Chapter 58

1.5K 27 0
                                    

Jenna's POV


Naglalakad na ako ngayon papunta ng school,trip kong maglakad ngayon,eh.Ok na rin yun para makapag-exercise ako.Habang naglalakad ako may napapansin akong maitim na kotse na sumusunod.Nakaramdam ako ng takot kaya mas binilisan ko ang lakad ko.Buti nalang at nakarating na ako ng school.Hooohh..Kala ko ano na.

"Jenna!"may tumawag sakin sa likod at nakita ko si Ethan na naglalakad papalapit sakin.

"Bakit?"

"Pinagpapawisan ka,oh.Bakit ba?"

"Wala.Naglakad kasi ako papunta dito."

"Bakit?"

"Wala naisip ko lang.Exercise lang."

"Lika nga dito.Pinagpapawisan ka,eh.Ang baho mo na."

Pinunasan niya yung mukha ko ng bimpo niya.May dala-dala pala siyang ganun.

"Talikod ka."

"Ito na po."

Nilagyan din niya yung likod ko ng bimpo.Tatay lang.

"Sa susunod,wag kanang maglalakad,ok?Tawagan mo ako."

"Ok po.Sorry!"

"Tara na."

Naglalakad na kami.Papunta ng classroom.Hiniwakan niya yung kamay ko.Kinilig naman si nanay niyo.Pagdating namin sa classroom nandun na ang mga kaibigan ko at ang iba kong kaklase.

"Oh.My.Godness!Is this real?"gulat na tanong ni Shane."Can you please explain,Jenna."

"Ah..Shane,ok na kami ni Ethan,eh.Sorry kung di ko sinabi sayo agad."

"Ok as in kayo na ulit?"

"No.Hindi pa naman."

"Hindi pa naman?So,may chance na magiging kayo ulit?"

"Umm..Ewan ko.Galit ka ba?"

"Nope.Not at all.Goodluck."

Goodluck?

"For what?"nginitian niya lang ako.Minsan talaga,naiisip ko na bipolar ba itong si Shane,pa bago-bago ang mood,eh."Kinabahan ako dun.Ikaw?"humarap ako kay Ethan.

"Hindi naman."

"Hindi ka natakot sa amazonang yun?"

"Hindi."

"Upo na po tayo,wala tayong gamot ng varicose,eh."

"Haha..Sige."

Umupo na kami.

RRRIIIINNNNNNGGGG RRRRRIIIINNNGGG

Nag-ri-ring yung phone niya.

"Sinong tumatawag?"tanong ko.

"Ah..Si mama lang.."

"Sagutin mo na kaya,baka magalit yung mama mo."

"Di..Ok lang,te-text ko nalang siya mamaya."

"Ok."

Maya-maya lang ay dumating na si Ma'am at nag-discuss na.Makikinig ako noh,para sa future ko.

*****

Ethan's POV


Bwiset na Vivian.Buti nalang nakapag-palusot ako kay Jenna.

RRRRRIIIINNNGGG RRRRIIIINNNNGGG

Incoming call from Vivian

"Whose phone is ringing?"tanong ni Ma'am.

"Akin po Ma'am.Sagutin ko lang po."

"Ok..Be faster Mr.Reyes."

"I will Ma'am."sabi ko."Jenna sagutin ko lang."

"Ok."

Lumabas na ako ng room at sinagot ang tawag.

"Ano ba?Alam mo bang napagalitan ako ni Ma'am dahil sa kakatawag mo?"

"Sorry naman.Nandito ako sa parking lot,puntahan mo ko nagdala ako ng foods,sabay na tayong mag-recess after ng class mo."

"Wag na.May kasabay na ako."

"Who?Is it Jenna?Narinig ko kanina,sabi nila you two are dating."

"Pano kung OO?May magagawa ka?"

"Talagang ginagalit mo ako,ah."

"Inaano ba kita?Tingnan mo nga,oh.Hindi pa nga tayo kinakasal,galit na galit kana sakin,ina-under mo na ako,pano pa kaya pag kinasal na tayo,sa tingin mo ba papayag ako sa kasal pag ginaganyan mo ako?"

"I'm sorry Ethan.Patunayan mo kasi na hindi totoo ang mga chismis dito."

"Everything you heard is true.Yes,we are dating."

"I'll kill that b*tch.Kaya,bantayan mo na yang babaeng yan."

"Ok.As if naman na hahayaan ko siyang awayin mo.Ako muna ang babanggain mo,bago ang mahal ko.Bye."

Binaba ko na ang tawag.Haha..Subukan niya lang saktan si Jenna,makakatikim siya ng suntok ko.Pumasok na ako sa classroom at umupo.

"Sino yung tumawag?"tanong ni Jenna.

"Si mama.Kinakamusta ako."

"Ahhh.."

"Jenna,dito na tayo kumain sa classroom.Ako na ang bibili ng pagkain natin."

"Huh?Bakit?"

"Basta."

Baka kasi totohanin ni Vivian yung sinabi niya.

Lecture

Lecture

Lecture

Tapos na yung first class,may susunod pang isang subject at recess na.Habang naghihintay kami kay Ma'am,nagpa-music muna ako,si Jenna naman nakipag-chikahan sa mga kaibigan niya.Nag-facebook ako at..

Ryan Angelo Santos added you as a friend

Luh?As in friend request?Accept ko nalang.

You are now friends with Ryan Angelo Santos

Maya-maya lang may nag message.Binuksan ko ito at siya pala yung nag-message.

Pare.Salamat naman at in-accept mo.

Hehe..Wala yun.

Sorry pala,ah.Inaway kasi kita.

Wala yun,noh.Ang importante ngayon ay magkaibigan na tayo.

Hehe..Sige na,chat nalang tayo sa susunod,nandito na si Ma'am,eh.

Sige.

Biglang bumait,ah.Parang may mali nung in-accept ko siya,eh.Hmm..Wag ko munang isipin yun,masama bang makipag-kaibigan?Di naman,eh.

______

Update guys!

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon