//Sixteen//

546 13 4
                                    

Waaa XD Late ang update ko today. HUHU-dapat kase kahapon pa ito. TT___TT

Kahit pagod ako sinikap ko parin =) Thank you thank you very much sa mga readers, mapa-silent type o yung mga madadaldal at makulit (special mention: Chuchai), sa mga naglagay po sa reading list nila, Vote and Comment naman po kayo =) . .

Hi @siaksut8! Thanks for the comment sa last chapter =) Mwaa!

Sa mga bagong fans ko po, thank you po!!! XD

The story’s going on *u*

-PowerPuffed-

------------------------------------------------

//Sixteen//

[Chin’s POV]

“Drew looks at me

I fake a smile so he won’t see~”

*CLAP CLAP WITH STANDING OVATION*

Bumaba ako ng stage kahit nagpapalakpakan pa yung mga tao at dumiretso agad sa table ko.

“Wow. You have a good voice.” Puri saakin ni Sam.

“Oo nga bakla. Pero umiyak ka ba kanina? I saw a tear from you.” Napatingin naman ako nun kay Beauty. True friends nga naman =’( Pero umiling lang ako at naintindihan naman nila na ayoko muna yun pag-usapan.

“I don’t have any idea that you can sing.” Sabi naman ni Lance na katabi ko lang. >.< Dumudugo ilong ko sa kaka-english ng mga tao dito! (~.~)

“Anyway, it’s the most beautiful voice I heard.” Bulong saakin ni Lance sa tenga kaya nakiliti ako. ^__^

“Ahihi~. Thank you!” nakakakiliti yung bulong ni Lance >.<

Pero sana yung kinantahan ko nun naintindihan niya sana, wala kasi akong lakas ng loob na aminin yung totoong nararamdaman ko sakanya.

Tumingin ako sa table nila pero ayun siya, nagsasaya na para bang walang clue na siya yung kinantahan ko. =’(

Sabagay, hindi naman talaga niya ako makikita kasi si Kyla ang mundo niya ika nga.

Sinusubuan siya ni Kyla ng pagkain habang magkahawak yung isa nilang kamay, tapos aakbayan niya si Kyla na para bang walang pwedeng umagaw at manakit dito, tapos hahalikan niya si Kyla na para bang mahal na mahal niya ito.

Inalis ko nalang yung tingin ko sa table nila para hindi na ako mas lalo pang masaktan =’( ewan ko ba matalino naman ako pero bakit sa mga ganitong bagay napaka-bobo at napaka-tanga ko talaga! >.<

Yun bang naiinis na rin ako sa sarili ko kung bakit ko ba pinagpipilitan ang sarili ko sakanya kung alam ko naman na hindi ako yung mahal niya =’(

Wala eh, bobo at tanga ako :(

“Gusto mo ng juice?” Tanong saakin ni Lance, hindi ko namalayan na nagsasayawan na pala sila ng disco dun. Nakaupo lang pala ako dito sa table namin. Sabagay, hindi naman bagay sa outfit. Ehehehe XD

“Wag nalang.”

“Let’s dance =)” Nahihiya ako nung una pero napilit naman ako ni Lance, kaso pagpunta namin sa center biglang nag-change yung tugtog. Sweet na >.<

Nilagay naman ni Lance yung kamay ko sa balikat niya tapos yung sakanya naman sa bewang ko, pero yung para bang yakap na niya ako.

Nahihiya ako >.< Kaya hindi ko nalang siya tiningnan sa mata. Yumuko nalang ako >O<

Hear meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon