Chapter 20 : Daniel at Dave
Kahapon lang nang makita ko uli sa bodega namin ang mga luma kong libro at mga papel at ngayon ay kasama na nila ang iba ko pang mga papel , babasahin at mga libro .
Tinititigan ko lang ang mga iyon hanggang sa kumatok sa pinto ng kwarto ko si Rainier
" Ate may libro ka tungkol sa english grammar ? " - tanong ng kapatid ko sa akin
" Oo meron akong dalawang english grammar books . Bakit ? Hihiram ka ? " - sabi ko sa kapatid ko
" Oo ate pahiram ako kahit isa lang may pinapahanap kasi yung teacher namin sa english . Pwede ko namang igoogle pero nagbaka sakali ako na may libro ka " - paliwanag sakin ni Rainier
" Uhmm ganon pala . Mabuti tinanong mo ako " - sabi ko sa kanya sabay abot ng isang pocket book na english grammar
" Ingatan mo pare " - paalala ko sa kanya .
Tumango naman siya bilang sagot at umalis na kasama ng pinahiram kong libro .
Hanggang ngayon ay natutuwa parin talaga ako sa mga luma kong gamit na nakita ko kahapon . Masaya ako kasi nakasurvive sila ng ilang taon sa loob ng malaki kong kahon na sinulatan ko pa ng pangalan ko
Naaalala ko na kung kailan ko itinago ang mga libro ko sa isang malaking kahon na iyon . 2008 noon at nasa grade 2 palang ako nang magkasakit si Papa at ang kapatid kong si Rainier na siyang dahilan ng pagbukas ng third eye niya .
Nagipit kami noon at kinailangan naming pumunta sa probinsya . Pero marami kaming naiwang mga damit , kasangkapan sa bahay at lahat ng mga laruan ko sa lumang bahay namin .
Binenta kasi namin yun para may pamasahe kami pauwi sa probinsya .
Malungkot ako dahil naiwan lahat ng mga laruan ko . Sabi kasi ni Mama mga importante lang daw ang dadalhin . Sinabi ko noon kay Mama na importante para sakin ang mga laruan ko dahil 7 years old palang ako noon pero hindi siya pumayag
Ang nadala ko lang ay mga libro ko at mga papel at inilagay ko yun sa isang malaking karton at nilagyan ng pangalan ko .
Hindi ko pa talaga maintindihan ang mga pangyayari noon at akala ko babalik pa kami sa luma naming bahay dahil marami pa kaming gamit doon kaya hindi ako nalulungkot sa pag - alis namin dahil naisip ko na ' babalik naman kami dito ' .
Yun ang akala ko . Yun na pala ang huling pagkikita namin ng pinakamamahal kong mga laruan , , mga paborito kong damit at nang bahay namin
Bumalik uli kami dito pero sa Cavite na kami nakatira magpasahanggang ngayon .
Kamusta na kaya ang dati naming bahay ? Nandoon parin kaya ang mga luma naming gamit ?
Siguro wala na . May iba nang nakatira doon at siguro tinapon na nila ang mga gamit namin doon .
Hinila ko mula sa ilalim ng kama ko ang malaking kahon ko na naglalaman ng mga libro at papeles ko kung saan doon ko rin inilagay ang ibang mga lumang libro at papeles mula sa karton ko dahil marami - rami rin ang mga iyon
Pinagmasdan ko uli ang mga luma kong drawing . Isa isa kong inilipat ang mga pahina ng luma kong papel hanggang sa makita ko ang isang pahina na importante para sakin.
Drawing ng isang batang babae at isang batang lalaki at may nakasulat na ' bestfriend forever ' sa ibabang parte ng papel
Naalala ko tuloy si Daniel . Ang pinakauna kong matalik na kaibigan sa lahat .
Noong bata pa kasi ako hindi ako nakikipaglaro sa labas ng bahay . Kaya marami akong laruan noon dahil sila lang naman ang mga kalaro ko . Nasanay ako hanggang ngayon lagi lang ako nasa bahay
Sa school lang ako nagkakaroon ng mga kaibigan . Si Daniel ang pinakaunang kaibigan na naging malapit talaga sakin .
Naging kaklase ko siya noong grade 1 at grade 2 kaso nagtransfer ako ng school kaya nagkahiwalay kami .
Nilagay ko pa naman dun sa drawing ko dati na ' bestfriend forever ' kaso lumipat naman ako ng school .
Siguro marami na siyang mga matatalik na kaibigan kung nasaan man siya ngayon . Samantalang ako naghahanap parin ng mga kaibigan na hinding- hindi ako iiwan
Naalala ko noon na wala kaming pormal na pagpapaalam sa isa't isa ni Daniel . Huling araw ko sa school namin noon ni Daniel at ipinagpaalam na ako ng mga magulang ko sa teacher ko .
Parang walang pakialam noon si Daniel at nakikipagtawanan pa siya sa iba naming mga kaklase samantalang tahimik ko lang siyang pinapanood .
Hindi ko na sinubukan pang kausapin si Daniel at tahimik nalang kaming lumabas sa room ng mga magulang ko . Ayun na ang huling tapak ko sa school na yun
Nakakalungkot ang alaalang iyon at hindi ko maisip kung paano ko nakayanan yon .
Nagpatuloy ako sa paglipat ng mga pahina at napahinto uli ako sa isang drawing .
Drawing ng isang multo . Naaalala ko pa kung sino ang nagdrawing noon . Si Dave ang kaklase ko noong grade 1 at grade 2 rin na mayroong third eye . Isang seryosong tao at palaging tahimik lang .
Isang araw may dalawa kaming kaklase na babae na liban kaya nagforward ang mga babae sa row na iyon at isa ako sa mga nagforward at sakto na si Dave ang nakatabi ko .
Madaldal ako noong bata pa ako hindi kagaya ngayon . Dinaldal ko siya at ayun kinuwento niya sakin ang third eye niya at hindi ko talaga siya maintindihan noon . Iginuhit pa niya sa papel ko ang itsura ng mga multo na nakikita niya para maintindihan ko siya .
Isa din sa mga di ko malilimutang pangyayari noon ay noong binalaan ako ni Dave tungkol sa pagsasayang ko ng papel .
Nagsasayang kami ni Maribel ng papel noon . Bata palang ako ay mahilig na ako gumuhit at kapag nasa school ay gumuguhit kami ni Maribel . Nagkukulay din kami pero ang totoo palagi kaming nag - aaway noon at palagi nalang si Daniel ang nagtatanggol sa akin . Pagdating lang talaga sa Arts kami nagkakasundo ni Maribel .
Malapit na kasi ang uwian noon at mga isang oras at kalahati nalang ang hihintayin namin .
Wala naman yung teacher namin at saktong dalawang piraso nalang ang natitira kong papel kaya naman napagpasiyahan namin ni Maribel na magdrawing nalang
" Wag ka magsayang , kakailanganin natin yan " - seryosong sabi sakin ni Dave
Hindi ko siya inintindi at nagpatuloy lang kami ni Maribel sa ginagawa namin .
Bigla bigla ay pumasok ang teacher namin kaya umayos na kami ni Maribel .
" Maglabas kayo ng dalawang pirasong papel at may gagawin tayo " - sabi ng teacher namin
" Opo teacher " - sabi naman ng mga kaklase ko
Napatulala nalang ako at napatingin kay Dave na nakatingin rin sakin
' Paano na ? Sinayang ko na ang natitira kong papel ? '
" Sabi kasi sayo eh ! " - seryosong sabi ni Dave sabay bigay sakin ng dalawang pirasong papel .
Siguro ang kapangyarihan noon ng third eye ni Dave ay makita kung ano ang sunod na mangyayari gaya ng isa sa mga kapangyarihan na meron rin ako ngayon .
Ano na kaya ang kalagayan ni Daniel ngayon ? May third eye parin kaya magpasahanggang ngayon si Dave ? Sa dinami - dami ng mga naging kaklase ko sila lang talaga ang napakamemorable para sakin .
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata Ni Maria
AdventureSi Maria ay isang matalino , talented , mabait at higit sa lahat isang simpleng babae . Bata palamang siya ay pakiramdam na niya ay naiiba siya sa mga kaedaran niya . Maraming tanong na naglalaro sa kaniyag isipan na hindi pa nahahanapan n...