Argghhh!!! Kainis naman oh!
Bakit ba ang malas malas ko ngayong pasukan na to T_T"Relax chan, magaling ka namang gumawa ng mga speeches eh" sabi nito sabay balik ng atensyon niya sa pagluluto.
Nandito pala ako ngayon sakanila ni Charity nakikitambay.
Well, bukod dun may iba pa naman akong pakay dito yun ay ang pagbayarin si Tristan sa kagag*hang ginawa niya.Maalala pa lang talaga yun nabwibwisit na ko eh.
"Charity hindi naman yun yung problema ko eh, alam mo naman ang school natin madaming arte sa buhay. Ayoko lang ng ganito klaseng responsibilidad." Pagpapaliwanag ko dito sabay inom ulit ng tubig.
Nga pala nasa iisang school lang kami ni Charity, grade 10 siya habang kami naman ni Tristan grade 11.
"Hmm... I get your point, pero as you can see naman ikaw yung piniling ivote ng mga kaklase mo and it seems like nakikita nilang may credentials ka toward leadership. Chan just take it as an opportunity." Sabi nito
Ayieee
Oo charity I'll take this as an opportunity para maging asawa ka. ^_^Akmang sasagot pa sana ako ng biglang...
"Uyyy, bro pansinin mo naman ako. Di ko naman kasi alam na gusto mo palang matalo ih" agad na sabi ni Tristan ng makatabi na ito sakin.
"Heh! Wag mo nga akong kausapin nabw*bwisit pa din ako sayo!" Mataray na pagkakasabi ko dito sabay kuha ng mga braso ko mula sa pagkakahawak niya.
"Uyy, bro naman sorry na. Tutulungan naman kita eh" nagulat naman ako ng bigla niya kong niyakap.
Y*ck makahawak naman tong baklang to oh...
"U-uyy bakla wag mo nga akong minamanyakan! pag di ka pa bumitaw babaliin ko tong mga kamay mo!" Pagrereklamo ko dito habang pilit na kinukuha ang pagkakayakap niya.
"E-eh ayoko, wag ka na kasing magalit" pagrereklamo nito na parang bata.
Jusko ano ba naman to! Baka ano na ang iisipin ng asawa ko nito tsk.
Pilit ko pa ding kinukuha ang pagkakayakap niya ng...
*BOOGSH!*
Agad naman kaming napatingin sa taong kakadating lang.
"Charity, Ito na pala yung pinabibili mo" sabi ni Jason ng mailagay niya na ang mga binili niya sa mesa.
Naramdaman ko namang unti unting lumuwag ang pagkakayakap ni Tristan sakin hanggang sa tuluyan na itong bumitaw.
Hahahaha natakot mapagkamalang bading...
"Kuya Jason, tulungan na kita diyan" pag aalok ko dito sabay lapit sa pwesto niya.
Eh syempre dapat maging mabait sa pamilya ni misis.
"Hmm Chan napadalaw ka yata dito, may problema ba?" Sabi nito sabay ngiti sakin.
"Grabe ka naman kuya Jason bumisita lang dito may problema na agad!" Natatawang sabi ko dito.
Pero imbes na makitawa ginulo lang nito ang buhok ko.
"I see, so bakit pala magkadikit kayo ng bestfriend mo kanina?"
Seryosong tanong nito."Ah, yun ba wala yun nanlalambing lang hahaha" natatawang sabi ko dito habang kinukuha yung mga delatang binili niya.
"Hmm, ganun ba" tanging sagot lang nito.
Ramdam ko naman na biglang tumahimik.
Nang tiningnan ko ito, seryoso lang itong nakatingin kay Tristan na sa ngayon ay nakatingin din sakanya.
Pansin ko lang ha ba't ang hilig nilang magtitigan, gwapong gwapo na ba sila sa isa't isa?
Tch. Pag nandito yung gonggong na yun ay makikisali din yun. Nababakla na din ata kay Jason yun eh.
"Jason Brad!" Awtomatikong napatingin naman kami sa direksyon ng nagsalita.
Speaking of the demon...
"Anong ginagawa mo dito?!" Gulat na bungad ni Tristan dito.
"Namamasyal, inanyayaan kasi ako ng kuya mo" nakangiting asong sabi nito.
Hindi makapaniwalang napatingin si Tristan sa kuya nito na sa ngayon ay abala lang sa pag aayos ng mga binili niya.
Tsk!kainis naman oh.
"Tomboy ba't ka nandito?"
Pake mo bang demonyo ka. -_-
Kung wala lang talaga tayo ngayon dito kanina ko pa yan sinabi sayong gonggong ka!Di ko nalang ito pinansin mahirap na nandito pa naman si misis.
"Oh migs nandito ka pala" bati dito ni Charity habang dala dala ang niluto niya.
"Ah hehe tinawagan kasi ako ni Jason at pinapunta ako dito" sabi nito habang nakangiti na parang aso.
Pasalamat ka makontrol ko pa sarili ko dahil kung hindi kanina ko pa tinusok yang mga mata mo.
"Good! Dito ka na magmeryenda" nakangiting alok ni Charity dito.
Psh
"Eh sis! Sasama siya satin?!" Naiinis na pagkakatanong ni Tristan dito.
"Ofcourse kuya! At bakit naman hindi? Mabuti nga at nandito kayo matutulungan niyo si Chan sa speech niya" nakangiting sagot ni Charity dito.
Nah. Mas mabuting ako nalang gagawa kesa humingi ng tulong sa gonggong na yan!
"Wala naman siyang maitutulong eh" pagrereklamo pa din ni Tristan.
"Shut up! Ako ang nagpapunta sakanya kaya ako lang ang magsasabi sakanya kung kailan siya aalis." seryosong sabi ni Jason.
"Pero--"
"Tristan!" Ako na mismo ang nagpatahimik dito.
"Okay lang, tama nga si Charity and besides VICE president will do his part" sabay tingin ko sa gonggong.
*smirk* hahaha syempre di pwedeng ako lang yung makatanggap ng kamalasan.
(Migs POV)
Agad naman ako nitong tiningnan.
Tsk!
Tama nga kayo sa nabasa niyo I'm the Vice President wag niyo ng alamin kung pano dahil nadedemonyohan lang ako tuwing maalala ko yun."Talaga?! Waaah!! Congrats sa inyong tatlo!" Nakangiting bati ni Charity samin.
"Chan as president, Migs as Vice and Kuya Tristan as Secretary! Waah! I'm so proud of you guys" masayang dugtong nito.
Di ko mapigilang titigan ito.
Charity is really beautiful kaya ayokong pakawalan to eh.
"Yiiieeee salamat Charity" ngiti ngiting sabi ni Tomboy dito.
Psh.
"So, I guess let's call this a celebration!"
*smirk*
Pakasaya ka muna ngayon Tomboy humanda ka papahirapan kita.

BINABASA MO ANG
She's My Lifetime Enemy
Teen Fiction"Hindi lahat ng gwapo, lalaki" Yan ang paulit ulit at laging bukambibig ng babaeng yun. Psh! problema ba niya Di niya ba alam na ang gwapo ay naglalarawan sa mga LALAKI LANG. Kung makapagsalita na gwapo sa sarili nun dinaig pa kaming mga tunay na la...