Picture po ni Lance na tahimik sa gilid -------->
Vote and Comment po kayo! ^____^
//Nineteen//
[Chin’s POV]
“Sorry Chen. I’ll eat my pride pero sana magkaayos na din kayo ni Kyla. Sana magkasundo na kayo kasi nasasaktan akong nakikita kitang pinagbabantaan siya.”
Pinagbabantaan?
“Hu—“ Hindi ko natapos yung sasabihin ko sa pagsulpot ni Kyla.
“Babe, it’s ok. Hayaan mo muna siya.” Sabi niya habang pinupulupot ang kanyang mga kamay sa braso ni Nathan. SOBRANG LANDI! GRRR.
“Paano mo nga pala nalaman yun totoo? Curious lang.” Sabi ko. Nagpapasalamat talaga ako sa may gawa nito =’)
“Si James. He videoed the party. I’m sorry Chin and Lance.” Punong-puno ng sincerity yung mata niya. =’( pero parang may gustong itanong si Nathan kaso hindi niya maituloy.
“Sana kasi pag-isipan mo muna lahat. Nasaktan din kasi kami.” Sabi ko kay Nathan. Gusto ko lang iparating sakanya na sa ginawa niya na yun hindi madali ang patawarin siya.
Pero dahil sa mahal na mahal ko siya, iintindihin ko na lang siya.
“Lance, I’m so happy. Kayo na pala ni Chin??” Ingrata talaga ‘tong si Kyla!! Saan naman niya nakukuha yang mga tanong na yan??!
“No. hindi kami.” Sagot ni Lance. Pero nakangiti pa rin si Kyla =____=
“Don’t deny it. =) Halata naman eh, and by the way. Aalis muna ako, may pupuntahan lang ako.” Sabi niya sabay bitaw sa braso ni Nathan.
“Saan ka pupunta baby?” Tanong ni Nathan.
Oo nga, saan siya pupunta eh andito yung boyfriend niya.
“Basta. Sige bye!” Hindi na niya hinintay na makapag-salita si Nathan kaya parang nalungkot naman yung bestfriend ko.
Andito nanaman yung pakiramdam ko na may maling mangyayari. Nakakainis. Para kasing may iba sa mga kinikilos ni Kyla.
Pero dapat hindi ko siya pag-aksayahan ng panahon. Baka mali lang talaga yung nararamdaman ko.
Na may ibang lalaki si Kyla?
Hindi naman siguro niya kayang gawin yun. Pero hanggang ngayon nasa wallet ko parin yung picture nung boylet na nakuha ko sa dating kwarto niya.
“Tara, sa next class na tayo.” Anyaya ni Nathan. ^_____^
Kahit kaibigan lang talaga ang turing niya saakin, ayos lang. as long as wag siyang masaktan =’(
Sabay-sabay na kaming pumunta sa next class. Tahimik lang si Lance =( mamaya ko nalang siya tatanungin baka pagalitan niya lang ako >_____<
“Uy bati na pala kayo?” =) Nakangiting tanong saakin nung isa kong classmate.
“Syempre naman. Mahal ko ‘to eh.” Inakbayan ako ni Nathan =’) Magkatabi na kami ulit, tsaka si Lance nasa tabi ko din, pang-3 kasi yung upuan sa classroom na ‘to.
Lance-Chin-Nathan
Yan ang arrangement namin. ^___^ tsaka sabi ni Sir dapat daw girl ang nasa gitna o boy kaya wala namang masama sa arrangement namin.
BINABASA MO ANG
Hear me
Roman pour AdolescentsI'M inlove with HIM. HE's inlove with HER. . . HE is being fooled out, I don't know what to do. =( He doesn't bother to HEAR ME.