(Chan's POV)
"Boss! Boss! May naghahanap sayo!" Agad naman akong napadilat sa ingay."Oh! Bakit! Problema niyo?!" Inis kong bulyaw sa mga to. Sabay pagtulog ulit.
Eh syempre alas dos na ko ng umaga nakatulog,
nanonood kasi ng POR-- joke lang mabait na bata yata ako hahaha.
Anime po yung pinapanood ko ha.
Wag madumi yung iniisip."Eh boss may pinabibigay daw yung teacher" sagot nung kaklase ko habang nakayuko.
Awtomatiko naman akong napaayos ng upo.
Ito talaga yung dahilan kung ba't ayaw kong maging presidente eh!
"Saan daw?" Tanong ko sa mga to.
"Ayun oh" sabay turo nila sa isang estudyante na nasa pinto.
Wala ganang pinuntahan ko na ito.
"Ano yun?" Tanong ko dito pero ramdam ko wala pa din ako sa tamang huwisyo eh sa inaantok pa ko eh.
"Pinapaarrange sayo ni Maam Saavedra, kailangan niya daw mamaya." Sabi nung estudyante sabay bigay sakin ng mga folder.
Bigla naman akong nabuhayan ng diwa.
"T-teka a-aanhin ko to?"
Di makapaniwalang tiningnan ko yung san damakmak na folders."Pinapaarange naman daw astaka nandiyan yung attendance, subject sched etc. So sige mauuna na ko may klase pa ko eh. Bigay mo nalang kay maam pagtapos mo na." Sabi nito sabay alis.
Ano?! Ba't ako ang pinapaggawa nito?!
Pucha naman oh! Kung saan inaantok pa ko dun pa talaga may nambwibw*st!Nang makapasok na ko sa loob ay padabog kong nilagay sa mesa yung mga pesteng folders.
Ramdam ko namang nagsitigilan yung mga kaklase ko.
"Ano yan tomboy?" Tanong nung gonggong.
Pucha! Nag grade 11 lang to di pa nakakilala ng folder.
"Folders" diretsang sagot ko dito.
"Tch" singhal lang nito.
Hinayaan ko nalang to at sa halip ay pinagpatuloy ko nalang yung pag aayos ng mga pesteng folders.
"Bro para saan pala yan?" Tanong ni Tristan ng makalapit to sakin.
"Para sa mga gagawin nating OFFICERS, mamayang hapon kukunin ni maam." Sagot ko dito habang patuloy na hinahati yung gawain.
Puteks! Kainis! Imbes na matutulog na ko may pinapaggawa pa talaga!
"Eh sayo lang naman binigyan, ba't mo pa kami dinadamay, atsaka ikaw yung President kaya obligasyon mo yan."
Agad naman akong napatingin sa demonyong nagsalita.Nakangisi lang itong tumitingin sakin.
Linteks na to! Nambw*bwisit nanaman!
"Let me remind you MIGS RAFAEL ALONZO, VICE PRESIDENTE KA! Kaya obligasyon mo din to. Gamit gamit din ng utak ha" inis kong sabi dito.
Agad naman ako nitong tiningnan ng masama.
"Sabihin mo lang, weak ka kaya sa ganyang bagay nagpapatulong ka pa."
Napatigil naman ako sa sinabi nito.
Pucha! Ano daw?! Ako weak?!
Agad namang kumulo ang dugo ko dito.
Tiningnan ko lang ito ng masama sabay kuha ng mga folders.
"Tingnan natin" sagot ko dito sabay alis.
Pucha kang demonyo ka!
(Tristan's POV)
Tiningnan ko naman si migs na sa ngayon ay nakangiti.
Ito ba talaga ang plano niya, na pahirapan nalang palagi si Chan.
Wala namang ginagawa sakanya yung tao eh."Oh?" Nakataas kilay nitong tanong ng mapansin nitong nakatitig ako sakanya.
Agad ko naman itong nilapitan.
"Wag na wag mong sabihan na weak si Chandree dahil sa inyong dalawa ikaw yung duwag." Matapos kong sabihin to sakanya ay agad na kong lumabas para sundan si Chandree.
Teka saan ba yun nagpunta?
(Chan's POV)
Bwis*t siya! Lakas ng loob niyang sabihin na weak ako ah! Siya nga yung hindi lumaro ng patas saming dalawa eh!Pagkaupo na pagkaupo sa library ay agad ko ng inayos yung mga pesteng folders at sinimulan yung gawain.
Pucha para makatulog na din ako!!!
Habang abala sa paggawa bigla naman akong napatingin sa taong umupo sa harap ko.
Tiningnan ko naman to ng may pagtataka.
"Kuya Jason? Ba't ka nandito?" Tanong ko dito.
"Ako nga dapat ang magtatanong sayo niyan, ba't ka nandito sa library?" Mahinang sagot naman nito.
"Atsaka para saan yang mga folders?" Dugtong pa nito, habang naka kunot noong tinitingnan ang mga hawak hawak kong folders.
"Ah may pinapaggawa lang kasi sakin si maam kuya." Pag aalangang sagot ko dito.
Syempre, hiya hiya din.
"Hmmm. Ikaw lang isa gagawa niyan?"pagtataka nito sabay kuha ng isang folder.
"Yup kaya ko naman eh hahaha" sagot ko nalang dito.
Bigla naman itong tumahimik at maya maya'y naramdaman ko nalang na nakakatitig pa din ito sakin.
Inaantok din kaya to?
"Uyy kuya Jason?! Gising ka pa?" Tawag ko dito.
Ngunit tiningnan pa din ako nito ng seryoso.
"Hmmm... Chan may I help you?" Seryosong tanong nito.
O.o tutulungan ako ni kuya Jason? Is this family blessing?
"Eh may klase ka pa kuya ah" sabi ko naman dito.
Par, kahit gusto ko syempre kailangan munang may pahiya hiya din.
"Nah, vacant namin ngayon. So, pwede ba kitang tulungan?"
O.o teka di naman siguro ito panaginip no?
Bahala na pakapalan nalang muna ng mukha."Oo ba hahaha" nakangiting sagot ko dito.
"But---"
Ay may kapalit pala dre.
"Don't call me kuya anymore, just Jason, deal?" Seryosong saad bito habang nakangiti.
Ano?! Bakit?! Di niya ba ko tanggap para kay charity? Huhuhu
"Eh bakit po? Di mo po ba ako tanggap para kay charity?" With paluha luha kong sabi dito.
Agad namang napakunot ang noo nito.
"Ha? No! It's not about that hahahaha. I mean too formal naman kasi pag tinawag mo pa kong kuya right?" Natatawang sabi nito.Hay! Salamat kala ko pa naman masamang pangitain na.
"Ah okay po hahaha sige Jason. Deal"
Agad naman itong napangiti.
"So, let's start" sabi nito.
Oo nga naman para makatulog na din pagkatapos nito.
Mabuti nalang nandiyan si Jason wahahahaha >:)

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teenfikce"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...