(Chan's POV)
Ang bilis ng araw
Parang kahapon lang nangyari yung mga insidenteng yun...
Alam niyo ba pagkatapos nun di ko na sila pinapansin
Eh kasi naman yan din yung sabi sakin ni Charity. Na kailangan ko din daw muna ng oras para makapagisip isip.
Atsaka bago pa man ako makareact eh sinabihan niya na sila ni Migs tungkol dito.
Hanep diba! Hahahah
At tungkol naman kay Charity pagkatapos niyang sinabi sakin yun tinigil ko na talaga yung panliligaw.
Napaisip din kasi ako eh baka nga tama siya nalilito lang ako. At pano pagnagkataon naging kami tapos hindi pa pala ako sigurado sa sarili ko.
Diba masasaktan ko lang siya
Kaya mas mabuti na munang ganito."Channieee susunduin ka na namin diyan ha! So be ready!" Sabi nito sabay baba ng telepono.
December na kasi ngayon at inaya ako ni Charity na sumama sakanilang bakasyon.
Habang abala sa pag aayos ng mga gamit.
Napalukso naman ako sa gulat sa tunog ng sasakyan.~Honk Honk!~
Pagtingin ko sa bintana di nga ko nagkakamali.
Ang bilis nila ah -_-
Dali dali na kong bumaba habang bitbit ang bag na naglalaman ng mga kailangan ko.
"CHANIEEEE!!!" Bungad agad nito pagkalabas na pagkalabas ko.
"Waaahhh!" Sabay yakap nito.
"Hahahaha ito naman parang di tayo nag uusap araw araw ah" natatawang sabi ko dito.
Agad din naman itong bumitaw."Ihhh I'm so excited lang kasi!!! Let's go na! Ikaw nalang yung hinihintay!!! Kaya bilis! Go go go!" Masiglang pag anyaya nito habang hinihigit ako.
Pagkabukas na pagkabukas ng sasakyan ay agad namang bumungad ang mukha ng kamalasan.
Nalimutan kong sabihin kasama din pala si gonggong.
Tinaasan lang ako nito ng kilay.
Pfft.
Parang gwapo lang eh no.
Ulol
"Sige na Chaniee! Pasok na bilis!" Sabi nito sabay pagtutulak tulak sakin.
Oo na oo na
Alam kong pakana mo to Charity.Agad na kong pumasok sa loob ng van.
Bale magkatabi kami ngayon ni gonggong siya yung sa kanan si Charity naman yung sa kaliwa.
Napatingin naman ako front mirror ng mapansin kong may nakatingin sakin.
Hmm, si kuya Jason pala yung magdadrive at ang nasa front seat naman ay si Tristan.
"So? What are we waiting for? Let's go!!!" Masiglang sabi naman ni Charity.
Ah!
Bahala na sila...
Basta ako mag eenjoy ako hahahaha
(Tristan's POV)
Alam kong galit kayo sakin sa nalaman niyo.Eh sorry na po, alam kong lame pakinggan pero nagmahal lang ako eh.
Aaminin ko po kinaibigan ko si Chan dahil kamukha siya ng ex ko. Pero habang napapatagal minahal ko na siya bilang isang totoo kong kaibigan hanggang sa di ko namalayan lumalalim na pala. Kaya ayun di ko napigilan ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...