Chapter 11

111 5 0
                                    

Chapter 11 : The Reason Why

Pagkagising ko ay si Capricorn at sila Ate Grace kaagad ang bumungad sa akin

' Sasamahan ka namin ngayon diba ?' - nakangiting sabi ni Ate Bella

' Oo '- ako

Ginawa ko ang routine na palagi kong ginagawa sa paghahanda ko sa pagpasok

Kagaya ng sinabi nila sakin ay sinamahan nga nila ako sa school.

Mula sa paghahanda ko sa pagpasok , pagbiyahe at hanggang dito sa classroom

' Mamayang recess mo nalang sila kausapin ' - Ate Katy

' Oo nga magfocus ka muna diyan sa lesson niyo ' - Ate Bella

' Okay sige ' - ako

Habang nagkaklase ay nakikinig rin sila sa mga teachers namin at nakaupo lang sila sa sahig


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


Tapos na ang course at recess time na . Hindi talaga ako nagrerecess pero iba ngayon . Bumili muna ako ng Richeese at dumiretso na kami sa upuan na katapat ng mini forest . Namukhaan siguro nila ako dahil nang dumating ako ay nagtago sila

Binuksan ko ang Richeese ko at kumain .

' Pahingi kami '

At nakisalo sila Capricorn , Ate Grace , Ate Bella , Ate Katy maliban kay Kuya Ericson

' Kayo nalang . Hindi kasi ako kumakain niyan ' - Kuya Ericson

Kakausapin ko na sila

' Hello sa inyo . Nandito uli ako ' - ako

Wala akong tugon na narinig mula sa kanila at wala paring nagpapakita sa amin .

' Lumabas na kayo ' - may awtoridad na sabi ni Capricorn

Matapos yun ay isa isa na silang nagsilabasan pero malalamig na tingin parin ang binibigay nila sakin

' Bakit mo kinakampihan ang taong yan ? '

' Hindi ba at kaaway natin sila '

' Lumayo ka sa kanya '

Yan ang mga sigaw na narinig ko sa kanila

' May gusto lang siyang malaman kaya pagbigyan niyo na ' - Capricorn

Matapos ang mahaba habang pakiusapan ay bumigay narin sila

' O sige . Ikaw tao anong sadya mo ? ' - tanong sakin ng isa

' Gusto ko lang malaman kung bakit ganyan kayo . Gusto ko lang naman makipag kaibigan . Sigurado naman akong mababait kayo pero bakit kayo ganyan ? ' - ako

Malakas na tawanan mula sa kanila ang narinig ko

' Hahahaha '

' Hahahaha '

' Gusto mo talagang malaman !? Sige hayaan mong ikwento ko '

' Dati bukas sa lahat ng mga estudyante ng paaralan na ito ang mini forest . Alam mo bang napakaganda nito dati at wala kang makikitang basura . Dito nga kumakain ang mga estudyanteng katulad mo tuwing tanghali kasama ng mga kaibigan nila . Sa mga lilim ng puno na tinitirhan namin sila namamahinga . '

' Ang ganda pala nito dati pero anong nangyari ? ' - ako

' Nagtatanong ka pa ? Syempre silang mga estudyante na walang disiplina ang dumungis sa tirahan namin . Ginawa nilang basurahan ang mga puno namin . Nakita mo naman ang nangyari hindi ba ? Hindi na kaaya - ayang tingnan ang mini - forest '

' Kaya nga sinara na nila ang mini forest at pinagbabawalan na ang mga estudyante na magpunta dahil binibigyan namin sila ng sakit kapag lalapit sila sa mga puno namin . Tapos ano ? Sinabihan pa nila kami ng masama . Hindi ba't sila rin naman ang may kasalanan kung bakit ganoon ang trato namin sa kanila '

' Matagal na yun at siguro may mga sarili nang pamilya ang mga taong yun . Hindi naman lahat ng tao ganon ' - ako

' Alam namin ' - sabay sabay nilang sabi

' Ayaw lang namin magtiwala uli dahil baka masaktan lang uli kami '

' Makikipag kaibigan lang naman ako eh ! ' - ako

' Mabait 'tong batang 'to . Katunayan ang pamilya nila ang nakatira ngayon sa bahay kung saan dating nakatayo ang puno ko . Naghahati kami sa bahay nila at mabuti kaming mag- kaibigan ' - Capricorn

' Hindi ka nagalit sa kanila dahil nawalan ka ng bahay ?' - tanong nila

' Hindi . Kaya kung ako sa inyo magpatawad na kayo . Buti nga ganoon lang ang ginawa sa mga puno niyo eh sakin nga pinutol at tinayuan pa ng bahay . Isa pa matagal nang nangyari yun ' - Capricorn

' O sige makikipagkaibigan kami basta ba hindi siya gagaya dun sa mga dating estudyante na yun at mangangakong palagi kaming bibisitahin at palaging makikipagkwentuhan sa amin '

' Oo ba ' - ako

Natuwa ako dahil sa nangyari ngayon .

Nakipagkwentuhan pa kami sa kanila hanggang sa matapos ang recess .

Habang naglalakad kami pabalik sa classroom ay nagpasalamat ako sa kanila.

' Salamat sa pagsama sakin ngayon ha !? Lalo ka na Capricorn . ' - ako

Inakbayan ako ni Capricorn at sinabing

' Wala yun '

' Sige bye na Maria . Aalis na kami tutal nakausap mo na sila. Kita kita nalang tayo mamaya pag- uwi mo ' - Sabi ni Kuya Ericson

Tumango naman bilang sagot at sabay sabay silang naglaho .

Mag- isa ko nalang akong naglakad papunta sa classroom

' Siya nga pala . May ipapakilala kami sayong mga kaibigan . Siguro sa susunod na mga araw ' - bulong sakin ni Ate Grace mula sa malayo

' Okay sige .Excited na ako makilala sila ' - ako


( Isang munting paalala ng sumulat :

Kamusta ! Salamat nga pala sa pagbasa mo ng isa na namang kabanata ng libro ko . Bago ka magpatuloy 'wag kakalimutang sumunod , magbahagi , bumoto at magkumento . )


Sa Mga Mata Ni MariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon