(Migs POV)
"IKAW?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Gulat kong sigaw sakanya
P*ta pano siya nakapunta dito!
Nagpalinga linga ako sa paligid, pero wala naman akong nakitang ibang sasakyan na nakaparada. Nasa parang liblib na lugar kasi kami ngayon. Sa dumaan nalang ako sa shortcut eh para mas mabilis."Eh ikaw anong ginagawa mo dito?" Halata sa tono nito ang pagiging sarkastiko.
"Tch" singhal ko dito sabay tayo.
Tiningnan ko muna siya mula ulo hanggang paa sabay iling.
"Di ko inaakala na sa liit mong yan,nahigit mo pa ko" sarkastikong pagkakasagot ko dito habang pinapagpag ang t-shirt kong nadumihan ng dahil sa kakagawan niya.
"Hahahahahahaha"
Hm? -.-
Napatingin naman ako dito ng may pagtataka ng bigla bigla itong tumawa.
Wala namang nakakatawa dun sa sinabi ko ah. -_-
Kawawang tomboy mukhang nababaliw na yata.
"Talaga? Pasensya na ha, ang dali lang kasing hablutin ng mga duwag"
(Chan's POV)
"Talaga? Pasensya na ha, ang dali lang kasing hablutin ng mga duwag" sarkastikong pagkakasabi ko dito.
Makikita mo sakanyang mukha ang bahid ng pagkagalit.
Napangisi nalang ako dito.Tsk tsk kahit kailan talaga ang pikon nito.
"Sinasabi mo bang duwag ako?" Tanong niya na halatang nagpipigil ng galit.
"May sinabi ba kong pangalan?" Naka cross arms kong sagot dito.
Tumahimik naman siya habang pinapakalma ang kanyang sarili.
Tsss... -_- sa tingin niya sa ganyan niyang ugali magugustuhan siya ni Charity.
Napatingin naman ako dito ng bigla ulit itong nagsalita.
"Miss baka di mo kilala ang binabangga mo" nakangisi niyang sabi
Psh -_- sino ba siya para kilalanin ko, atsaka di ko alam kung tanga lang talaga siya eh sa kung makasabi siya na binabangga parang ako tong nag uumpisa ng gulo.
Eh ugok lang noh! Siya nga tong parang siraulong nangkikidnap ng tao eh!
Tss kahit anong dada pa niya di niya pa rin mapapantayan ang kagwapuhan ng kuko ko sa paa.
"Sorry not sorry hindi naman ako interesado" seryoso kong sabi dito.
Nadako naman ng tingin ko ang kamay niyang nakayukom.
Tsss..
"Bago mo pa malapat yang kamao mo sa mukha ko, sisiguraduhin ko munang bali na yang mga buto mo" matapang kong pagkakasabi dito.
Tiningnan lang ako nito ng masama at ganun din ang ginawa ko sakanya.
Mga ilang minuto kaming ganun ng biglang..."Excuse me! both of you stop it!" Sabay naman kaming napatingin kay charity na sa kasalukuyan ay galit na galit na.
"Kung ano ang problema niyo sa isa't isa, please lang ha, wag niyo kong idamay!" Galit na sigaw nito samin.
"Sorry" sabi ko nalang dito habang nakayuko.
Psh kasalanan kasi ng duwag na to.
(Migs POV)
Napatingin naman ako kay chandree na nakayuko habang humihingi ng tawad kay charity.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...