Chapter 17

35 23 14
                                    

(Chan's POV)

Jusko ano ba naman kasing kamalasan to oh!

Pati ba naman dito?!

"Hoy! Tomboy! Tandaan mo yung mga sinasabi nung lalaki baka mamaya yan ang itatanong sa activity" speaking of the devil

"P*ta! Eh bakit ako?! Ikaw naman nakaisip kaya ikaw nalang!" Inis kong bulyaw dito.

Pucha ba naman...

"Aba't hoy! Nakikita mo namang may ginagawa ako ngayon dito! Ako na nga yung nagpaparticipate dito tapos ako pa yung ipapamemorize mo ng mga sinasabi niya! Maging responsable ka namang tomboy!"

Aba't ang p*tang to oh...

"Oo na oo na! Bilisan mo na kasi diyan para ikaw naman dito!" Sigaw ko dito.

Eh siya kasi yung pinaggawa ko nung ewan ko ba kung anong tawag dun, basta yung para sa baboy yun na yun.

"Pag matalo tayo mamaya! Ipapakain ko sayo ang dumi ng baboy!" Sigaw pa din nito.

Asa... kung maggawa niya.

Eh di nga niya mahawakan yun eh pakainin pa kaya ako?!

Ulol.

*Few Hours Later*

So ayun, napuno lang yung umaga at tanghali namin ng bangayan.

Sa bw*sit yung kasama ko eh! -_-

"Okay everyone magsisimula na yung activity natin!" As usual sigaw ni maam.
Agad ding nagsihiyawan ang mga kaklase ko.

"So ang first acitivity natin ay pinangalan kong Run! Romeo Run!"

Ano daw?

"Hahahahahahahahahahaha"
Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko dito.

"Hahahahahahahahaha langya!" Di ko na din napigilan pang tumawa.

Hahaha sa ang baduy ng pangalan nung activity eh tapos sama niyo pa yung boses ni maam ng sabihin yun hahahaha

ANG SAGWA!

"Sa activity na to kailangan niyong magshort at t-shirt, and sa every pairs ay may isang sasali"

Isa lang? Ibig sabihin si gonggong na ang sasali.

"So, pili na muna kayo kung sino yung sasali."

Agad naman akong napatingin sa gonggong.

"Ikaw na sumali!" Sabi ko dito.

"Ano ka siniswerte?!" Reklamo naman nito.

Arte talaga nito kahit kailan.

"Oh! Sige bato bato pick nalang tayo! Yung matalo siya maglalaro" anyaya ko dito.

"Sige sige, hanggang 1 lang" sang ayon naman nito at agad na pumwesto.

Nagtinginan muna kami ng masama bago magsimulam

"BATO BATO PICK!"

Siya bato ako papel

Hahaha chamba!

Tiningnan naman ako nito ng masama.

"Nakapag decide na ba kayo?! Every participant please come forward!"

Agad namang lumakad pa unahan si gonggong.

"Okay here's the mechanics of the acitivity! Sa loob ng bakod ay meron diyang dalawang baboy at kung sino ang dalawang makadakip nito ay siyang mananalo! NAIINTINDIHAN BA KO?!"

She's My Lifetime EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon