//Thirteen//

502 10 6
                                    

Pictures of Trica, Mandee and Stephanie are shown on the right side =) 

--------------------------------

//Thirteen//

[Chin’s POV]

Dinner at Jollibee

“Can we sit here?” Umangat naman ang ulo ko at tumambad saakin ang gwapong pagmumukha ni Nathan. Iniwas ko nalang ang tingin ko at sumagot.

“Sure.” Naramdaman ko naman na tumabi siya saakin tapos nasa tapat naman niya si Kyla.

Pinalaman ko nalang yung kalahati ng fries sa burger ko tapos yung kalahati naman sinawsaw ko sa Sundae. Ganyan naman talaga lagi ang ginagawa ko kapag kumakain kami sa Jollibee o kahit saan na fastfood.

“Bessie, diet ka?” Puna saakin ni Kyla na may halong pang-aasar. Umiinit naman yung ulo ko pero I tried my best to stay calm.

Iniangat ko naman ang ulo ko at ngumiti.

“Gutom kasi ako BESSIEE eeh, kayo nagtitipid ba kayo? Pansin ko kasi isang chocofloat lang ang binili niyo tapos share pa kayo.” Pinigilan ko ang sarili kong tumawa. Namula kasi si Kyla at halatang napahiya. Yan kasi may pashare-share pa ng inumin na nalalaman.

Tiningnan ko ang reaksyon ni Lance pero expression less lang siya. Nakita ko naman na pinunasan ni Nathan yung gilid ng lips ni Kyla na may ketchup.

“I need to go to the bathroom.” I excused myself bago pa man tuluyang kumawala ang luha sa mata ko. Kahit lumalaban ako kay Kyla, deep inside masakit pa din syempre.

Naghugas lang ako ng kamay at mukha tapos lumabas na ulit.

“Wait.” Isang pamilyar na boses ang nagpatigil saakin sa paglalakad.

“Bakit?” Tanong ko kay Nathan na nakasandal sa wall at nakayuko.

“Anong nangyayari sayo?” Tanong niya saakin na ikinabigla ko naman.

“Huh? Na—“

“Wag na wag mo na ulit ipapahiya si Kyla ng ganun!” Itinaas niya yung ulo niya at nakita ko ang galit sa mata niya.

“Anong nangyayari SAYO?! Yan ang itanong mo sa sarili mo.” Iiwan ko na sana siya dun nasasaktan ako kung paano niya ipagtanggol si Kyla kahit kitang-kita naman sa actions niya na siya ang nauunang gumawa ng gulo.

“Please wag mo namang apihin si Kyla Chin. Mahal ko yun eh.” May halong pagmamakaawa sa boses niya.

Saan niya naman napulot yang balita na yan?

So ako pa ngayon ang nangaapi? Tss.

“K.” Matipid kong sagot tapos iniwan ko na siya dun. Niyaya ko na si Lance na umuwi na nun.

“We’re heading back home.” Pagpapaalam naman ni Lance kila Nathan at Kyla na nakaupo parin dun.

“Ok. Bye Bessiee!” Nag-beso naman si Kyla saakin pero nag-make face ako habang ginagawa namin yun. Bahala na si Batman kung may makakita >.<

Tahimik lang kami ni Lance sa motse. Ngayon, kotse naman nila ang gamit namin pero may driver na syempre. Mahirap na, hehe. XD

“Sure ka kaya mo yang desisyon mo?” Huling tanong saakin ni Lance bago ako pumasok ng tuluyan sa bahay.

“Yeah. Papanindigan ko to.” I hugged him and he hugged me back.

“Lance hindi ko alam kung pano ba kita pasasalamatan sa tulong mo saakin. Thank you very much.” Sabi ko sakanya kahit nakayakap parin kaming dalawa.

“Just take care of our son ok?” Nag-nod lang ako sakanya tapos kumalas na sa pagkayakap.

“Aalagaan ko si ChiLance kaya Chilax ka lang!” Nagpaalam na ako sakanya nun tapos pumasok na sa bahay.

Thanks Lance ^___^

Ay, nakalimutan ko! May sasabihin pa sana ako kay Lance.

Lumabas ulit ako sa bahay at nadatnan kong nag-uusap si Nathan at si Lance, sumiksik muna ako sa puno.

“Nathan we need to tell her. And besides pumili na din naman siya. It’s no use kung ipagpapatuloy mo pang itago sakanya na magkapatid tayo.” Dingig ko ang boses ni Lance at ikinabigla ko naman ang mga huli niyang sinabi.

 ------------------------------------------

Hear meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon