Picture po ni Lance----------->
I know hindi sila magkamukha. HAHAHAH. XD
------------------------------------
//Eleven//
[Chin’s POV]
“Bye Mom, bye Dad!” Nag-kiss na ako sa Mommy at Daddy ko para makapunta na ako ng school namin. Medyo hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, siguro dala na din ng hindi ko pagtulog ng mabuti dahil sa sitwasyon namin ni Nathan. Ano ba yan, ni hindi niya pa nga alam na gusto ko siya complicated na agad ang sitwasyon =(
Hindi na nga siya nagte-text saakin o tumawag simula nung last namin na pag-uusap. Lagi din siyang wala sa bahay nila kasi pumupunta siya sa sa apartment ni Kyla. Haiiiiiiii. *sigh*
Lumabas ako ng gate namin, pero hindi ko inaasahan na nakaabang si Nathan sa labas. Akala ko ba hindi kami magpapansinan? Pumunta ako sa kanya at mukhang nahalata niya na confused yung mukha ko.
“I just drop by to say something. Hindi na pala ako makakasabay sayo pagpasok at pag-uwi galing sa school. You see, magpapahatid nalang kami ni Kyla sa driver namin at dadaanan ko siya s apartment nila.” Nalungkot ako sa mga sinasabi niya. Dati-rati kasi naglalakad lang kaming dalawa papunta sa school, tapos ngayon kung kelan magco-college na kami tsaka pa mangyayari to. Wala naman akong maalala na ginawa kong masama para maging ganito ka-kumplikado ang sitwasyon.
Kahit na nalungkot ako hindi ko nalang pinahalata sakanya, ngumiti ako ng pilit.
“Okay, no probs!” ^_____^ Kahit plastic man, pnilit ko talaga. Nag-smile naman saakin si Nathan pero malungkot yung mata niya. Dapat nga maging masaya siya kasi makakasama niya si Kyla ng walang sagabal.
Tumalikod na ako nun kasi sasakay na siya sa kotse nila kaso bigla niya akong hinigit sa braso at niyakap.
“Friday, be there on the game.” Bulong niya saakin tsaka tuluyang pumasok ng kotse niya. Yun pala yung matagal nilang pinaghandaan na game sa Basketball para kalabanin yung kabilang school.
Magiging display lang ako dun, cheerleader si Kyla malamang may magus-suporta na sakanya. Gusto niya ba makita ko yung mga kaek-ekan nilang dalawa? >.<
Nilagpasan na ako nung kotse nila, kaya ito naglalakad ako mag-isa.
“Alone?” Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Liningon ko yun at natuwa naman ako sa nakita ko.
“Lance!” Sinabayan niya ako maglakad tapos inakbayan niya ako. Ngiting-ngiti ang mokong. Nasaniban ba to? Hindi kasi siya yung normal na Lance na kilala ko. Pero infairness, mas lalong naging gwapo! ^__^
“Anong ginawa mo kay Lance? Siguro kinidnap mo yun tapos ikaw ang nagpanggap na siya!” Sabi ko sakanya tapos inalis ko yung pagkaka-akbay niya saakin. Naging poker-face yung mukha niya, =___= Pero ngumiti naman ulit, yung abot tenga! ^___^
“I’m just happy wala na akong kaagaw.” Inunahan na niya ako sa paglalakad nun habang ako ay nakapako parin sa kinakatayuan ko. Tama ba yung narinig ko?!
“Hoy Lance!” Hindi pa ako nililingon >.<
“Bantot! Sungit!” This time lumingon na siya, nahiya ata sa isinigaw ko. Paano ba naman mukha akong tanga ditong tawag ng tawag hindi naman ako nililingon.
“What?!” Iritado niyang sabi. Hai, balik nanaman sa dating Lance. :<
“Paulit nga nung sinabi mo kanina.” Sinabayan ko siya sa paglalakad. Ngumiti naman siya saakin. Waaaa!!! Feeling ko natutunaw ako sa mga ngiti niya. HUHU Lance you’re so gwapo talaga!
BINABASA MO ANG
Hear me
Teen FictionI'M inlove with HIM. HE's inlove with HER. . . HE is being fooled out, I don't know what to do. =( He doesn't bother to HEAR ME.
