Hello guys!Itong chapter na to ay kina Michael at Shane.
Hope you guys will enjoy it!
__________
Shane's POV
Hello everybody!I'm Shane,kaibigan ako nina Jenna,Carol,at Mikylla.We are bestfriends,alam kong kilala niyo na ako,kaya hindi ko na papahabain ang introduction ko.
"Shane,patulong naman.Malapit ko na namang matapos to eh,pero kailangan ko talaga ng tulong mo."sabi ni Jenna.
"Ok.Ano bang kulang dyan?"
"Itong wire isasabit nalang sa kabila,tapos...MYGHAD!Bibili pa ako ng battery.Babalik lang ako."sabi niya at dali-daling umalis ng park.
Nandito kami ngayon sa park,gumagawa kami ng project,matagal pa naman ang deadline nito,pero sabi niya para daw wala na kaming masyadong gawin.Group project ito,at sabi ni Ma'am minimum ay 4 members kaya kami nalang.
"Nasabit mo na?"hingal na tanong ni Jenna.
"Oo.Akin na yang baterya,ba't ka ba nagtatatakbo?Para ka namang hinabol ng kabayo."
"Ok lang noh.Ito oh!"
Ewan ko ba kung ano kami dito sa paaralan,estudyante ba o ano na.
"At...tapos!Perfect,umiilaw na,maganda to.Pag talaga ayaw ni Ma'am nito,malalagot siya sakin."
"Aawayin mo si Ma'am?"tanong ni Mikylla.
"Pwede rin."
"HAHAHAHA----"
Nagtatawanan lang kami nang biglang dumating si Ryan kasama si....Michael.
"Hi girls.Ang saya niyo,ah!"sabi ni Ryan.
"Oo,nagpapatawa kasi si Shane."
"Pwedeng sumali?"
"Oo naman."
Umupo na si Ryan.
"Michael,upo ka na."sabi ni Ryan.
"Oo nga.Wala kaming gamot ng varicose."sabi naman ni Carol.
"Ah..Sige,thank you."
A-W-K-W-A-R-D...Lamunin mo na ako lupa.MYGHAD!Ang beauty ko po,baka masira pa.Ba't pa kasi sinama nitong si Ryan si kumag.
"Shane,you look uncomfortable."sabi ni Jenna."Ok ka lang?"
"Oo."
Tinatanong pa talaga.Kung paalisin mo nalang kaya ako.
"Excuse me guys,can I talk to Shane?"
O_O.Me?
"Oo naman.Wala namang nagmamay-ari dyan,eh."sabi ni Carol.
"Ayoko."
"Shane,usap lang naman,eh."sabi ni Michael.
"Wala na naman tayong dapat pag-usapan,eh."
"Let's talk privately,Shane.Di ka ba nahihiya?"
"Ba't naman ako mahihiya?Ako ba nakipag-break?"nilakasan ko ang boses ko,kaya pinagtitinginan kami ng mga students.
"Oh my God!Naging sila pala."bulong no.1
"Oo nga.Si Michael pa talaga nakipag-break.God,ang sakit nun."
"Baka naman kasi,hindi pa sapat sa kanya si ate gurl."
Mga bwiset!Mag-bubulungan na nga,ipaparinig pa.Sige,magbulungan kayo hanggang sa pumula yang mga labi niyo.
"Shane,please."
"Ok,kawawa ka naman kasi,nahihiya ka sa mga pinag-gagawa mo,eh.Bes,balik lang ako."
Dinala niya ako sa isang restaurant malapit sa school.Sosyalin si manong,nagka-pera!
"So?"
"Ummm..Sorry for breaking your heart,and I know na late na ang paghihingi ko ng sorry,ngayon ko lang talaga na realize na nasaktan kita ng sobra,Shane I'm very sorry."
"Ngayon mo lang na realize?Oh my God,Michael.Our relationship was already done 2 years ago,and ngayon mo lang na realize?I can't believe it."
"Shane,can you be mine,again?"
"No!Ganun na lang ba kadali yun para sayo?Pagkatapos mong saktan ako,magso-sorry ka,tapos babalikan mo ako.Laruan ba paningin mo sakin?Pagkatapos mong paglaruan,nag sawa ka na at iiwan mo nalang ako.Michael,hindi ako binuo ng mga magulang ko para gawin mo lang laruan,dahil ni minsan hindi nila pinadama sakin ang sakit at hirap."
"Shane,I'm very sorry."
"Yan lang ba?I have to go!May next class pa ako,kukunin ko ang sorry mo.Pero I can't give you my heart."at umalis na ako sa restaurant.
Ganun na lang ba kadali sakanya yun?Magso-sorry nalang siya tapos babalikan ako?Wow lang!Bahala siya sa buhay niya,manigas siya.
******
Michael's POV
Alam kong hindi na ako babalikan ni Shane,kita ko sa mga mata niya ang saya kapag kasama niya si Kevin,at masaya narin siya dahil wala na ako.Late ko nang na realize,napaka-baliw ko talaga,pagkatapos ko siyang saktan,babalikan ko ulit.Haha..Baliw na nga ako.
"Michael,is it successful?"tanong ni Ryan.
"No.Shane is happy without me,and she is also happy with Kevin."
"Kevin who?"
"Kaibigan ni Ethan,kaibigan na rin nila."
"I'm very sorry for that.Don't worry,marami pa namang girls dyan,eh."
"Ryan,it's not funny.Si Shane lang ang nasa puso ko,pero wala na akong magawa.She is now happy."
"Pare,move on ka na.Yan kasi,nawalan lang ng time,nakipag hiwalay na.Mga tao ngayon,eh"
"Oo nga.Sa maliit na bagay na yun,nakipag-break ako.Hindi ko man lang inalam na baka busy siya sa studies,medyo bata parin kasi ako nun,immature pa ako."
"Hanggang tingin ka nalang."
"Ikaw,imbis na i-comfort mo ako,iniinis mo ako lage.Nakaka-bwiset kana."
"Gusto mo pala ng comforter.Hindi mo naman ako sinabihan,hali ka dito hug kita."
"Wag na nga.Hug mo mukha mo."
Umakyat na ako ng kwarto,dito na rin natutulog sa bahay si Ryan,ewan ko kung ba't ayaw niya dun sa bahay nila.
"HOY!HUG KITA!"sigaw niya.Natawa nalang ako,kahit may pagka-badboy to,mabait din siya.Di nga lang niya pinapakita in public.Shy daw siya,eh.
________
Update guys!May bilin lang ako,charot bilin talaga..di guys,ano lang sasabihin lang,matatagalan ang pag-update ko kasi isasama ako ng ate ko sa mga lakad niya,biyahe2x guys,eh.Tsaka computer yung gamit ko,wala akong cp.hihi..Sorry guys.Pero babawi ako,dadamihan ko na ang mga updates ko.Thank you guys!
BINABASA MO ANG
BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERD
Fiksi RemajaPano kung ang isang bad boy ay ma i-inlove sa isang nerd?Lalalim kaya ang feelings ni "badboy"pag nakita nya ang mala anghel na mukha ni "nerd"?Malalaman natin yan pag nabasa nyo na ang storyang ito.