Jenna's POV
Papasok ba ako ngayon?Sayang kasi yung lessons,eh.Pero,magkikita kami ni Ethan.Mama,tulong naman po.
"Nak,bangon na!"
"Ma,hindi na muna ako papasok."
"Ha?Bakit?Sayang yung lessons niyo,baka bumaba grades mo.Ano ba kasing nangyare."
"Wala naman,Ma."
"Hindi.Papasok ka ngayon,mag-aral ka ng mabuti."
"Mama naman,eh.Kahit ngayon lang po.Please."
"Hindi nga.Maligo kana,pinagluto na kita ng paborito mong almusal!"
"Mama."
"Jenna,wag matigas ang ulo."
"Opo,Ma."
Tumayo na ako at pumunta ng banyo,at naligo na.Pagkatapos maligo,ayun nagbihis bumaba para kumain,bumalik sa taas at nag toothbrush,kinuha yung bag at umalis na.
Nasa labas na ako ng gate.Wag nalang kaya ako pumasok.Tama.
Tumalikod na ako sa gate at....
"Aray!"tumama ako sa isang tao,at nahulog ang mga dala kong libro.
"Yan kasi,di tumitingin sa dinadaanan."
O_O
Dali dali kong kinuha ang mga libro ko at tumayo.Aalis na sana ako,pero nagsalita siya.
"Di ka papasok?"
"Babalik muna ako sa bahay,may nakalimutan ako."
"Sabay na tayo."
"Wag na."
"Iniiwasan mo ko?"
"D-di noh."
"Talaga?Ba't nakatalikod ka sakin?Bakit ayaw mong tumingin sakin."
"Nagmamadali ako.Pasensya na."
"Jenna.Hayaan mo kasi akong mag-explain."
"Hindi mo na kailangang mag-sayang ng laway mo,Ethan.Dahil klarong-klaro na saakin lahat ng mga sinabi mo."
"Jenna,please.Kahit mga 1 minute lang."
"Sige.1 minute ang usapan.Bilis."
"Thankyou.Ganito kasi yun,si papa at daddy ni Vivian ay magkaibigan,at yung kompanya namin ay dahan-dahang bumabagsak,kaya humingi ng tulong si papa kay Tito,pumayag naman siya pero may kondisyon,na ipapakasal niya ako kay Vivian,tas pumayag si papa,pag di ako pumayag sa kasal,ipapahamak ka niya Jenna,kaya napilitan ako.Sorry!"
"Yun lang?Sana naman kasi hinayaan mo nalang akong mapahamak,at least may oras pa tayo,kesa ngayon,nag-iiwasan,hindi nagpapansinan."
"Jenna,I can not afford to lose you,"
"I'm sorry,but your 1 minute is over."
Pumasok na ako.Ayaw ko pa namang pumasok ngayon.
*****
Ethan's POV
"I'm sorry,but your 1 minute is over."
Pumasok na siya ng school.
Pag talaga nasaktan mo na yung tao,wala parin yang sorry mo,kulang parin sa sakit na naidulot mo sakanya.
Pumasok na ako ng room,at nakita ko siyang nagbabasa ng libro,alam kong napansin niya ang pagdating ko,pero hindi lang siya tumingin.Umupo na ako at nag-cellphone.
"Jenna,I'm sorry."
"It's fine.Tumahimik ka nalang."
"Ok."
Ang awkward naman.Bakit ko pa kasi sinabi yun,yan tuloy,iniiwasan ako.
Pumasok na si Ma'am at nag-discuss na.
Lecture
Lecture
Lecture
Recess
Dumiretso na ako ng canteen at naabutan sila dun na nagtatawanan.
"Hi bunso."bati ni Christian."Kumusta kana?"
"Badtrip ako."
"Huh?Bakit?"
"Ewan."
Inimon ko na ang biniling soda ni Kevin.
"Hoy!Akin yun,eh!"
"Bibilhan kita mamaya.OA nito!"
"Hehe..Thankyou bunso."
May naisip na akong next move.Ganda nito...siguro.Sana gumana ito.
*****
Ryan's POV
"Ano na?Nasan na siya ngayon banda?"
"Papunta na siya ngayon sa may hagdanan."
"Sige,thankyou!"
Tumakbo na ako papunta sa building nila,naabutan ko si Jenna at ang mga kaibigan niya na umaakyat ng hagdanan papunta sa room nila.Tumabi ako sakanya.
"Jenna."
"Oh my God!"
"Haha.."
"Ba't ka laging sumusulpot?Pwede mo naman akong tawagin,eh!"
"Sorry naman.Hatid ko na kayo."
"Wag na malapit lang naman room namin,eh.Tsaka yung room mo malayo,malayo rin lalakarin mo."
"Ok lang.Ok naman diba girls?"
"Ok na ok."sabay na sabi nila.
"Ok."
Naglalakad na kami papunta sa room nila nang makasalubong namin si Ethan.
"Anong ginagawa mo dito?"tanong ko.
"Ikaw,anong ginagawa mo dito?"
"Hinatid si Jenna."
"Wala kang karapatang ihatid si Jenna."
"Pake mo ba?Eh,gusto ko,eh!"
"Pwede ba?Kung mag-rambulan kayo,wag dito."sabi ni Jenna at pumasok ng room nila.
"Alam kong sinusundan mo si Jenna,Ethan.Mahal mo pa siya diba?Late ka na,dahil umamin na ako kay Jenna."
"Hindi pa Ryan,hindi pa.Dahil alam na alam ko na mahal parin ako ni Jenna."
Pumasok na siya ng room nila.Hindi pa ako tapos sayo,humanda ka na.
_____
Update!
BINABASA MO ANG
BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERD
Teen FictionPano kung ang isang bad boy ay ma i-inlove sa isang nerd?Lalalim kaya ang feelings ni "badboy"pag nakita nya ang mala anghel na mukha ni "nerd"?Malalaman natin yan pag nabasa nyo na ang storyang ito.