Chapter 14

39 31 7
                                    

(Migs POV)
Pagkadating na pagkadating ng bahay agad kong kinausap ang isa kong kaklase at tinanong kung anong nangyari dun.

At ayun nga nalaman ko nalang na sinigawan at pinahiya pala siya ni maam.

Tsk! Di naman yun yung intensyon ko eh!

Gusto ko lang naman sanang bw*sitin yun

Atsaka di ko naman inakala na ganito pala ang mangyayari.

Tsk!

Agad naman akong sumalpak sa kama.

Bakit ko nga ba iniisip yun?
Tch, dapat nga maging masaya pa ako eh.

Ah bahala na! Makatulog na nga lang.

*Kinabukasan*

(Migs POV)
Nang pumasok ako sa room wala pang tao...

6:25 pa lang naman, napaaga yata ang dating ko ah.

Agad na kong umupo sa pwesto ko...
Dahil nga sa walang maggawa tumingin tingin nalang ako sa paligid.
Nahagilap naman ng mga mata ko ang bakanteng upuan na katabi ko.

Tsk!

(Tristan's POV)
Ilang oras na din ang nakalipas ng matapos ang first subject. At reccess na namin ngayon.

Tiningnan ko naman si migs na lumabas ng room.

Tsk! Pasalamat siya sinabihan ako ni bro na wag makealam dahil kung hindi ewan ko nalang.
At oo nga pala absent din ngayong araw si bro, gusto daw munang magpahinga eh.

Tumayo na ako at akmang pupunta na sana ng canteen ng biglang mahagilap ng mga mata ko yung nagkukumpulang mga estudyante.

Ano kaya ang nangyari dun.

(Migs POV)
"P*ta!" Agad akong napamura ng maramdaman kong may dumapat na kamao sa pisnge ko.

"IKAW PALA ANG MAY PAKANA NUN KAY CHANDREE HA!" Galit na bulyaw nito habang kwinekwelyuhan ako.

Nang tingnan ko to, hindi nga ako nagkakamali kung sino to...

Si Jason...

Sa halip di na ko umimik at hinayaan ko nalang ito.

Eh malakas tama nito sa tomboy na yun eh at isa pa wala din ako ngayon sa mood para makipagsumbatan.

"ANO BANG PROBLEMA MO BA'T GINAWA MO KAY CHANDREE YUN HA!" Galit pa din nitong bulyaw.

Puteks! Sa hindi ko naman kasi inaasahan na yun ang mangyayari eh.

"Kuya Tama na yan! Bitiwan mo na siya! Si chandree na ang nagsabi na wag na tayong mangealam."

Tiningnan ko naman kung sino ang nagsalita..

Ayun yung magaling na kaibigan ni tomboy, si Tristan.

Naramdaman ko naman ang unti unting pagbitaw ni Jason mula sa pagkakahawak sa kwelyo ko.

"May araw ka din sakin alonzo" madiing pagkakasabi nito sabay alis.

Tch.

Napatingin naman ako kay Tristan ng bigla ulit itong nagsalita.

"Mas mabuti pang ayusin mo nalang yung kamaliang ginawa mo kay chan." Sabi nito sabay din alis.

Psh! Kala naman niya gagawin ko yun.

*Fast Forward*

Matapos yung nangyari kahapon di na naman ako pinakealaman pa ni Jason.

At sa ngayon nandito si tomboy hindi na siya absent.

Hindi naman sa binabantayan ko siya ha, pero napapansin ko lang na ang tahimik niya ngayon

Sabagay pakealam ko ba tsk!

Bago magsimula ang first subject bigla naman itong lumabas.
Hindi din nagtagal ng pumasok si maam.

"Present ba ang lahat?!" Sigaw niya.

Alam niyo kung sino yung teacher na laging sumisigaw siya na yun.

"Mr. Alonzo nasaan si Ms. Orteza?" Tanong nito...

"Uhm--" di pa ko nakapagsalita ng biglang may sumagot.

"Nasa clinic po siya ngayon maam, masama po kasi yung pakiramdam niya" sabi dito ni Tristan.

Agad namang tumango dito si maam.

Tsk!
Palusot pa!

Nang matapos naman ang first subject ay siya ding pagpasok ng tomboy. Pero sa halip nakipagpalitan ito ng upuan sa tabi ni Tristan.

Eh kung yun ang gusto niya! Mabuti! Dahil wala na kong tomboy na makakatabi!

Pasalamat ko pa nga eh... tch

Ngunit ng matapos ang araw na yun.
Lagi nalang ganun ang sitwasyon. Aabsent sa first subject at papasok pag second subject na. Doon na din siya umuupo sa tabi ni Tristan. At kung mag memeeting man kaming officers casual lang niyang tinatawag ang pangalan ko.

"Ms. Orteza ikaw ngayon ang may pinakamababa na grades,yung pagiging zero mo sa performance task may malaking epekto yun. I hope nagkakaintindihan tayo." Seryosong pagkakasabi dito ni maam.

Ngunit yumuko lang ito.

Tsk! Oo na oo na! Nakokonsensya na ko! Psh!

Babawi na po ako!

Tsk!

She's My Lifetime EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon