//Thirty-one//

466 8 3
                                    

//Thirty-one//

Tinulak ko bigla si Nathan pagkasabi niya nun, ang gulo-gulo niya eeh!!! >_____<

"Anong bumalik? diba sabi mo saakin na iwasan ka?" Biglang lumungkot yung expression ng face niya.

"Alam ko nagkamali ako..."

"Alam mo naman pala eh." Di ko siya pinatapos magsalita. Ang gulo-gulo niya kahit kailan! Ipagtatabuyan ako tapos sasabihin bumalik na kami sa dati? Tapos ano ngayon? Makikita ko kung gaano sila ka-sweet nung Kyla na yun?!

"Look Chin, pinagsisihan ko yung ginawa ko. I know na dapat hindi ko ginawa yun,kasi bestfriend kita. I'm always sad when I see you alone everytime...Sana kahit ligawan ka na ni Kurt, maayos na rin tayo..."

"P-pumayag ka?"

"Yeah."Sagot niya tapos lumapit siya saakin. "In the first place, I want you to be happy. Ayokong nag-iisa ka. Mawawalan na ako ng time sayo kasi may girlfriend na ako..Tsaka diba minsan lang  kita ikatiwala sa lalaki?" Iniangat niya yung ulo ko kasi nakayuko ako that time.

"..May trust ako kay Kurt. I know you'll be happy with him at sa nakikita ko ngayon you also like him. Please bestfriend, please be happy. Sana ma-appreciate mo yung ginagawa ko sayo." He hugged me. Tuloy-tuloy na yung luha ko. Kasi mali siya, maling-mali! Hindi ko gusto si Kurt, I like him as a friend lang. Tapos hanggang ngayon ba naman ang manhid-manhid niya para hindi maramdaman na mahal na mahal ko siya?! Oh baka naka-focus lang sa Kyla na yun yung attention niya?!

Humiwalay ako sa kanya and I tried my best to smile.

"Thank you at nahalata mong may gusto ako kay Kurt." 

Alam kong mali ang magsinunggaling. Pero kailangan eh, para isipin niya na wala akong gusto sa kanya. Mamaya niyan masyado na pala akong obvious hindi niya lang sinasabi.

"Ayos na ba tayo?" Nakangiti niyang tanong saakin at halatang-halata sa mga mata niya na excited siyang malaman ang sagot ko.

Ano? Magiging bestfriends na ba ulit kami? Oh ayos na kami pero hindi na bestfriends or friends man lang? Nakakalito kasi....

"Uhm ano, It's ok kung hindi ka pa sumagot ngayon. Alam ko naman na hindi madali to para sayo kasi nasaktan kita. But atleast sana dumating yung araw na maging friends ulit tayo..." Sabi niya. Bigla namang dumating si Kurt with Kyla.

"Let's go?" Tanong ni Kurt saakin ng nakangiti. I just nodded in return.

"Please take care of her." Yun yung huling salita na narinig ko galing kay Nathan bago kami makaalis.

-----------------------------------

Nasa car kami ngayon ni Kurt. Nakatingin lang ako sa labas. Ang daming tanong sa isip ko like 'Ano ba talaga ang pakay ni Kurt?' or 'Bakit hindi na lang siya saakin nagpaalam kung pwede siya manligaw? 'Handa na ba akong magpaligaw?'

"We're here." Sabi niya tsaka pinagbuksan ako ng pinto. Hindi ko man lang namalayan na nandito na pala kami dahil sa lalim ng mga iniisip ko.

"Dagat?" Tanong ko sakanya pagkababa ko. Na-realize ko kasi na wala kami sa tapat ng bahay namin kundi nasa gilid ng dagat. Konti lang ang tao dito. Masarap ang simoy ng hangin.

"I know what are you feeling inside." Tinuro niya yung chest ko.

"Ha?"

"I brought you here para mailabas mo lahat ng galit at inis mo." Sabi niya ng nakangiti.

"How did you k--??"

"You'll know later. Sa ngayon, sumigaw ka dito at magbato ng maraming bato sa dagat."

Naisip ko naman na magandang idea nga yung sinabi niya para mailabas ko lahat ng galit ko. Pumunta ako sa may mga bato atsaka nagsimulang magsisigaw.

"KYLA!!!! TIGILAN MO NA ANG PANGLOLOKO MO KAY NATHAN!!!" Binato ko yung isang bato as far as I can. Inis na inis talaga ako kay Kyla. Pinapatay niya ng patalikod si Nathan ='(

"NATHAN!! NAPAKA-BOBO MO HINDI MO MARAMDAMAN KUNG GAANO KITA KAMAHAL!!" Pagkasabi ko nun, nagsimula nanamang tumulo ang luha ko. Si Kurt naman pinapanood lang ako.

"MAHAL NA MAHAL KITA!! ANG SAKIT SAKIT NA NG MGA GINAGAWA MO SAAKIN! INIS NA INIS NA AKO SAYO!!!" Napaluhod ako kaya inalalayan naman ako agad ni Kurt.

"Ssshhh.."

Yakap-yakap ako ni Kurt habang umiiyak ako. Naalala ko tuloy si Lance. Dati-rati kasi siya lagi ang tumutulong saakin kapag nasasaktan ako ng sobra. Maswerte pa rin ako kahit papaano kasi laging may dumarating na umaalalay saakin kapag nasasaktan ako.

Nung medyo umayos na ako, naglabas si Kurt ng maliit na higaan sa car niya atsaka nilatag niya sa part na hindi abot ng waves.

"I know you're asking Who am I really." Panimula niya nung parehas na kaming nakahiga at pinagmamasdan yung stars.

"I'm Kurt Diaz. Nakalaban na ng school namin dati yung school niyo sa Basketball team." Wala pa rin akong idea kung anong pinagsasabi niya."..Natalo kami that time dahil sa galing ni Nathan..Pero hindi ako galit because I knew from the start na magaling talaga siya."

Nag-pause muna siya sandali tsaka niya pinagpatuloy.

"..Pero naiinggit ako sakanya because he have you yet it seems that mas matimbang pa si Kyla kesa sayo. I know every single-detail kung paano naging sila at kung paano niloloko ni Kyla si Nathan.Kasi una pa lang kitang nakita, I know I like you na that time. Kaya naiinis ako kay Nathan for not giving you importance. Nung nalaman ko na he's avoiding you, pumasok na ako sa buhay niyo." Tumingin siya saakin.

"I can see the pain in your eyes and I don't want you to be unhappy. Let me court you Chin."

"Bakit kay Nathan ka unang nagpaalam?" Tanong ko sakanya.

"I thought na ayaw niya, I'm testing him if may feelings siya sayo but...pumayag pa rin siya. Ayos lang saakin kahit rebound o ano pa man, basta sumaya ka lang." Nakita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa niya. Ayoko ng sinasabi niya, ayoko makasakit at gumamit ng tao.

"Kurt, I will and never use people for granted. Mabait ka saakin at hindi ko kayang suklian yun ng masamang bagay."

"Diba gusto mo na siyang kalimutan? Edi ibigay mo yung attention mo saakin. I will make sure na makaka-move on ka." Sabi niya. May point naman talaga siya eh, kaya kong kalimutan si Nathan kung nasa kanya yung attensyon ko, pero..

"Lilipat lang naman ako ng school o kaya ng country eh. Baka dun nalang ako gumawa ng move."

"Sa tingin mo basta-basta ka na lang makakalipat ng school? It's almost half ng school year. And besides, your parents will ask you WHY, kaya mo bang magsinunggaling sa kanila?" Dire-diretso niyang tanong saakin. Napalunok ako, kaya ko nga ba magsinunggaling kila Mommy? Sa tingin ko hindi, kasi in the first place hindi ko ginagawa yun sakanila.

Hindi na ako nakasagot. Tumayo na siya at sumakay ng kotse. Hinatid na niya ako sa bahay kahit na sa buong byahe walang umiimik saamin. Nakakabingi.

"U-uhm, thanks." Sabi ko ng hindi man lang tumitingin sa kanya.

"Nathan knows na nililigawan na kita starting today. So you don't have a choice. Goodnight." Bigla niya akong hinalikan sa forehead kaya napapikit ako. Umalis na yung kotse pero ako nakapako pa rin sa kinatatayuan ko.

Its time to move-on. It's time to forget.

Hear meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon