(Chan's POV)
Lunes nanaman!
Ito talaga yung pinakaayaw kong araw sa lahat eh -_-Diba? Feel niyo ko?
So, ayun nga kasalukuyang tinatahak ko ngayon ang landas ko papuntang impyerno.
Pagkapasok na pagkapasok ko naman ng room ay agad ko nang nilagay ang bag sa upuan.
Syempre aalis nanaman, di ko masikmuraang makatabi tong hayop na to eh.
Akmang aalis na sana ako ng biglang may nagsalita...
"Mamaya kakausapin ka ni maam kaya wag ka na muna ngayong umalis."
Tiningnan ko naman ito.
Problema ng gonggong na to?
Bakit? May trip nanaman ba siyang gagawin?"Sige, ako na lang ang aalis" sabi nito sabay kuha ng bag niya at lumabas na ng room.
-_- ano nanaman ba ang pakana nito.
Napatingin naman ako sa upuan ko.
Ano? Uupo ba ako o hindi?
...
...
...
...
Di na, wala naman akong tiwala dun.
Bago pa makapasok si maam ay agad na kong umalis.
Tsk! Kala niya mapagkakatiwalaan ko pa siya.
Kasalukuyang naglalakad na ako papuntang canteen
Dun yung naging tambayan ko eh atsaka madami din namang pagkain dun hahaha.
Habang naglalakad bigla nalang may kung sinong humigit sakin.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Sabay bawi ng kamay ko mula sa pagkakahawak nito.
Alam niyo ba kung sino ito?
Walang iba kundi yung gonggong na hayop."Sinabihan na kitang wag umalis! Di ka nakinig!" Galit na sigaw naman nito.
Ay aba't nagalit pa talaga eh noh.
"Sino ka naman para sundin ko ha! At para ano?! Para pagtripan mo ulit ha?!" Galit ko ding sumbat dito
Kung magalit to para naman kung sino siya. Nabw*bwisit na ko dito ha. Kala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya?!
"Pwede ba tomboy, kahit sa ngayon lang sundin mo nalang yung sinabi ko! Para din naman sayo yun ah!" Inis na sabi nito.
Ay wow? Ano daw? Para sakin?
Ulol mo migs ulol mo!
"Ulol! Wag mo nga akong pagtripan!" Pagkatapos sabihin to ay nagdiretso na ko sa paglalakad.
"Sandali nga tomboy" sabay paghigit nanaman nito sa braso ko.
"Ano ba gonggong ha!" Sabay pagpupumiglas ko dito.
L*nteks na hayop na to! Paborito talaga akong pagtripan!
"Mr. Alonzo and Ms. Orteza"
Agad naman kaming napatingin sa nagsalita.O_O
Ramdam ko namang napabitaw yung gonggong mula sa pagkakahawak sakin.
"Maam Saavedra, Goodmorning po!" Bati ko dito sabay yuko
"What are you two doing here?" Nakataas kilay nitong tanong.
"Uhmm... ano po--" di ko pa natapos ang sasabihin ko ng biglang sumagot yung gonggong.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...