Jenna's POV
RRRRRRRRRIIIIIIIINNNNNGGGGG!!!!RRRRRRRRRRRIIIIIIINNNNNNNGGG--
Goodmorning world!Haayyy...sarap ng tulog ko.Makaisip ka ba naman ng napakagandang plano,di sasarap tulog mo.Makaligo na nga.
Pagkatapos kong maligo...ayun..nagbihis na'ko,kumain,tsaka umalis.
Naglalakad ako papasok ng campus na nakangiti.Tingin ulit sila sakin,wala akong pake sa inyo basta,ang ganda ng araw ko ngayon..
Binabawi ko na.Di na maganda ang araw ko,nakasabay ako ng kumag,eh!FC masyado,inakbayan ako.Inalis ko yung kamay niyang isang sakong bigas sa sobrang bigat.
"Pwede bang lumayo ka sakin?Feeling close ka masyado,eh!Tsaka kung andito ka man rin para makipagkaibigan,sorry ha..Di ka pwede,eh!Hmm?Thank you."sabi ko.
Di siya sumagot nasa tabi niya parin ako.Buset!
Bigla niya akong pinatigil at kinuha ang bag ko na agad ko namang nabawi.
"Pinagnanakawan mo ba ko?"sabi ko.
"HAHAHAHAHHAH"tinawanan pa talaga ako."Sa gwapo kong to,magnanakaw?Pffftt--hahahahah.."sabi niya na nagpipigil ng tawa.
Di na ako sumagot at naglakad ng mas mabilis.
"HOY NERD!INTAY!!"sigaw niya.Bahala ka sa buhay mo.
"Akin na kasi yang bag mo,ako na magdadala."seryoso niyang sabi,pero di ko parin siya pinapakinggan.
"Pssssttt..pag di mo binigay sakin yan..Hahalikan kita."napatingin ako sa kanya.Tas napalunok ako ng tumungin siya sa labi ko.
"Eto na,oh!"binigay ko agad sa kanya,baka mahalikan pa ako ng isang kumag.
Ngumisi lang siya.
Shet kinilabutan ako dun,ah!Parang may mali,di nalang sana ako lumingon,baka masabi niyang yun lang ang weakness ko.SHET NA BUHAY TO!
Huminto kami malapit sa door,inabot na niya ang bag ko at may binulong.
"Sunduin kita dito pag recess time.Sabay tayo kundi--."hindi ko na siya pinatuloy baka manigas pa ko dito sa sobrang takot,alam ko naman sasabihin niya,eh!
"Oo na!Oo na!Sige na,umalis kana."sabi ko sa kanya
Kinindatan niya lang ako,nag death glare lang ako sa kanya.
Pagpasok ko sa room,ayan na po,bulungan here,bulungan there,and bulungan everywhere. Bulong pa ba ito?Parang gumamit sila ng mic,ah!Siyempre di magpapahuli si Chloe.Siya pa nga yung malakas ang boses eh,parang naka lunok lang ng mic.
"Nilalandi niya si babe Ethan ko.Kakalbuhin ko talaga yang nerd na yan!"galit na sabi ni Chloe dun sa bestfriend niyang isang ubo nalang.Subukan niyang kalbuhin ako,baka ilibing ko na siya ng buhay.
"Ganyan talaga ang mga nerd!Wala na kasing nagkakagusto sa kanila kaya nilalandi nalang nila ang mga Campus Kings."sabi ni Anne.Parang di malandi,siya nga tong pangalawa kay Chloe,eh! Makikinig nalang ako ng music.
_________________
Hope you guys enjoyed this chapter.
Love lots.
BINABASA MO ANG
BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERD
Teen FictionPano kung ang isang bad boy ay ma i-inlove sa isang nerd?Lalalim kaya ang feelings ni "badboy"pag nakita nya ang mala anghel na mukha ni "nerd"?Malalaman natin yan pag nabasa nyo na ang storyang ito.