Chapter 29

67 5 0
                                    

                                                                        Chapter 29 :

                                                                      Kwentuhan Tayo

Pasukan na ulit at maaga akong nagising dahil nabago na ang schedule ng pasok namin dahil nagpalit na rin kami ng principal . Ayaw daw kasi nung bago naming principal na may mga estudyante na uuwi ng gabi dahil iniisip niya ang safety namin

Sabagay mabuti na rin dahil marami talagang estudyante na napapahamak sa gabi . Sa may parteng dulo palang ng school namin maraming multo ng mga estudyante ng school namin at talagang nakakatakot at nakakaawa ang sinapit nila sa kamay din mismo ng kapwa estudyante nila

Ayon sa mga kinukwento ng mga multo sakin , hindi narereport ang kaso ng pagkawala nila dahil iniisip lang ng mga kaanak nila na naglayas sila .

Gusto ko mang tumulong , tingin ko ay wala rin namang saysay kung sasabihin ko dahil baka walang maniwala dahil nga di narereport ang kaso nila at dahil ako lang ang nakakakita sa kanila . Isa pa di rin sila matatahimik dahil kailangang mamatay muna ang gumawa sa kanila noon pero di nila yun pwedeng patayin para mapadali dahil mas bibigat lang ang kaso .

Naglalakad palang ako ng hallway papunta sa classroom at medyo malayu layo pa ako pero rinig na rinig ko na ang mala palengke sa ingay naming room .

Pagpasok ko sa pintuan ay walang nakapansin sakin maliban nalang sa mga kaibigan ko na nginitian lang ako . Naglakad lang ako ng diretso sa upuan ko.

" Musta na Maria ?" - tanong sakin ni Cheryl

" Eto ganon parin . walang pinagbago " - walang gana kong sagot sa kanya

Halos walang pumapasok na subject teachers namin ngayong araw kaya ayun kwentuhan nalang sila ng kwentuhan . Yung iba kumakanta habang nag-gigitara ang kaklase kong lalaki , yung iba nagbabasa ng libro , yung iba nasa labas pumupunta sa canteen para manginain at ako kasama sa mga di ko naman gaanong kaclose na mga kaklase at nakikipaglaro ng Uno cards .

' Maria ilan nalang cards mo ?' - tanong sakin ni Ate Grace na nakaupo din sa sahig gaya naming lahat

' dalawa nalang ate ' - sagot ko sa kanya

Kasama ko nga pala ang mga multo kong kaibigan ngayong araw .

" Ikaw na Maria "- sabi sakin ni Suzette na siyang huling tumira

" Anong last na kulay ?"- tanong ko

" dilaw " - sagot naman ni Rena

Dalawa nalang ang cards ko . Isang dilaw na number 3 at isang stop na blue .

Nilapag ko ang dilaw na tres sabay sabing

" Uno !"

Sa paglalaro kasi ng Uno cards paunahan kayong maubusan ng cards at kapag dalawa nalang ang cards mo at ilalapag mo na ang isa kailangan mong magsabi ng 'Uno' . Kapag naunahan ka ng mga kalaro mo magsabi ng 'uno' imbis na isa nalang ang card mo ay madadagdagan pa ito ng isa .

Naglapag naman si Riane ng berdeng tres sabay sabi niyang 'Uno' . Parehas na kaming iisa ang card .

Naglapag naman si Rena ng pulang tres . Napansin ko na puro tres ang numero ng cards na nilapag naming tatlo

' Di naman kayo siguro mahilig sa tres no ?' - sabi ni Ate Grace na ngayon ay kumakain sa tabi ko

' Nagkataon lang yun ate '

Naglapag si Kherleine ng isang magandang baraha . Ang changed color .

" Anong kulay bhe ?" - tanong sa kanya ni Suzette

" Blue "-

" Anu ba yan wala akong blue " - sabi ni Suzette habang bumubunot ng panibagong card

Nilapag ko ang blue na stop na card ko sabay sabi kay Riane

" Sorry last card ko na kasi "

" Anu ba yan di pa tuloy ako makakatira " - malungkot na sabi ni Riane

Pinagpatuloy nila ang laro at nagsabi muna ako ng aalis ako dahil una akong natapos .

Pumunta ako sa upuan ko . Katabi ng upuan ko ay ang mga kaklase ko na nagkukumpulan at mukhang seryoso ang pinagkukwentuhan .

" Totoo ba talaga yan ? Natatakot na ako "

Dahil katabi ko lang sila di ko maiwasan na hindi sila marinig . Nagtatakutan pala sila . Para namang totoo yung pinagkukwentuhan nila.

Nagcellphone lang ako at hinayaan ko silang matakot kahit na wala naman talaga silang dapat na katakutan.

Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon