(Tristan's POV)
Tiningnan ko naman si bro.
Di pa din kasi ito umiimik.Alam niyo yun nung pagkatapos ng fieldtrip tumahimik na siya.
Weird nga eh.
Eh sa pagkakaalala ko nung bumalik sila ni Migs buhat buhat niya to, tapos siya pa mismo ang naghatid kay bro sa kwarto niya at dun di ko na muli sila narinig na nag aaway.
May nangyari kaya sa dalawang to.
"Bro! Okay ka lang ba?!" Tawag ko dito.
Halata naman ang gulat sa kanyang mukha.
"A-Ah oo naman bakit?" Sabi nito sabay ayos ng pagkakaupo niya.
"Talaga? Eh pansin ko lang ngayong nakaraang araw parang wala ka sa sarili mo eh" pagtatakang sabi ko dito.
"Hmm? Talaga? Pasensya na bro dami lang iniisip" sabi nito sabay balik na ulit sa pagkain.
Recess kasi namin ngayon.
Kaya nandito kami sa canteenPalihim ko naman itong minamasdan.
Parang wala pa din talaga siya sa sarili niya eh.
Ma imbestigahan nga to mamaya.(Migs POV)
"Mr. Alonzo will you give this paper to Ms. Orteza" sabi ni maam sabay bigay sakin ng papel."Okay maam" agad ko namang kinuha to.
Nang tiningnan ko si tomboy nakatingin lang to sa malayo.
Di ko din naman siya masisisi matapos din kasing mangyari yun naiilang na din ako sakanya.
Tsk -_- ba't ba naman sa dami daming pwedeng aksidente na mangyari eh yun pa.
"Tristan paki bigay nga dun sa bestfriend mo" sabay lagay ko ng papel sa mesa nito.
"Eh bakit ako? Ikaw nalang kaya magkatabi naman kayo eh" pagrereklamo nito.
Tch. Kung wala lang sanang problema eh
"Wag ng daming satsat bigay mo na to dahil may pupuntahan pa ko" sabi ko nalang dito sabay alis.
Tsk! Kainis ba't ba kasi apektado ako sa nangyari.
(Chan's POV)
"Uyy! Bro!" Napatalon naman ako sa gulat ng biglang sumulpot ang mukha ni Tristan."Pucha! Ba't ka ba nanggugulat?!" Inis kong bulyaw dito habang hinahawakan ang dibdib ko.
P*ta may saltik eh!
"Anong bigla bigla?! Kanina pa kaya kita tinatawag!" Reklamo naman nito.
Anong kanina?! Eh ngayon ko nga lang nakita ang pagmumukha nito!
Hindi pa ako nakasagot ng biglang magsalita ito.
"Oh pinapabigay ni maam" sabay lagay ng papel sa mesa ko.Tiningnan ko nalang yung mga papel.
Tsk! Ano ba naman yan! Wala pa naman akong ganang gumalaw ngayon.
"Magtapat ka nga sakin bro! May nangyari ba sainyo ni migs" gulat naman akong napatingin dito.
Kita ko sa mukha nito ang pagiging seryoso.
Pucha! talagang pinaalala pa eh no.
"A-ano bang pinagsasabi mo! Atsaka ano naman ang kinalaman ng gonggong na yun ha!" Sagot ko dito habang inaayos ang papel na nasa harap ko.
P*ta masyado na ba talaga akong halata.
*Boogsh*
Napalukso naman ako ng malakas nitong nilagay ang kanyang kamay sa mesa.
Tiningnan ko to ng masama.
"Ano ba tristan!" Galit kong sigaw dito.Sa nakakag*go yung ginawa niya eh. Sa isang araw ilang beses na ko nagugulat dito.
Ngunit ng tiningnan ko to seryoso lang itong nakatingin sakin.
"Ang totoo bro" seryosong sabi nito.
"Ang totoo..."
Aish! Aksidente lang naman yun diba?!
Kaya wala naman sigurong masama pagsinabi ko yun kay Tristan.(Migs POV)
"Okay Class dismissed!"Ayos!
Sabay pag iinat inat ko.
Pansin ko lang pala di na sila pumasok ni tomboy at tristan ah.
Tsk! Bahala na sila problema na nila yun.
Pagkatapos na pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay agad na kong umalis.
Syempre manonood pa ko ng laro ni Stephen Curry!
Di niyo ba alam kuya ko yun hahahahaAyun nga napagdesisyon ko nalang na maglakad pauwi.
Maganda kasi to pagmadami kang iniisip.Habang naglalakad bigla ko naman naalala yung nangyari samin nung tomboy.
Seryoso. Nangyari ba talaga yun?
Di ko namalayang napahawak na pala ako sa labi ko.
Di talaga ako makapaniwala at tapos ang lambot lambot pa nung labi nung tomboy na yun.
Agad naman akong napailing sa iniisip ko.
Tsk! Sana pala sumakay nalang ako.
Kita mo napapaisip din tuloy ako.Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad ng biglang may kung sinong alagad ni hudas ang naghigit sakin.
"Uyy! Saan mo ko dadalhin?" Tanong ko dito habang pilit na kinukuha ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Ngunit mahigpit pa sa pagbabantay ni mama ang pagkakahawak nito.
P*ta! Ano ba ang kailangan nito.
Nababakla na ba to sakin.Maya maya namam bigla nalang itong tumigil at binitawan ang braso ko
Nang tiningnan ko ang paligid nasa may tagong bakanteng lote pala kami.
Napatingin naman ako dito ng bigla siyang humarap.
"Oh! Tristan ikaw pala ano ang kailanga--"
*Boogsh*
BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...