(Migs POV)
"P*TA!" Awtomatikong napahawak ako sa labi ko ng bigla ako nitong sinuntok.
"PROBLEMA MO BA HA!" Walang pakundagang lumapit ako dito sabay pagkwelyo sakanya.
Tiningnan lang ako nito ng masama...
L*nteks! Trip yata nitong makipagsuntukan ah!
"HAYOP KA MIGS!" Sa isang pagkakataon ay sinuntok nanaman ako nito.
Ngunit bago pa to makasunod ay buong lakas ko tong tinulak.
"HOY! TRISTAN! KUNG ANO MAN YANG PROBLEMA MO WAG MO KONG IDAMAY!!!" galit kong sigaw dito.
Eh pucha sino ba ang di maggagalit nang bigla ka nalang higitin, dalhin kung saan saan tapos SUSUNTUKIN LANG?!
"Hahaha" napatingin naman ako dito ng bigla itong ngumisi.
Langya nababaliw na yata to eh.
Dahan dahan naman itong tumayo mula sa pagkakatumba niya.
"Problema?! Hahaha ikaw nga yung problema eh! Ba't mo ba ginawa kay Chan yun ha! Ba't mo siya hinalikan?!" Galit na sigaw nito.
Ay! Dep*ta! Ito pala ang pinuputok ng butsi niya?!
G*go pala to eh! Di niya ba naintindihang aksidente lang yung nangyari!
"Alam mo g*go ka din pala eh, anong hinalikan ang pinagsasabi mo! Eh aksidente lang naman yung nangyari!" Inis kong bulyaw dito.
Pucha ba naman kasi, dahil dun lang sinira niya talaga yung araw ko -_-
"Tsss... aksidente? Eh baka nga pakana mo din yun eh!" Galit na sabi nito.
Ay! P*ta kung pakana ko din talaga yun edi sana kay charity nalang diba.
"Hoy! Tristan umayos ka nga ng pananalita mo ha. Anong pakana? Eh aksidente nga lang diba?! AKSIDENTE!!!"
"TANG*NA! MIGS DI MO KO MALOLOKO SA GANYAN GANYAN MO!!!" Sigaw nito at akmang susuntukin sana ako nito ng inunahan ko na agad ito.
"LOKO?! HOY TRISTAN!!! WAG KA NGANG G*GO! BA'T KA BA NAGKAKAGANYAN HA! AKSIDENTE NGA LANG YUN SABI!!!"
Ramdam ko namang tumigil na ito kaya lumayo muna ako dito."UNA YUNG KAPATID KO NGAYON NAMAN SI CHANDREE?! P*TA ANO BA TALAGA ANG GUSTO MO MIGS HA!!!" Galit na sigaw nito.
"G*GO! SI CHARITY LANG ANG GUSTO KO! AT ISA PA WALA KA NAMANG PAKEALAM SA NANGYARI SAAMIN NI CHANDREE KAIBIGAN KA LANG NAMAN NIYA!!!" galit ko ding sumbat dito.
Susuntukin ko na sana to nang bigla ulit itong nagsalita
"ALAM KO! PERO MAHAL KO SIYA!!!"
(Jason's POV)
*Beep*
Agad ko namang kinuha ang cellphone kong kanina pa nagvavibrate.
A message.
Napakunot ang noo ko ng makita ko kung kanino ito nanggaling.
It's From Tristan
Kuya, punta ka sa bakanteng lote sa subdivision. May kailangan kang malaman.
After I read it...
I don't know pero masama ang pakiramdam ko.
Seriously what is he talking about?
Dali dali na kong nagbihis at bumaba.
Bago pa ko makalabas ay narinig ko namang tumawag si Charity.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...