Chapter 12

115 4 0
                                    

Chapter 12 : Kuya Rap at Kuya Gab

Sabado ngayon at gumagawa ako ng artwork . Isa ito sa mga hobbies ko pero minsan ko lang nagagawa kasi wala akong pera para sa mga materials na medyo may kamahalan

Nanonood sakin si Kuya Ericson at as usual pag busy ako hindi ako namamansin

' Nagsasayang ka lang yata ng mga pangkulay eh ' - kuya Ericson

Nagpretend lang ako na kunwari hindi ko narinig at patuloy lang ako sa ginagawa ko

" Ate patulong sa assignment " - Rainier

" Mamaya na . Busy pa ako " - ako

" Ate ano ba ibig sabi---

" Ano ba ? Sabi ko mamaya na ! " - ako

Oo masungit talaga ako kapag busy ako at ayokong magambala

Hindi na nangulit ang kapatid ko at nagpatuloy na ako ulit sa ginagawa ko . Masayang magpinta sana lagi ko 'tong nagagawa kaso hindi eh !

Nang matapos ko na ang artwork na ginawa ko ay nagligpit na ako ng mga gamit ko at inilagay ang natapos na gawain sa kwarto ko . Pagkatapos ay nanood kami ng Kyoukai no kanata

Hindi ako mahilig sa otaku . Nanonood lang ako dahil inoobserbahan ko lang yung drawing . Nanonood ako ng iba't ibang anime at pinapansin ko kung paano yung pagkakaguhit sa mga karakter . Sa bawat anime na napapanood ko may mga tips ako na nakukuha .

' Uy Kuya Ericson diba sabi mo may third eye ka noong nabubuhay ka pa ?' - tanong ko kay Kuya Ericson

' Oo bakit ? ' - siya

' May itatanong lang sana ako kasi baka makarelate ka sakin kasi diba may third eye ka ? ' - ako

' Ano ba yung tanong mo ? ' - siya

' Natatakot ka rin ba kapag may nakikita ka na nakakatakot yung itsura na mga multo ? ' - ako

' Nung una pero nasanay na ako . Natatakot ako kapag nakakakita ako ng mga nilalang na unang beses ko lang nakita kaya normal lang yun . Ganun ka rin naman diba ? ' - siya

' Oo ganun din. May kaibigan ka ba noon na tao na may third eye din kaya mo ? ' - ako

' Oo . May grupo nga kami noon eh ! Nagbabahagi kami ng kaalaman at mga experience namin ' - siya

' Masaya siguro yun ' - ako

' Masaya nga sa isip lang kami nag- uusap kaya kahit kailan o kahit saan nag-uusap kami ' - siya

' Ha !? Pwede yun ? Akala ko sa multo lang pwede makipag-usap nang ganon ' - ako

' Pwede yun tao sa tao na parehong may third eye , tao sa multo at tao sa mga nilalang na hindi nakikita ng normal na tao ' - siya

' Wow ! Edi ibig sabihin pwede kong kausapin sa isip yung mga kapatid ko kahit nasaan man ako at magkakarinigan kami ? ' - ako

' Pwedeng pwede ! Hindi mo pa pala alam yun ' - siya

' Hindi pa eh ! ' - ako

' Dito ka lang ha may pupuntahan lang ako ' - paalam ni Kuya Ericson at naglaho siya sa harapan ko

Ilang sandali pa ay may narinig akong boses na pamilyar sakin

' Hi Maria ' - siya

' Sino ka ?' - ako

' Welcome sa group chat natin ' - bati ng isa pang boses ng lalaki

' Ako nga pala si Rap . Ako yung kaklase mong gwapo . May third eye rin ako at kilala ko si Ericson na multo ' - sabi ng isa

Kaya pala pamilyar kasi kaklase ko siya

' Ako naman si Gab . Kaibigan ni Rap at kaibigan din namin ang mga kapatid mo ' - sabi nung isa

' Ha !? Talaga ' - ako

' Oo . Simula ngayon kasali ka na sa group chat namin . Pwede kang magtanong samin tungkol sa third eye at sasagutin ka namin . ' - sabi nung Gab

' Wow ! Salamat . Ikaw si Gab diba !? Tapos yung isa Rap yung kaklase ko ' - ako

' Gumalang ka naman tawagin mo kaming kuya . Taga rito rin pala kami sa subdivision kung saan ka nakatira . Isa kami sa mga pinapanood mong magbasketball tuwing umaga . Diba lumalabas ka guwing umaga ? Napunta ka sa clubhouse tapos lagi kang may dalang suklay tapos pinapanood mo kami magbasketball !? ' - Kuya Gab

' Oo tama . Bakit mo alam Kuya Gab ? ' - nahihiya kong tanong sa kanya

' Syempre ako pa ! ' - Kuya Gab

' Mga grade 10 lang din kami gaya mo . Malamang magkaklase tayo at taga ibang section naman 'tong si Gab ' - Kuya Rap

' Oo alam ko naman . Kuya Rap ang galing mo magbasketball ' - ako

' Alam ko . Ako nga palagi mong pinapanood eh ! ' - Kuya Rap

' Syempre . Gusto ko kaya matuto ng basketball ' - ako

' Ah ganun pala ' - Kuya Gab

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto at pagkatapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa

' bye mamaya nalang . May gagawin pa ako eh ' - ako

' Sige bye Maria ' - Kuya Gab

' Bye ' - Kuya Rap

Ang saya makipag - usap sa mga taong kagaya ko ay may third eye rin .

Bumalik na si Kuya Ericson at nasa tabi ko siya ngayon

' Ano ayos ba ? Ako kumausap sa kanila na kausapin ka . Kaibigan ko sila kasi nakikita nila ako ' - Kuya Ericson

' Ayos na ayos ! Ang saya kuya . Sana maging close ko pa sila ' - ako

' Mangyayari yun wag ka mag - alala ' - Kuya Ericson

Panibagong surpresa na naman para sakin ang nalaman ko ngayon . Nagiging mas exciting ang bawat araw ko at dahil yun sa third eye ko .

Matapos ang lahat ay balik na ako sa normal kong mga ginagawa


( Isang munting paalala ng sumulat :

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )


Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon