Chapter 28 : Buwan ng Takutan
Buwan na ng Oktubre at syempre simula na naman ng pagpapalabas sa TV ng mga nakakatakot na palabas .
Nagkataon pa na may ubo at sipon ako ngayon . Nung nakaraang araw kasi ay nagpractice kami ng sayaw para sa Mapeh presentation namin at umulan noon kaya eto ako ngayon , ubo ng ubo at barado ang ilong
Pumunta ako sa salas ng may dala dalang isang rolyo ng tissue ; singahan ko
Kinuha ko ang remote na nakapatong sa lamesa at binuksan ko ang TV namin
Sakto namang pinapalabas ang isang english horror movie na nakatagalog na
Bakit ba ang hilig nilang magpalabas ng mga nakakatakot kapag buwan na ng Oktubre ?
Mas gusto ba nilang takutin yung mga sarili nila sa mga di naman totoong mga multo ?
Hindi naman sila masama . Oo ganun yung itsura nila dahil pwedeng naaksidente o brutal silang namatay pero di naman ibig sabihin nun na masama na ang ugali nila .
Biglang sumulpot sa screen ng TV ang isang duguang babae na gumagapang .
" Tss "
Di na sakin umeepekto ang ganyang mga pananakot .
Naaalala ko pa dati nung wala pa akong third eye .
Grabe paniwalang - paniwala ako sa mga halimaw at multo na napapanood ko . Pakiramdam ko pa nga pag nasa dilim ako bigla silang susulpot sa likuran o di kaya sa harapan ko
' Ano yang pinapanood mo ? '
Sumulpot sa tabi ko si Ate Bella
' Horror movie Ate '
' Ahh ! Nakakatakot naman yung itsura nung multo '
Habang nanonood ay nakatakip ang kanang kamay ni Ate Bella sa harap ng mukha niya
' Ate multo ka na ! Alam mo na yung totoo . Bakit ka natatakot sa mga napapanood mo ? At isa pa nakakatakot din naman yung itsura mo '
Matatakutin kasi si Ate Bella . Nung nabubuhay pa siya talagang matatakutin siya kaya hanggang ngayon na multo na siya ay matatakutin parin siya
Natatakot din kaya si Ate Bella sa sarili niya ? Kulay pula kasi ang mga mata ni Ate Bella , Buhaghag na buhok na lagpas ng bahagya sa balikat niya , kulay abo ang balat niya , nakadress ng peach dahil nga namatay siya dahil nirape siya pagkatapos ng isang party at mayroong siyang matutulis na ngipin na duguan
' Ayoko na manood niyan . Alis na ako '
Ang pangit ng pagkakamake - up sa multo .
Bakit ba ang dami ng dugo ? Patay na sila diba kaya wala na silang dugo . Kaya nga maputla yung balat ng mga multo kasi nga wala na silang dugo .
Yung mga taong namatay ng duguan pag kaluluwa o multo na sila may dugo pero dun lang sa part na binaril , pinalo , sinaksak o ano pa man . Wala na nang tumutulong dugo" Ang pangit ng palabas . Bakit siya nakakahawak ng kutsilyo ? "
Hindi nakakahawak ng mga bagay ang multo . Yung mga kaluluwa ng gamit kaya nilang mahawakan pero yung pisikal na bagay hindi nila kaya .
Pinatay ko nalang yung TV kasi lalong sumasama yung pakiramdam ko dahil sa palabas .
Uminom muna ako ng gamot at umakyat sa kwarto ko para makapagpahinga
Tinupi ko sa dalawa yung unan ko para tumaas at tsaka ako nahiga
Bakit kasi pag may sipon ka tapos humihiga ka parang bumabara yung sipon kaya hindi ka na makahinga ?
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata Ni Maria
AventuraSi Maria ay isang matalino , talented , mabait at higit sa lahat isang simpleng babae . Bata palamang siya ay pakiramdam na niya ay naiiba siya sa mga kaedaran niya . Maraming tanong na naglalaro sa kaniyag isipan na hindi pa nahahanapan n...