"GONGGONG?!" sigaw ko dito
Pucha pano nakapasok ang hayop sa paaralan?! Kala ko ba hindi yan pwede dito!
"Oh, so Mr. Alonzo meron ka pa talagang allibi"
Allibi?! What the hell!
"Maam correction hindi po ako tumatanggap ng mga basagulerang katulad niya para maging allibi ko."
Ampucha! Basagulera pala ha!
"Oo nga maam! Atsaka kailan ba kayo nakakita na naging back up ng unggoy ang tao diba? Ang injustice naman nun para sa mga taong katulad natin" With full emotion kong sabi dito habang may pahawak hawak pa sa dibdib ko.
Napatingin naman ako sa direksyon ng gonggong na sa ngayon ay pinandidilatan nako nito.
"SHUT UP! BOTH OF YOU!" Napalukso naman ako sa biglang pagsigaw ni maam.
Seryoso? Bingi ba to si maam? Di niya naman kailangang sumigaw all the time.
"I don't care kung anong meron sa inyong dalawa, but you clearly humiliated me this day! As a punishment whole year kayong sa harapan ko uupo. Understand?!"
What the?! Magiging seatmate ko yung gonggong na yun?!
Ano ba namang kamalasan to oh!
(Migs POV)
F*ck! Ano daw?! Seatmate ko yung hayop na yun!
"Mr. Alonzo seat here! Beside Miss?--"
"Orteza po" nakayuko naman nitong sagot.
Tsk! Ano ba naman yan! Badtrip na nga kanina! Badtrip na naman ngayon!
Walang ganang lumakad ako papunta dito.
"You may now take your seat" seryosong sabi nito ng nasa gilid na ako ng upuan.
Nginitian ko muna ito sabay upo.
"Good, now you have that manners" nakangiting sabi nito.
Tsk. Di niya na kailangang maging plastik sa harap ko. Halata namang sarkastiko eh
Matapos sabihin nito ay pumunta na ito sa harap.
"Okay, now everyone get your bag and wait at the back except for Mr. Alonzo and Ms. Orteza. Wait until I call your name. I'm going to arrange your seats in following order, understand?!"
Tsk! May pa arranged seats pang nalalaman. Dami talagang arte.
Makatulog na nga muna.(Chan's POV)
Astig ng first day of senior highschool ko ha! Nakakabw*st
Sino ba namang tao na nasa tamang pag iisip ang gustong makatabi ang walanghiyang ito.Napatingin ulit ako sa direksyon nito.
Matutulog na nga lang ang ingay pa.
Aish! Walang duda kung ba't ako minamalas ngayon. Eh ang kampon ng kadiliman kasi nandito para isabog ang kamalasang dala dala niya.
Ang masama pa dun katabi ko siya tch.Hmm. Nga pala saan kaya nakaupo ang baklang yun.
Napalingon naman ako sa likod habang hinahanap ito.
Hindi na ko nahirapan pang hanapin ito, syempre pano ba naman nasa ikatatlong upuan lang naman pala siya tapos magkarow pa kami.
Tatawagin ko na sana ito ng biglang...
"Okay! I think everything is settled!" Malakas na pagkakasabi ng guro namin na nasa unahan na.
Sa totoo lang. Ang sarap gawing microphone ang bunganga ni maam.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...