//Eighteen//
[Nathan’s POV]
“One time nga sinabihan pa ako ni Chin na gagawin niya daw lahat para masira tayong dalawa. Iyak nga ako nun ng iyak, kapag sinabi ko daw sayo sisiguraduhin niyang ipapabagsak niya yung company namin at sisiraan niya pa tayo sa parents mo.” Tuloy-tuloy na yung iyak ni Kyla nun. Takot na takot siya sa banta ni Chin.
Ayokong nakikita si Kyla na umiiyak o nasasaktan, pati ako nasasaktan din eh. Sa kabila ba naman ng sacrifice niya para wala ng umaway kay Chin gaganituhin lang niya si Kyla?
“I need to talk to her.” Sabi ko kay Kyla. Nag-nod siya tsaka tuluyan na akong umalis sa apartment nila.
Nagpa-drive agad ako papuntang bahay nila Chin. Wala yung parents niya kaya sigurado akong siya lang mag-isa sa bahay nila kasama ang mga katulong at guards nila.
“Good evening Sir.” Bati saakin nung isang maid.
“Where’s Chin?” Tanong ko naman sa nakayuko na katulong.
“Nasa kwarto niya po.”
“Sabihan mo may naghahanap sakanya sa may garden.” Agad ding umalis yung katulong. Naghintay nalang ako sa may garden at naupo sa isa sa mga benches doon.
Nagagalit talaga ako kay Chin. I thought she’s different =(
“What do you want?” Mariin niyang sabi saakin. Umupo siya sa kabilang side ng bench na medyo malayo saamin.
“I need to talk to you.” Sagot ko naman sakanya. Diretso lang yung tingin niya, sa malayo.
Nawawala yung inis at galit ko kapag andyan na siya sa tabi ko =’( Bakit parang ang gusto ko lang gawin ngayon ay yakapin siya? Pero diba dapat nagagalit ako dahil sa ginawa at pinagsasabi niya kay Kyla.
Wala na aking pakialam sa kiss na yun, ang gusto ko lang malaman kung bakit niya lagging inaaway si Kyla =’(
“I thought you’re different.” Malumanay kong pagsisimula ng usapan. Nawawala na yung galit ko. Shet >.<
“Say what you want. But one thing’s for sure. Kyla’s using you Nathan.”
“STOP THAT FVCKING WORDS CHIN!” Kumuyom yung palad ko nun at tumayo ako. Pero siya nakaupo lang dun at parang hindi natatakot.
“Why? Do truths hurt?”
“Don’t try to invert the story Chin. You cannot fool me again.” Tumayo na siya nun at humarap saakin. Tiningnan niya ako mata sa mata.

BINABASA MO ANG
Hear me
Teen FictionI'M inlove with HIM. HE's inlove with HER. . . HE is being fooled out, I don't know what to do. =( He doesn't bother to HEAR ME.