningnan kung sino ba ang katabi ko .

Isa siyang lalaki na singkit ang mga mata at mayroon siyang salamin . Mukha siyang Korean na medyo may edad na .

Nagkatinginan lang kami ng ilang segundo at ngumiti siya sakin . Sa pag-ngiti niya ay halos hindi na makita ang singkit niyang mga mata

' Hanguk saram-iya ?' ( Korean ka ? ) - tanong ko sa kanya

Tinanong ko siya kung Korean ba siya

Tumango - tango naman siya bilang sagot

' Ireum-i mwosimnikka ?' ( Ano pong pangalan niyo ? )- tinanong ko naman siya kung ano ang pangalan niya

' Secret . Ayokong sabihin ' - sabi niya

Nagulat ako dahil bigla siyang nagsalita ng tagalog

' Piripin eoneo halsuga isseujwo ? ' ( Marunong ka pala mag - tagalog ?) - gulat kong tanong sa kanya

' Oo kaya kausapin mo nalang ako sa tagalog ' - sabi niya

' Paano po kayo natuto ng tagalog ?' - tanong ko uli sa kanya

' Nag - aral ako ' - simple niyang sagot sa akin

Naglakad lakad siya at sinundan ko naman siya

' Kamusta ka na ? Tapos mo na bang bahasin yung The Helium Murder ? Eh yung mga libro na sinuggest ko sayo na sabi mo ay nagustuhan mo talaga ' - sabi niya

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon