//Twenty-five//
[Chin’s POV]
Biglang bumukas ang pinto at tumambad saakin si James at Gab.
“Hi.” Nahihiyang bati ni Gab ^____^ May dala silang tig-isang bouquet ng white roses.
“For you.” Sabay nilang iniabot yung white roses saakin kaya sabay ko din na kinuha.
“Thank you. What brought you here?” Umupo sila sa tabi ng kama ko. Ngumiti naman ako sa kanila.
“Nabalitaan namin yung nangyari sainyo ni Nathan. Kaya pala hindi ka nakapasok ngayon.” Sagot ni James saakin. Nalulungkot nanaman ako kapag naaalala ko yun.
“Yeah.” Walang gana kong sagot.
“Don’t worry, hindi naman kami naniniwala kay Kyla.” Sabay ngiti ni James saakin.
“Sorry. Baka madamay pa kayo.” Yumuko ako, ayoko na kasi silang idamay sa gulo na ito.
“Alam ko lahat, about Kyla’s relationship about Ryan. Nadulas si Tricia saakin.” Napatingin naman ako kay Gab na nagsalita. Edi hindi na ako ang mag-isang nakakaalam ng totoo.
“Dapat si Nathan mismo ang makakita, kasi kahit magbigay pa tayo ng evidences hindi yan maniniwala. Kyla poisoned his mind.” Napakasama talaga ni Kyla >_____<
“Don’t worry. Ibinilin ka saamin ni Lance kaya iingatan ka namin, alam namin na hindi yun magagampanan sa ngayon ni Nathan.” Malungkot na sabi ni James.
“I can handle myself pero thank you pa rin.” =) Hindi rin sila nagtagal sa bahay, umuwi sila agad. Ibinigay din nila yung notes na nakalimutan daw ibigay ni Sam saakin kanina.
Pagkatapos ko mag-aral, binuksan ko yung walk-in closet ko sa kwarto. Doon ko tinatago lahat ng magaganda at mamahaling dresses na binili saakin ni Mommy dati.
Tiningnan ko din yung contact lenses na nasa container, iba-iba siyang kulay.
Some things really change.
-------------------------------------------------
“Hi miss.” Bati saakin ni Gab. Nginitian ko lang siya. Sinabayan niya ako sa paglalakad papuntang room kaso nakahalata na ako na panay ang titig niya saakin.
“May problema ba sa mukha ko Gab?” Bigla namang lumiwanag yung mukha niya tapos ngumti siya ng abot tenga ^______________^
“Nothing’s wrong. What your name?” Tiningnan ko naman siya ng masama nun. Hindi niya ba ako nakikilala??

BINABASA MO ANG
Hear me
Teen FictionI'M inlove with HIM. HE's inlove with HER. . . HE is being fooled out, I don't know what to do. =( He doesn't bother to HEAR ME.