Ethan's POV
"Kase..the feeling is mutual."
O_O
Tama ba yung narinig ko?THE FEELING IS MUTUAL!?
"Sorry kung ngayon ko lang sinabi,nag he-hesitate pa kasi ako kase baka trip mo lang yun.Sorry talaga."sabi niya.
Alam kong nakakabakla,pero inaamin ko na kinikilig ako.
"Trip ko?Bakit naman ako man ti-trip ng babae?Oo ginawa ko noon yun,peroo nung nakilala kita,talagang binago mo ang buhay ko."sabi ko.
Nakita kung namula siya,hihihi...kinilig!
"Ummm..Ano na?"tanong ko.
"Anong ano na?"
"Pwedeng manligaw?Kase diba mutual naman yung feelings natin."sabi ko.
"Ummm..Kase..baka magalit sina Mama at Papa."sabi niya.
"Wag kang mag-alala nakapag-paalam naman ako sakanila,eh!"
"Kelan pa?"
"Nung niyaya kitang lumabas.Ano?"
"S-sige."
Salamat naman.
*******
Jenna's POV
Myghad!Kinikilig ako,niligawan ako ni Ethan,nananaginip ba ako?
"Nandito na tayo.Wag kang bababa."sabi niya.
Lumabas siya ng kotse at umikot papunta sakin,at binuksan ang pinto,wow gentleman.
"Thank you."
"Welcome!Pasok ka na."sabi niya.
"Sige.Ingat ka,ah!"
"I will."sabi niya.
Pumasok na ako,at umalis na siya.
"Hi nak."bati ni mama.
"Hello ma."
"Nakita ko yun,ah!Kayo na ba?"
O_O
"Hindi pa ma."
"Hindi pa pero malapit na?"nakangising tanong ni mama.
Tumango lang ako,baka masabugan ako!
"YIIIIIIEEEEEEE...Dalaga na talaga ang baby ko."tili ni mama.
"Mama,natural lang naman na mag dadalaga ako,hindi naman pwedeng baby lang ako forever."
"Tama ka nak.Pero kahit na big girl ka na,ikaw parin ang baby ko.Tama na ang dramahan,kumain kana,at magbihis pawis na pawis ka.Sige na."
"Ok po."sabi ko at ginawa ang sinabi ni mama.
Pagkatapos kong magbihis,humiga ako sa kama ko at nag open ng facebook.Matagal-tagal narin kasi akong di nakapag facebook,so yun,scroll lang ng scroll,hanggang sa may makita akong status na pinost niya.
"Nililigawan ko na ang baby ko."
Myghad!Ako to,eh!May mga nag comment naman.
Ako ba yan babe?
Ako kaya.
Assuming masyado,wag mag assume mga bes nakakamatay yan!Siyempre meron namang mababait na nag comment.
Swerte naman.Support nalang po kita sa happiness mo.
Swerte ni ate girl,sigurado ako maganda yan,tsaka mabait pa.
Nakakataba ng puso yung mga mababait na comments.Maya maya pa,tumawag si Ethan,siyempre sinagot ko yung tawag.
"Hello?"sabi ko.
"Jenna,susunduin kita jan bukas,ah!"
"Bakit?May maghahatid naman sakin,eh!"
"Nanliligaw nga ako diba?"
"Ok,sige na."
"Sige bye!"
Binaba ko na ang tawag.Yun lang pala sasabihin,tumawag pa,pwede namang e text niya yung sasabihin niya,eh!
__________
Ito na ang update!Short lang siya talaga,sorry!
Thank you for reading and for voting,pati na rin sa mga nag follow sakin,thank you sa inyo ng sobra.
BINABASA MO ANG
BAD BOY FELL IN LOVE TO THE CAMPUS NERD
Teen FictionPano kung ang isang bad boy ay ma i-inlove sa isang nerd?Lalalim kaya ang feelings ni "badboy"pag nakita nya ang mala anghel na mukha ni "nerd"?Malalaman natin yan pag nabasa nyo na ang storyang ito.