Chapter 5

149 4 0
                                    

Chapter 5 : Nababaliw lang ba ako ?



~ blackpink in your area ~ 


nagising ako dahil sa pagpapatugtog ng kapitbahay namin 


ang ganda ganda na ng panaginip ko eh ! 



Pagkamulat ko may nakita akong babae sa may paanan ko pero di ko siya kilala . Kinusot - kusot ko ang mga mata ko at tumingin uli sa may paanan ko pero wala naman yung babaeng nakita ko kanina. 


Maputi yung babae tapos nakaputi rin siyang damit


Siguro namalik mata lang ako . 


'Hay Maria gutom lang yan'



Niligpit ko ang higaan at bumaba na . Habang kumakain ako ng almusal may boses na bumulong sa mga tenga ko .


' Maria , masarap ba yang kinakain mo ?'


Ang pogi ng boses pero hindi ko talaga kilala kung kaninong boses yun


' Hi Maria . Naririnig mo na ba ako ?'


Ngayon boses naman ng isang babae ang naririnig ko .  


 Hindi ko rin kilala kung sino ang nagma-may ari ng boses na yun



nababaliw na ba ako ? ano ba 'tong nangyayari sa akin ? 


Kanina nakakita ako ng babae tapos nawala naman kaagad . Tapos ngayon may bumubulong sa tenga ko na hindi ko naman kilala .




May mga iba pang bumubulong sa akin pero hinayaan ko nalang sila . Pero bakit kaya nila alam ang pangalan ko ?

Ang masasabi ko lang ngayon ay natatakot ako . Kasama ba 'to sa pagbubukas ng third eye o nababaliw lang ako ?

' Ayos pa naman ako kahapon eh ! Nababaliw na ako '

' Hahaha ! Hindi ka nababaliw '

'Oo nga bumubulong talaga kami sayo '

Nababasa ba nila ang isip ko ?

' Mag - isip ka ng maayos Maria . Imahinasyon ko lang sila dapat ituon ko nalang ang isip ko sa ibang mga bagay '

Kahit na mahirap pinilit kong wag pansinin ang mga bumubulong sakin .

Nakinig ako ng music , nagbasa ng libro , nag update ng story sa watty , sumayaw , nagdrawing , nag - aral , at kung ano - ano pa

Hindi ko na kaya . Kailangan kong magtanong sa kapatid ko para malaman ko kung totoo ba talagang may naririnig ako o may lumuwag nang turnilyo sa utak ko

Nasaan na ba yung kapatid ko ? Ah ayun nasa may pintuan

" Hoy may itatanong ako sayo "

" Mamaya na ate ! Naglalaro pa ako ng Smurf Village "

Ngeh ! Busy pa . Asan na ba si Rad ?

" Rad halika rito "

" bakit ?"

" May itatanong si ate sayo ha ? Diba may third eye ka rin . Siguro alam mo na 'to kaya magtatanong si ate sayo "

" eh ! Lalaro pa kaya ako ng mga laruan ko "

" Sige na ! Saglit lang "

" ayaw "

At ayun tumakbo palayo yung 5 years old kong kapatid

Ano ba yan ! Sabagay masyado pang bata si Rad at baka hindi rin kami masyadong magkaintindihan

Hihintayin ko nalang si Rainier .

Habang naghihintay ako sa kapatid ko na nangongolekta parin hanggang ngayon ng XP at Red berries ay nagco-crochet naman ako

Natutunan ko ang pagco-crochet 2012 sa EPP namin noong grade 6 . Nakakalibang kaya hanggang ngayong grade 10 na ako ay ginagawa ko pa rin siyang past time . Maganda rin siya kasi naibebenta ko yung mga gawa ko sa mga friends ko at pandagdag ipon narin yun

Sobrang nalibang na ako sa pangga- gantsilyo kaya di ko na namalayan sa nasa tabi ko na pala yung kapatid ko

" Ate ano yung itatanong mo ? "

" Tapos ka na maglaro ? "

" Hindi pa . Eh kasi maghihintay pa ako ng isang oras para maharvest ko yung mga crops "

" Ahh sige "

" Ano ba yung tanong mo ?"

" May nakita kasi akong babae kanina nung pagkagising ko tapos nawala siya and then may mga boses na bumubulong sa akin kilala nila ako pero di ko sila kilala . Nababaliw na ba ako ? "

" Hindi . Nakakakita ka na ng multo pero sobrang labo palang yung tipong aakalain mong namamalik - mata ka lang tapos mga multo din yung bumubulong sayo ate . "

" Malabo palang ? You mean lilinaw din yung vision ng third eye ko ? Ano yun by level !? Hahaha "

" Oo ate tama ! By level yung third eye . Congrats ate level 1 ka na "

" Eh ikaw anong level ?"

" level 14 palang "

" Eh si Rad ?"

" Hindi ko sure "

" Basta hindi ako nababaliw diba ? Mahigpit pa naman yung mga turnilyo ko sa utak diba ? "

" Hahaha si ate eh ! Syempre naman . Oh sige ate ha maglalaro na ulit ako "

' Hindi pala ako nababaliw eh ! Sabi na eh !'

' Wala ka namang sinabi eh '

' kaya nga'

Paepal tong mga multo na ito . Nakikisabat akala mo kausap sila

Pinagpatuloy ko na ang pangga- gantsilyo at nakanta pa ako

Yes ! Hindi ako baliw . Dapat matakot ako ngayon dahil makakakita na ako ng mga multo pero ewan may part ko na natutuwa dahil may improvement sa third eye ko  



( Isang munting paalala ng sumulat :

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )



Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon