Chapter 25

62 24 30
                                    

(Chan's POV)

Parang kailan lang first day of school pa lang, pero ngayon natapos na din! Hahahaha

Nandito pala kami ngayon sa gym kung saan naheld ang graduation.
Kahapon pa kasi yung Recognition namin kaya ngayon party party na.

"Congrats hijo! You did a great job" sabi ni tita sabay pinaghahalikan to.

Pfft halata sa mukha ni Jason ang pagkailang.

"Son, job well done" sabay yakap din sakanya ni tito.

Pano ba naman valedictorian eh hahaha

"Congrats kuya!" Masayang bati dito ni Charity sabay yakap sa kuya niya

"Congrats kuya"

"Congrats brad hahaha" sabay na bati nilang dalawa dito at nagsiyakapan din.

Nababakla na eh hahaha

"Congrats Jason!" Masayang bati ko din dito.

Hindi pa ko handa ay bigla nalang ako nitong niyakap.

Halatang di excited no -_-

Ng bumitaw na ito sa pagkakayakap ay agad na itong nagsalita...

"So, magpaparty party na tayo sa bahay?" Nakangiting sabi nito

Hahaha oh right! party party nanaman!

*Kinabukasan*

(Migs POV)
Maaga pa kaming umalis sa bahay nila Charity para ihatid sila. Dun na din kasi kaming natulog ni tomboy.

At yun nga nandito kami ngayon sa van, walang kibuan.
Si tomboy at Charity kanina pa magkahawak ang kamay.

-_- pag ako di makatiis puputulin ko yan

At nang makarating na kami ng airport ay wala pa ding kibong bumaba kami ng sasakyan.

Pati ako di ko din alam kung ba't wala akong ganang magsalita ngayon.

Hanggang sa nakarating na kami sa departure area ay siyang pagtigil din namin sa paglalakad.

"Son, mauuna na kami sa loob ha" sabi ng mama nila Charity.

Tumingin naman to saming dalawa ni tomboy atsaka ngumiti.

Sabay naman kaming tumango ni tomboy dito. Maya maya nang makapasok na sa loob sila tita ay agad namang nagsalita si Jason

"So..." paninimula nito.

"I guess we'll take our leave" dugtong nito.

Kita ko namang napayuko si tomboy sa sinabi nito.

Oa talaga ng tomboy na to...

"Chanieee videocall at chat tayo lagi ha" maluha luhang sabi nito.

"Oo naman" ganun din si tomboy

At agad naman silang nagyakapan.

Mga babae talaga psh.

"Bro wag kang mag alala babalik din ako agad" sabi naman ni Tristan dito at nakisabay na din sa pagyayakapan ng dalawa.

Tsk tsk tsk
Parang bakla talaga to eh.

"Migs"

Napatingin naman ako kay Jason ng biglang tinawag nito ang pangalan ko.

Wag mong sabihin, ako ang gusto nitong yakapin.
-_-

She's My Lifetime EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon