Chapter 14 : Rainier
Pagkatapos kong makakilala ng mga bagong kaibigan ay bumaba na ako at nadatnan kong naglalaro ang bunso kong kapatid na si Rad at may kalaro siyang batang multo habang pinapanood naman siya ni Rainier .
" Ate balita ko marami ka nang mga kaibigan na multo at elemento " - Tanong sakin ni Rainier
" Paano mo nalaman ? " - ako
" Sinabi sakin ng mga multo ano pa ba " - siya
" Masaya pala magkaroon ng third eye noh ? Dati natatakot ako pero ngayon nagpapasalamat ako dahil binigyan ako ng ganitong kapangyarihan . Maraming bagay ako na nalalaman at hindi ko yun kailanman nabasa sa kahit anong libro . Ang saya din malaman ng kasaysayan mula mismo sa sa multo na nabuhay noong mga panahon na yon . Hindi pala lahat ng nakasulat sa mga libro tungkol sa kasaysayan ay totoo noh ? '' - ako
" Oo nga Ate kaya kung may tanong ka sa multo ka na mismo magtanong kasi sila alam nila yun " - siya
Tutal napagu-usapan narin lang ang tungkol sa third eye ay lulubos - lubusin ko na . Kahit na may third eye na kaming magkakapatid ay hindi ko parin talaga alam kung ano ang istorya ng pagkakaroon ng mga kapatid ko ng third eye .
" Rainier paano nagkaroon ng third eye si Rad ?'' - ako
" Hindi ko rin alam Ate . Nagulat nalang ako isang araw kasi nakakita raw siya ng multo tapos pagtingin ko may multo nga " - Rainier
" Ganon !? Eh ikaw paano ka nagkathird - eye ? Nalaman ko lang na may third eye ka noong bakasyon eh ! Pero kailan ka talaga nagkathird eye ? " - ako
" Naalala mo ba noong naospital ako dati nung mga bata pa tayo ? " - Rainier
Naalala ko nga iyon . May sakit kasi ang kapatid ko . Kulang siya sa dugo at naaalala ko rin na sobrang lungkot naming lahat noong mga panahon na yun
" Oo bakit ?" - ako
" Muntik na kasi akong mamatay dati . Sinave lang ako ni Lord at binigyan niya ako ng third eye noon . Mga three years old palang ako noon at five ka pa lang Ate " - Rainier
" Kaya pala tahimik ka palagi dati tsaka lagi ka lang nasa isang sulok " - ako
" Kasi may nakikita akong bata sa bahay natin dati sa Las Piñas na nakakatakot yung itsura . Siya yung batang babae na naatrasan ng delivery truck dun sa may atin dati " - Rainier
Nagflashback sakin ang pangyayari noon .
Lumabas kami ni Papa para bumili ng ihaw ihaw nang may biglang sumigaw ng
' May bata ! '
At napatakbo ang mga tao at nakita nalang ang delivery truck na may naatrasan na batang nasa dalawang taon palang . Tumakas ang driver ng delivery truck habang pinagkukumpulan naman ng mga tao ang batang naatrasan . Lumapit si Papa para tingnan yung bata pero nanatili lang ako sa malayo pero natatanaw ko parin ang dugo at magkakahiwalay na parte ng katawan ng bata . Hindi ko makakalimutan yun .
" Oo nakakatakot nga ang itsura niya pero mabait naman siguro siya " - ako
" Kaya nga . Nabubulol pa nga siya magsalita noon eh pero natakot lang talaga ako noong una ko siyang nakita " - Rainier
" Ate alam mo ba " - Rainier
" Anong alam ko na ? " - ako
" Sinundan kayo ni Papa pauwi nung multo ng batang yun tsaka nagtataka nga siya kung bakit daw ayaw mo lumapit tsaka kung bakit daw mukhang natatakot ka daw dati . Hindi niya kasi alam yung nangyari sa kanya dati " - Rainier
" Nakakaawa talaga siya " - ako
" Balik tayo . Ganun pala kaya ka nagkathird eye ? So marami ka nang nakita tsaka marami ka nang naging kaibigan ? " - ako
" Oo pero hindi ko pa naman nakita lahat ng mga nilalang . Pero kada may nagpapakita kasi sayo na nilalang na first time mo lang nakita ay maglelevel up ang third eye mo at magkakaroon ka ng dagdag na skills " - siya
" Edi may skills ka na ?" - ako
" Meron . Nakakabasa ako ng isip pero nagagawa ko yun kapag nagcoconcentrate lang ako tsaka nakakaramdam ako kapag may paparating na panganib " - siya
" Wow ! Buti ka pa ako kasi wala pang skills " - ako
" Meron na . Naglevel up na rin ang third eye mo pero mas mataas parin ako ng bahagya sakin . Hindi mo lang siguro alam na meron ka nang skills tsaka di mo pa alam kung paano gamitin " - siya
" Paano ko malalaman yung mga skills ko ?" - ako
" Basta Ate malalaman mo rin yan at mangyayari yun sa mga panahon na hindi mo inaasahan " - siya
Ang dami talagang alam ng kapatid ko tungkol sa third eye . Akala ko isa lang siyang tamad na lalaki na walang ginawa kundi manood ng anime at maglaro ng mga games pero may tinatago rin pala siyang kaalaman at kapangyarihan na hindi lahat ng tao ay pinalad na mabiyayaan
( Isang munting paalala ng sumulat :
Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata Ni Maria
AdventureSi Maria ay isang matalino , talented , mabait at higit sa lahat isang simpleng babae . Bata palamang siya ay pakiramdam na niya ay naiiba siya sa mga kaedaran niya . Maraming tanong na naglalaro sa kaniyag isipan na hindi pa nahahanapan n...