Chapter 10 : Anong problema ?
Simula nang mabuksan ang third eye ko ay unti - unting nagbabago ang pananaw ko tungkol sa mundo siguro dahil sa iba't ibang mga kwento na nalalaman ko at iba ibang mga nilalang na nakikilala ko
Simula rin nang mabuksan ang third eye ko ay naging tahimik akong tao . Dati kasi napakadaldal ko pero ngayon tahimik na ako pero dahil yun sa may kausap ako na hindi nila nakikita .
Mas lumawak pa ang imahinasyon ko nang magbukas ang third eye ko at isang kalakasan yun bilang nagsusulat ng mga kwento at bilang isang artistic na tao
Course time na ngayon at naglalakad ako papunta sa course pero bibili muna ako sa canteen ng triangle kasi may plate kami ngayon at nasa kapatid ko ang triangle ko since drafting din ang course niya .
Hindi talaga ako dumadaan sa mini forest . Bago ka kasi makapunta sa canteen madadaanan mo muna ang mini forest . Tuwing pupunta ako sa course sa dressmaking at sa mapeh department ako dumadaan kasi mas malapit kung doon ako dadaan
Pero kailangan kasi may bibilhin ako .
Natatanaw ko na ang canteen at natatanaw ko na rin ang mini forest . Maraming nakatira sa mga puno . Pinapanood nila ang dumadaang mga estudyante . Siguro ay pwede ko rin silang kaibiganin
' Kamusta kayo ' - bati ko sa kanila pero walang kumibo sa kanila
Binagalan ko ang paglalakad ko nang makaabot ako sa mini forest pero malamig na mga tingin lang ang binigay nila sakin
Bakit kaya ? Hinayaan ko nalang sila at pumunta na ako sa canteen para mabili ang pakay ko .
Pagkatapos ay dumiretso na ako sa course at ginawa ang pinapagawa ng drafting teacher namin
Natapos ang course time namin at kasunod nun ay recess . Hindi naman ako nagrerecess pero dumaan ako sa may canteen namin para madaanan ko na rin ang mini forest
' Hi ako yung kanina ' - sabi ko sa kanila
May upuan kasi dito sa tapat ng mini forest . Umupo ako dun at tumingin sa kanila
' Wag mo kaming kausapin . Ayaw namin sa mga tao ' - masungit na sabi sakin ng isang kapre
' Bakit naman ? ' - tanong ko
Wala nang sumagot sa tanong ko at bigla silang tumagos sa loob ng puno na marahil ay bahay nila .
Ang sungit naman nun . Dumiretso nalang ako sa classroom nagsuksok ng earphone sa tenga at nakinig ng kpop songs to the maximum volume
Ayoko kasing makakarinig ng iba pa maliban sa pinapakinggan ko kaya nakafull talaga palagi ang volume
Naging tahimik ako hanggang uwian . Nagtatanong nga ang mga kaklase ko kung ayos lang daw ba ako at sinabi ko namang ayos lang ako dahil yun naman talaga ang totoo
Pagkauwi sa bahay sinalubong agad ako ni Ate Grace
' Hi musta school ? ' - siya
' okay lang ' - walang gana kong sagot
' okay eh bakit ganyan ka ? ' - siya
Di ko na siya sinagot at nagpatuloy na sa kwarto ko para magbihis ng damit
Sinundan parin ako ni Ate Grace hanggang sa kwarto ko at patuloy parin siya sa pangungulit sakin kung ano ang problema ko
Hindi ko naman siya pinapansin pero ang kulit talaga niya kaya bumigay na ako at sinagot ko na ang tanong niya
' Eh kasi sa mini forest sa school . Sinubukan kong makipag- kaibigan sa mga elemento dun kaso hindi sila friendly '
' Eh bakit ka naman nagkaganyan kung hindi lang sila nakipagkaibigan sayo ?' - Ate Grace
' Nadismaya lang ako kasi ang bait ko naman sa kanila pero ganon sila ' - ako
' Kumain ka muna ' - ate Grace
Sinunod ko naman siya . Pero kahit habang nakain ako kay iniisip ko parin ang nangyari kanina
' Capricorn ' - tinawag ko si Capricorn at agad naman siyang sumulpot sa katapat na upuan ko sa lamesa
' Bakit ? Nagbebenta pa ako ng popcorn . Naghahanap-buhay naman ang kapre eh ' - seryoso niyang sabi sakin pero bakit parang gusto kong tumawa
' May itatanong lang ako sayo ' - sabi ko sa kanya sabay subo ng pagkain
' Yun lang pala eh ! Pwede mo naman akong kausapin kahit nasa malayo ako . Maririnig mo naman ang boses ko eh ' - sabi niya sa akin sabay nakikain na rin siya sakin
' Ano ba yun ?' - tanong ni Capricorn
' Sa miniforest kasi eh ! ' - ako
' Anong meron sa mini - forest ? Hulaan ko mga elemento ' - Capricorn
' Yun na nga eh ! Makikipag kaibigan lang sana ako sa kanila kaso sinungitan lang nila ako . Bilang elemento ka rin naman baka alam mo ' - ako
' Alam ko nga ' - siya
' Sabihin mo sakin ' - ako
' Ayoko ! Sila dapat ang magkwento sayo . Pero alam ko ang tungkol dun dahil nagkaroon ng debate ang mga elemento noon tungkol diyan ' - siya
' Tanungin mo sila bukas ' - siya
' Eh baka hindi nila ako pansinin at sungitan na naman nila ako ' - ako
' O sige sasamahan kita ' - siya
' sasama rin kami sayo ' - sabi ni Ate Grace
' Okay okay ' - ako
Biglang nagbago ang mood ko .
' Oh sige maghahanap buhay pa ako eh ' - paalam ni Capricorn at naglaho na siya na parang bula
Malalaman ko rin kung bakit ...
( Isang munting paalala ng sumulat :
Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata Ni Maria
AdventureSi Maria ay isang matalino , talented , mabait at higit sa lahat isang simpleng babae . Bata palamang siya ay pakiramdam na niya ay naiiba siya sa mga kaedaran niya . Maraming tanong na naglalaro sa kaniyag isipan na hindi pa nahahanapan n...