(Migs POV)
"Tol ano na?" Tanong ko agad sa kabilang linya
"Okay na, nasa akin na yung susi ng kwarto ni charity" sagot nito
"Sige sige! pupunta na ko diyan" kasabay ng pagpatay ko sa tawag.
Napangiti naman ako sa naisip kong plano.
Wahaha sigurado akong hindi niya na ito matatangihan pa
At agad ko ng pinaandar ang sasakyan.
Mabuti nalang talaga magkasabwat kami nung kuya niyang si jason dahil kung hindi mahihirapan talaga akong makadamoves kay charity lalo na't daming connection nang karibal kong tomboy.
Oo nga pala speaking of that lesbian di ko nga alam kung ano ang pinakain nun sa kay jason eh na nagkagusto sakanya, pero pasalamat na din sa tomboy na yun dahil sakanya tinulungan ako ni Jason.
Nagugulahan na siguro kayo ganito kasi yun...
FLASHBACK
"Tol Jason may hihingin sana akong pabor sayo" sabi ko dito pagkatapos naming magpractice ng basketball.Tiningnan niya lang ako
"Gusto ko sanang tulungan mo ko sa panliligaw sa kapatid mong si charity" sabi ko dito at agad naman itong umiwas ng tingin.Desperado na kung pakinggan eh sa kailangan ko na talaga eh.
"Di ko maggagawa yun" diretsang sagot nito.
"Bakit hindi?" Tanong ko dito ngunit hindi ito sumagot
"Dahil ba nililigawan na siya ng tomboy na yun?" Tanong ko dito at agad naman itong napatigil.
"Oo" maikli niyang sagot at nagpatuloy na ulit sakanyang ginagawa
"At payag ka naman na isang tomboy ang magiging bf ng kapatid mo?
Yung tomboy na yun na walang ka kwenta kwenta--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ay bigla nalang ako nitong kwenelyuhan."Wag na wag mong pagsasabihan ng masama si chandree lalo na't sa harap ko" madiin nitong sambit habang mahigpit na nakahawak sa kwelyo ko.
Napatingin naman ako dito ng may pagtataka.
"Teka... wag mong sabihin... gusto mo ang tomboy na yun" agad naman siyang napabitaw at umiwas ng tingin
"Haha sabi na nga ba" sabi ko pa dito ngunit tumalikod lang ito at nagpatuloy na sa paglakad
*Evil grin*
"Sandali! May plano ako!" Sigaw ko sakanya agad naman itong tumigil pero nakatalikod pa rin.
"Gusto mo siya diba? At... Gusto mo din bang mapasayo na siya?" Tanong ko dito at agad naman itong humarap.
"Di mo ba naintindihan? iba ang gusto niya at hindi katulad ko" madiing pagkakasabi nito.
Tiningnan ko lang muna ito.
At makikita sa mga mata nito ang sakit.
"Walang impossible kung gusto mo ang isang tao" seryosong sagot ko dito.
Nakatingin lang ito at di na umimik.
"Kung gusto mo siyang mapasayo dapat sumunod ka sa plano para makuha ko ang kapatid mo at para pagkatapos nun ay maiwang bigo si chandree mo at doon magsimula ka ng dumamoves sakanya. Deal?" Tanong ko dito at nilahad ang kamay ko upang makapag shake hands

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...