//Twenty-four//

491 9 8
                                    

Vote and Comment!! :)

//Twenty-four//

[Chin’s POV]

“How much do you Love Kyla?” Nilakasan ko yung loob ko nung tinanong ko siya nun. Alam kong masasaktan ako sa isasagot niya…

“I love her more than myself.” Sagot niya ng nakangiti. Nalungkot ako =’( Kasi anytime, magaaway nanaman kami… anytime, magagalit ulit siya saakin =’(

“What if….she betrayed you?” Nawala yung ngiti niya sa labi. Nagagalit yung mata niya.

“She wouldn’t do that. Chin, please. Ayokong mag-away tayo ulit.” Nagmamakaawa yung mga mata niya. =’(

Kahit ako Nathan, ayokong mag-away tayo ulit. Pero niloloko ka nga lang kasi ni Kyla =’( Pati ako nasasaktan na sa ginagawa niya sayo.

Gusto kong sabihin ang mga salitang “May boyfriend na siya at 1 year na sila! Nathan, ginagamit ka lang niya para makabawi saakin tsaka para ipaghiganti yung Basketball team ng school ni Ryan!”

Pero ang lumabas lang sa bibig ko ay,

“Nathan, may ibang boyfriend si Kyla! Maniwala ka naman kasi saakin.”  Humarap ako sakanya. Ewan ko kung anong itsura ko basta alam ko umiiyak nanaman ako =’(

“First, you have no right to accuse Kyla. Second, you threatened her so that’s why I should protect her from YOU. Third, I would probably believe Kyla rather than you.” Nabigla ako sa sinabi niya. =’( Kaya yumuko ako, expected ko na yung First and Third, alam ko ng ganun ang sasabihin niya saakin. Pero hindi ko maintindihan yung Second =’(

“What do you mean I threatened her?” Tanong ko sakanya. Pero ngumiti siya at tumingin sa ibang direksyon na para bang hindi makapaniwala sa itinanong ko, parang sinasabi niya sa isip niya na nag-mamaang-maangan lang ako =’(

“Ask that to yourself.” Tumalikod na siya at naglakad palayo habang nasa bulsa yung kamay niya. Tumulo nanaman ang ulan =’( Lagi talaga ‘tong nakikisama sa pag-iyak ko.

Naalala ko nanaman si Lance, wala na akong masasandalan ngayon =’(

Iniwan niya akong nakatayo doon at umiiyak habang umuulan.

------------------------------------

Naglakad lang ako pauwi sa bahay kahit ang lakas ng ulan.

Napadaan ako sa tapat ng bahay nila Nathan, tumingin ako dito =’(

I love you so much Nathan kahit itaboy mo pa ako =(

Ok lang na wag mo ako mahalin pero wag kang magpapaloko

Kasi masakit. =’(

“Maam, ano pong nangyari sainyo?!” Nagaalalang tanong nung mga katulong. Inalalayan nila ako papunta sa kwarto para makapagbihis ako.

“Maam Chin maligo po kayo agad para hindi kayo magkasakit.” Nag-nod lang ako sa katulong kaya iniwan na nila ako sa kwarto.

Pero hindi ko nagawa yung sinabi nila dahil iyak lang ako ng iyak =’(

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kahit basa pa yung damit ko.

“Naku po! Ang taas ng lagnat niyo Maam.” Sobrang lamiiiiig >____< Sabi nila may sakit daw ako. Masakit din yung ulo ko tsaka nilalamig ako.

“Iwan niyo muna ako. Tsaka magpa-deliver kayo ng Pizza. Yung extreme cheese overload.” Utos ko sakanila. Yun kasi yung favourite namin na flavor ni Nathan =’)

Hear meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon