(Tristan's POV)
"Bro kinakabahan ka ba? Gusto mo tubig? Basta bro wag kang tumingin sa mga mata nila para di ka matakot" paalala ko ditoNasa room pa lang naman kasi kami, at mamaya pa magsisimula yung ceremony.
"Alam mo bro ang OA mo, ba't naman ako matatakot eh di naman ako makikipag away, at isa pa alam mo bro ikaw yata yung dapat uminom ng tubig eh" pagrereklamo naman nito sabay balik ulit ng tingin sakanyang folder.
Sabagay, ba't nga ba ako nag iisip na natatakot to eh si Chandree tong kinakausap ko eh hahaha
"Oh sige bro sabi mo yan ha, aja!" Nakangiting sabi ko dito.
"Ambakla mo" sabi lang nito.
Bakla
Sa cute kong to psh.
(Chan's POV)
"Let's welcome the 11ABM C officers! A round of applause please." Sabay palakpakan naman ng mga estudyante."Bro tayo na next." Bigla salita naman ni Tristan na nasa gilid ko.
"Oh tapos?" Inis kong sagot dito.
Sa totoo lang ha nababaklaan na talaga ako dito kay Tristan, kanina pa to eh...
"Sungit neto, saan na pala yung vice?" Tanong nito habang nakatingin pa din sa stage.
"Aba malay ko, di ko nga magawang tingnan yun tapos ako pa ang tatanungin mo tsk!"
Naiinis na ko dito ha."Alam mo bro ang sungit mo, meron ka ba ngayon"
Agad ko namang pinandilatan to.
"Sabi ko nga, tatahimik na nga" tinuon nalang ulit nito ang kanyang atensyon sa nagsasalita.
Napahilot naman ako sa sentido ko.
Pucha ang sakit ng ulo ko. Alas tres ng umaga na kasi ako nakatulog kanina.
Tinapos ko nalang panoorin yung pirates of the caribbean... hahaha ganda eh.Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa binabasa ko.
"Nga pala bro pwedeng magtanong?"
Ba't ba ang daldal ng baklang to...
"Oh ano nanaman" walang ganang sagot ko dito habang patuloy pa din sa pagbabasa.
"Kamusta yung speech mo?"
"Ayos lang" agad kong sagot.
"Weh? talaga? Pabasa nga" napasimangot naman ako sa sinabi nito.
"Pabasa ng ano nanaman ba?" Inis kong bulyaw dito.
Tiningnan naman ako nito ng nagtataka.
"Yung speech? na sinulat mo?" Pagtatakang sabi nito.
"Ha? Sinulat? May sinulat ba kong speech?" Nagtatakang tanong ko naman dito.
Sa aming dalawa mukhang siya pa yata ang walang tulog ah.
Agad namang kumunot ang noo nito.
"Eh ano ito" sabay kuha niya ng folder na hinahawakan ko.
Aba't ang bastos!
Tiningnan naman ako nito ng hindi makapaniwala.
"Oh?" Reklamo ko dito.
"Bro seryoso? Manga?" Hindi pa rin makapaniwalang sabi nito habang pinapakita sakin ang manga na nasa folder.
"Oh? Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita niyan?" Inis kong sumbat dito.
"Aish akin na nga yan!" Sabay kuha ko dito at balik sa pagbabasa.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Fiksi Remaja"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...