Chapter 19

3K 59 0
                                    

Jenna's POV


Friday morning everybody!

Gumising na ako sa tunog nitong alarm clock,tapos ginawa ko na yung morning routine ko,tapos umalis na.

Pagdating ko sa room,ako pa lang kase early bird ako,eh.

Mga 30 minutes after,nagsidatingan na ang mga kaklase ko,at pati rin si Chloe.

"Nerd!"tama kay si Chloe yan.

"Ano?"inis kong sagot.

"Diba ang sabi ko sayo layuan mo na si Ethan?"

"Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na siya ang sabihan mo niyan dahil siya yung lapit nang lapit sayo."

"Pwede namang ikaw ang umiwas,eh!At dahil matigas ang bungo mo itong sayo."sabi niya at sinampal ako.

Hindi naman pwedeng sampalin niya ako ng ganun ganun lang.

Pak! Sinampal ko siya.

Sasampalin na niya sana ako ng may biglang humawak ng kamay niya,sabay kaming napalingon at nakita namin si Ethan.

"Ano bang problema mo Chloe?Ganyan ka na ba talaga ka desperada?"tanong ni Ethan.

"Babe,nilalayo lang naman kita sa kanya,eh!Ginagamit ka lang niya."sagot ni Chloe.

"Hindi manggagamit si Jenna,at pwede ba wag mo akong tawagin na babe,hindi tayo."

"Ano bang nakikita mo sa babaeng yan?Hindi naman siya maganda,ah!"sabi ni Chloe.

"Hindi nga siya maganda,mabait naman.Ikaw maganda ka nga,tanong ko lang,mabait ka ba?Ni konting respeto man lang sa kapwa wala nga,eh!"

"Pagkamabait lang pala,kaya kong magbago para sayo Ethan."

"Pasensya na Chloe,pero may mahal na ako at hindi ikaw yun."at hinila ako ni Ethan palabas ng room.

Habang naglalakad kami di ko mapigilang umiyak,kaya napatigil kami sa paglalakad at niyakap niya ako.

"Ok lang yan,tahan na."sabi niya.

"Di*sob*ko kase alam*sob*kung ano yung*sob*ginawa ko sa kanya na*sob*sobrang ikinagalit niya."sabi ko habang umiiyak.

"Ssshhh..Tahan na..Ganyan kase talaga siya,eh!Wala na tayong magagawa."

"Salamat pala sa pagtatanggol,ah."sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Walang anuma,para sayo!"

Nabigla ako dun,ah!At biglang bumilis ang tibok ng puso ko.Lord ano to?

"Ahh..T-tara na.Saan tayo pupunta?"sabi ko habang naglalakad kami.

"Ewan ko,hindi naman tayo pwedeng lumabas ng campus."

Umupo kami sa isang bench sa tambayan ko.Kakausapin ko nalang yung guard.Alam na kase nila na anak ko ng may-ari ng school.

"Dito ka lang.Babalik ako agad."sabi ko.

"San ka pupunta?"

"Basta."


"Manong guard,lalabas ho kami ng kaibigan ko."sabi ko kay manong.

"Sige."

"Gusto mong lumabas ng Campus?Tara na."sabi ko sakanya.

"Ha?Di nga pwede diba."

"Tara na kase."

Pag labas namin,humarap siya sakin.

"Di ba hindi pwedeng lumabas pag class hours?"

"Secret.San tayo pupunta?"

____________________

Short lang siya.

Thank you for reading guys!

BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon