Chapter 6

138 4 2
                                    

Chapter 6 : CR


Science class namin ngayon at naglelecture ang teacher namin tungkol sa iba't ibang plate boundaries .

Actually hindi ako nakikinig sa kanya . Kunwari lang nakikinig

Nakatingin ako sa kung ano yung tinuturo niya at naki- ' opo Ma'am' nalang ako sa tuwing tatanungin niya kung naiintindihan daw ba namin pero ang totoo iba ang nasa isip ko

Sa totoo lang kanina pa may lalaking itim na nakatayo sa likod ng teacher ko . Parang pinapanuod niya kung paano magturo si Ma'am .

Paano kaya pag sinabi ko sa teacher ko na may nakatayo sa likod niya ?

Maniwala kaya siya ?

Siguro 'wag nalang . Baka sabihan pa nila ako ng weird

" Uy okay ka lang ? Ano yung tinitignan mo ? " - tanong ng seatmate kong si Kimberly

" Ah okay ako no ! May inisip lang ako "

" Akala ko may nakikita kang multo eh ! "

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya

" Multo ? May third eye ka ba ?" - kinakabahan kong tanong sa kanya

" Hahaha third eye ? Wala noh ! "

Akala ko naman may kadamay na ako dito sa room

Sa klase naman namin sa Music may nakiseat- in na mga musician na multo .

Normal naman yung itsura ng iba . Yung iba naman medyo nakakatakot yung itsura lahat sila may hawak na instruments . Acoustic guitar , electric guitar , flute , keyboard at violin ang mga instrumento nila .

Nakaupo sila sa mga vacant seats at yung ibang ghost sa sahig nakaupo .

Gusto ko talaga ng music kasi diba naggi - gitara ako at tsaka kumakanta din . Musician talaga yung music teacher namin at keyboard ang instrument niya kaya natutuwa ako kasi marami akong matututunan galing sa kanya

Habang nagdi-discuss siya nakakarinig ako ng mga side comments mula sa mga multo

' Anu ba yan ! Mali naman yung tinuturo niya sa mga bata . Akala ko ba'y musician siya eh bakit ganyan '

' Eh diba professional po kayo nung nabubuhay pa kayo !? Baka hindi pa ganoong hasa ang teacher na yan '

' Panuorin nalang natin siya'

Napatingin ako sa direksyon nila at kinawayan ako ng isang babae

' Hi ! Wag mo kaming pansinin makinig ka sa teacher mo '

Gaya ng sinabi ng babaeng multo hinayaan ko nalang sila at nakinig sa teacher ko

Ayus naman pala magkaroon ng third eye eh ! Akala ko magugulo ang buhay ko . Hindi pala... Parang normal lang din

Vacant namin ngayon at as usual maingay sila . May kanya- kanyang mundo . Ako naman kinuha ko yung libro ko ng ' fading sounds and discords ' at nagbasa

Parang hindi highschool ang klase namin . Maingay. Akala ko pa naman dati pag highschool ka na bawal na mag- ingay , bawal na isip bata , bawal na masyadong magaslaw pero kabaligtaran ng mga inaakala ko ang nangyayari ngayon

' psst '

Tiningnan ko kung sino ang sumutsot sa akin .

Isang white lady na duguan ang mga kamay at nakatago ang mukha sa mahaba niyang buhok

Teka paano ba kumausap ng mga multo ? Baka anong sabihin sakin ng mga kaklase ko



' Anu ba yan ! Pati ba naman ikaw . Ikaw na nga lang yung nakakakita sakin dito tapos di mo pa ako papansinin '

Naaawa ako sa white lady kaso ayoko talaga magmukhang ewan kung magsasalita ako dito

' Ah alam ko na . Siguro kaya hindi mo ako kinakausap kasi hindi mo alam kung paano no ? '

Hala paano niya nalaman ?

' pwede mo naman akong kausapin sa isip lang . Subukan mo '

' Hi ' - ako

' Hi rin '

' Narinig mo yung sinabi ko sayo ? ' - ako

' Oo ! Sabi na nga ba eh ! Alam mo ba may third eye rin ako noong nabubuhay pa ako . Nalaman ko na pwedeng kausapin yung mga multo gamit lang ang isip dahil sa mga kaibigan ko ding multo noon '

' talaga ate ? ' - ako

' Oo '

' Ate halika dito ka sa tabi ko . Kwentuhan tayo vacant naman namin eh ' - ako

' Eh nagbabasa ka eh ! Tuwing vacant niyo lagi kitang nakikita na nagbabasa . Kaso di pa bukas third eye mo nun eh ! Kinakausap kita noon kaso di mo pala ako naririnig '

' Okay lang yan . Dali tumabi ka na sakin '- ako

' Sige '

Umupo siya sa tabi kong upuan dahil walang nakaupo dun . Lumabas kasi yung katabi ko kasama ng mga classmate namin

' Lagi ka dito ate ?' - ako

' Oo ako yung multo diyan sa CR '

' Ngeh !? Bakit sa CR ? Sa dami ng lugar bakit sa CR pa ? Mabaho pa naman yung CR dito sa room ate '

' Wala lang gusto ko lang sa CR . Pero hindi pa kita nakitang umihi diyan sa CR niyo . '

' Eh kasi hindi yata nagbubuhos yung mga boys kaya nakiki- cr nalang ako sa science building ' - ako

' Sa science building ? Yung 4 na CR na magkakatabi ? '

' Yes ate ' - ako

' Friends ko yung mga mumu dun eh '

' Ganon ? Tropang CR kayo ate ha !' - ako

' hahaha ikaw ha ! Diba Maria name mo '

' yup . Bakit mo ako kilala ate ?' - ako

' Naririnig ko sa mga teachers tsaka sa mga kaklase mo '

' Eh ikaw ate anong pangalan mo ?' - ako

Biglang dumating yung english teacher namin

' Ayan na teacher niyo Maria . Next time nalang bye '

' bye ate ' - ako

Mula sa pagkakaupo niya sa tabi ko parang nag teleport siya at nandun agad siya sa harap ng pinto ng CR

Kumaway siya sakin at tumagos na siya sa may pintuan ng CR

Isang multo na trip sa CR

Ang cool....

" Good afternoon class " - english teacher namin

Sabay sabay naman kaming tumayo at sabay sabay ding sinabi ang

" Good afternoon Sir Zamora "

" You may now sitdown " - Sr. Zamora

At ayun nagdiscuss na nga si Sir at nakinig na kaming lahat...


( Isang munting paalala ng sumulat :

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon