Chapter 49

1.6K 20 0
                                    

Jenna's POV


Naglalakad na kami papuntang room,biglang nagbubulungan ang mga studyante,may chismis na nakalap na naman ang mga ito.Bigyan ko kayo ng award,eh.

Pag-dating namin sa room,nakita ko sa desk ko na may maraming bulaklak.

"Kanino galing to?"tanong ko.

"Aba malay namin,sabay tayong nag-recess,eh."sagot ni Shane.

"Hanep bessy!May secret admirer ka,haba talaga ng hair mo.Carol,natapakan mo na buhok niya,umalis ka dyan."sabi ni Mikylla.

"Pinag-ti-tripan na naman ako."

"Hindi trip yan."paglingon ko may lalaking lumapit samin.

"Sino ka?Ikaw nagbigay nito?"tanong ni Shane.

"Hindi ako."

"Parang kilala kita.Ikaw yung kasama ni Ryan sa mall diba."sabi ko.

"Ako nga.I'm Michael.Hindi ako ang nagbigay niyan,napag-utusan lang ako.May kasamang letter yan,ito oh."

"Salamat.Hindi mo ba talaga alam?"

"Hindi,eh.Sorry,aalis na ako."

"Sige,ingat."

Umalis na siya,at binuksan ko na ang letter:

"Hi Jenna!Alam kong galing ka sa heartbreak, pero sana naman hayaan mo akong mahalin ka,magpapakilala lang ako sayo pag ok ka na.Ingat!"

"Who the hell is he?"tanong ni Shane.

"Ewan."

"Bessy,hayaan mo raw siyang mahalin ka niya."sabi ni Mikylla.

"At pano niya nalaman na galing ako sa heartbreak?"

"Stalker."sabay na sabi nila.

"Stalker?May stalker ako sa itsura ko?"

"Ikaw na nga tong may secret admirer,minamaliit mo pa ang sarili mo,dyan ka nga."sabi ni Shane at bumalik sa upuan niya.

Sino ba talaga ang lalaking ito?Bakit alam niya ang tungkol sa pangalan ko?Baka naman si Michael yun,di niya lang pinapahalata,pero pwede ring hindi.Haayyy..Nakaka-confuse naman,pero napakaganda ng mga bulaklak ah,at mababango pa!Thank you ng marami sayo.

******

Ethan's POV


Ang dami ko na ngang problema,dinadagdagan pa ni Ma'am,pano eh pinapagawa kami ng project tapos bukas na ang deadline,project ba to o assignment.Bw*set!

"Ethan!"

"Oh,anyare sayo?Ba't parang naghabulan kayo ng kabayo?"hiningal kasi si Liam.

"Si...si...Jenna..na..nakatanggap ng..maraming bulaklak."

"ANO!?Sinong nagbigay?"

"Di ko alam,naririnig ko kasi sa mga bulungan,tapos nung pumunta ako sa room nila,nakita ko ang mga bulaklak."

"Potek yang lalaking yan,papatayin ko yan."

"Baka naman napag-tripan lang si Jenna."sabi ni Christian.

"Napag-tripan?Walang sino man ang pwedeng gumawa nun sakanya,hindi ko nga napag-tripan yun,mamamatay yan."

"Hoy lalake.Sobra na yan,ako yung kuya,ex ka lang."sabi ni Gerald.

"Sorry naman pare.Di naman ako ex,eh."

"Ano tawag mo dun?Y?"

Napakamot nalang ako sa ulo,mahirap na kung makipag-away pa ako,baka di niya ako tutulungan.

RRRRIIIINNNNGGG RRRRRIIIIINNNNGGG

Incoming call from Vivian

"Ano?"

"Nandito ako sa labas ng school mo at hindi ako makakapasok dahil ayaw akong papasukin ng guard."

"Ano naman sakin?"

"Do something."

"Ayoko,busy ako.Tsaka umuwi ka nalang."

"Ok.Concerned ka sakin?"

Binaba ko na ang tawag.Ba't naman ako concerned sayo?Anghel ka?Mukha mo nga parang tinapakan.

*******

Ryan's POV


"Natanggap na niya?"tanong ko.

"Oo."

"Anong reaksyon niya?"

"Siyempre surprised at nagtataka."

"Ahhh..Sana nakita ko yung reaksyon niya.Alam kong napaka-ganda niya kahit nagtataka siya."

"Ang landi mo pare."

"Anong malandi dun?Bitter ka kasi.Dahil kay ano---"

"Sige,try mong balikan,isusumbong kita sa papa mo."

"Isusumbong?Magagawa mo ba?"

"Oo."

"Wow.Hanep pare.Ang tapang mo na.Ipagpatuloy mo lang yan."

"Baliw ka ba?Dati na akong matapang noh."

"Ok."

Hindi naman sa bitter yang si Michael,baka siguro dala lang sa heartbreak niya.Ganito kasi yun,ex girlfriend niya si Shane,ang sabi niya sweet naman daw sila nung una pero habang tumatagal nawawalan na sila ng oras sa isa't-isa,kaya nakipag-break siya kay Shane.Wala akong masyadong alam sa kanila kasi nung mga panahong yun hindi pa kami masyadong close ni Michael.Ang saklap naman ng love story nila.

______

Update guys!Sorry kung matagal akong di nakapag-update.

Thank you for reading,voting and for following.

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon