(Tristan's POV)
Hello guys!!! haha napakilala na naman siguro ako sainyo ni author.
(A\N: nah sino ka ba? -_-)
Sama nito -_-
Ako nga pala si Tristan Dela nueva ang cute na bestfriend ni
Chandree.Oo nga pala tungkol kay Chandree, tsk di ko na siya matutulungan kasi naman eh kasalanan nila Migs yun.
Napatingin naman ako kay Charity ng bigla itong magsalita.
"Kuya Tristan alam kong kaibigan mo si Chandree pero hindi naman ibig sabihin nun susuportahan mo pati ang mga kalokohan nun." Seryosong sabi nito sakin.
"Charity di naman kasi kalokohan yun. Tinulungan ko lang siya para iligtas ka sa kalokohan nila ni Migs at ni kuya Jason" inis kong sabi dito.
"Pati ikaw Jason?!" Di makapaniwalang sigaw nito.
Magsasalita pa sana ulit siya ng biglang..."Ahhhhhhhh!"
Mabilis naman akong napahawak sa upuan ng bigla itong pumreno ng malakas.Mga ilang segundo pa ng bigla itong huminto.
Sh*t mura ko dahil sa sobrang hilo.
Putspa ang sakit ng ulo ko."MAY PLANO KA BANG PATAYIN KAMI?!" galit na sigaw ni charity habang hinahawakan ang kanyang dibdib dahil sa sobrang kaba.
Napapikit nalang ako dahil sa sobrang hilo. Narinig ko naman na hinihingal pa din si charity.
Di ko namang narinig na sumagot si Jason.
Maya maya pa'y narinig ko nalang na biglang bumukas ang pinto ng sasakyan."At saan ka naman pupunta?" Rinig kong tanong ni charity.
Dahan dahan ko namang minulat ang aking mga mata.Pagtingin ko sa kanan ko wala na si charity at pati na rin si jason.
Teka nasan na sila.
Napa upo ulit ako nang sinubukan kong tumayo.Argh ano ba naman to
Hinawakan ko yung pintuan ng sasakyan at sinubukan ulit na tumayo.Dali dali naman akong lumakad at agad na hinanap sila.
Malayo pa lang ay dinig na dinig ko ng sumisigaw si charity.
"Ano bang problema mo kuya?! Kayo na nga tong may kasalanan kayo pa tong galit!" Galit na sabi nito kay Jason ngunit wala pa din itong reaksyon.
Agad naman akong lumapit sakanila.
"Kuya magsalita ka nga!" Inis na sigaw ni charity.
"kalma ka nga" pagpapatahan ko dito habang hinihimas ang kanyang likod.
"Alam mo namang masama yan sayo diba" pagpapatuloy ko.
"Kuya Jason ano bang nangyayari sayo?! Bakit ka ba ganyan ha!" Mangiyak iyak niyang sabi.
"Charity tama na nga yan" pagalit ko ng sabi dito.
"Ayoko! Gusto kong malaman kung ano ang nangyayari sa kuya ko" para siyang bata na naiiyak
Naaawa naman ako dito.Humarap ako kay jason na hanggang ngayon ay wala pa ding reaksyon.
"Jason ba't ka nagkakaganyan?" Seryoso kong tanong dito.
Bigla naman itong ngumisi
"Di pa ba kayo nasanay sakin" nakangising sagot nito."Alam kong wala ka palaging reaksiyon pero alam ko ding merong kakaiba ngayon" madiin kong sabi dito.
"Ano bang problema?" Seryoso ko pa ding tanong dito."Problema?" Ngumisi nanaman siya.
"Ikaw ang problema eh, Kung di mo lang sana sinabi kay chandree ang plano namin ni migs edi sana kami na ngayon!edi sana may pag asa ng mahalin niya ko!" Galit na sabi nito ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit. Alam ko na pagdating kay chandree ay seryoso siya. Pero di naman yata tama nga kaya niyang isugal ang kanyang sariling kapatid para lang sa taong mahal niya."Teka ano bang masama dun sa ginawa ko? Tinulungan ko lang naman si chandree na pigilan kayo sa kalokohan niyo ah! Okay lang sayo! Na ipagkatiwala sa ibang lalaki ang kapatid mong babae?! At isa pa Wag mo nga kong sisihin kung hindi ka kayang mahalin ni chandree!" Galit ko na ding sabi dito
Nakita ko namang nagyukom ang kanyang mga palad."Palibhasa kasi epal ka sa buhay naming dalawa" galit ding sagot nito
"Pasensya na kuya pero hindi ako epal. Tinutulungan ko lang yung kaibigan ko" madiin kong sabi dito.habang nakayukom na din
"Kaibigan?" Sabi niya kasabay na din ng pag ngisi niya
"Kaibigan ba talaga ang tingin mo sakanya? O nakokonsensya ka lang hanggang ngayon?"
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya
"Tristan, pinapaalala ko lang sayo ha kahit na gaano ka pa kabuti kay chandree hindi at hindi pa rin siya babalik at kahit kailan ang taong mahal mo wala na wala na si--"~Boogsh~
di ko namalayang nawala na ako ng kontrol sa sarili ko.
"Kuya!" Sigaw ni charity habang inaawat ako.
Tiningnan ko naman si jason na sa ngayon ay nakahandusay na sa sahig. Mabilis naman itong nahimasmasan at agad na tumayo hinawakan muna niya ang bahagi ng kanyang mukha na sinuntok ko.
"Jason di ko sina--" di pa ko tapos sa sasabihin ko ng maramdaman ko nalang ang malamig na sahig.
"Kuya! ano ba itigil niyo na nga yan!" Rinig kong sigaw ni charity
Di pa ko tuluyang nahimasmasan ng biglang sinundan niya ulit ito ng isa pang suntok.
"Kuya! Ano ba!!!"
Ng maka kuha na ako ng tiyempo ay agad ko naman siyang ginantihan.
"ANAK NG!" Mura niya at agad na napatayo dahil sa sakit
Agad na din akong tumayo."TANGNA! NAMAN JASON!
NG DAHIL LANG SA ISANG TAO?! SA ISANG BABAE?! KAYA MO NG GAWIN SAMIN TO HA! SA SARILI MONG MGA KAPATID?!" Di ko na napigilan ang galitAkmang susuntukin ko pa sana siya ulit ng biglang,
"Kuya" napatingin ako kay charity.
"Charity!" Mabilis ko naman siyang sinalo.
Di na ko napalingon kay jason agad na kong tumakbo papuntang sasakyan habang kinakarga si charity."Kasalanan ko to eh tsk" agad akong pumunta sa unahan para magmaneho
"Ako na diyan" napalingon naman ako sa nagsalita.
Bumalik nalang ulit ako doon sa likod sa kung saan si charity at hinayaan si jason na magmaneho. Hindi na mahalaga sakin ang pride dahil sa ngayon mas kailangan ko ang kapatid ko.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Fiksi Remaja"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...