Chapter 18: Lagot ka!

8K 134 22
                                    

This is for Cherynel Degohas. Haba niya magcomment! Love it :)

 

 

 

---ChoMoisel.

 

 

 

Chapter 18.

 

 

 

Dwight’s Point of view

After exams, lumabas muna kami nina Zeiron, balak sana naming magSM kaya lang may kumausap sa kanya. Lalaki. Yung ex ni Iris Jane. Anong balak nito?! Umalis na sila.

“Oi, nililigawan si Zeiron nun?” tanong sakin ni Luigi

“Malamang sa malamang. Aba! Astig yun ah!” – me

Naghigh five kami ni Luigi. Andami nang nababading kay Zeiron.

“HOY!” nagpanting na naman ang tenga ko nung narinig ko ang boses niya.

“Yes Guizelli?” tanong ni Luigi.

Ako naman, humakbang na paalis. Pero pinigilan naman niya ako. Putek! Kung bakit hindi ko matiis tong babaeng to.

“Ano?!” sigaw ko sa kanya.

“ABA’T HOY! ANONG KARAPATANG MONG SIGAW SIGAWAN AKO?!” – Guizelle

“Marami! Bitiw!”

Tapos iniwas ko ang kamay kong hawak niya.

“Aba, Mr. Sandoval, ang dami mong arte akala mo naman noon, halos hindi mo na bitiwan ang kamay ko” – Guizelle

“Payat na patay ka naman sa ngiti ko” – sabi ko. Eh totoo naman eh.

“Noon lang yon no! Hindi na ngayon!”

“Talaga?” I smiled. Umiwas siya ng tingin at namula “Like what I’ve said”

“HEH! Teka! May kasalanan ka pa sa’kin!” – Guizelle

“Sa’yo? Bakit? Ikaw na ba si Kim ngayon?” – me

“Hindi! Pero kaibigan ko yung tao!” – Guizelle

“Tao ba yun? Akala ko hayop. Sorry. My bad” – me

“Dwight!”

“Guizelle?” asar ko.

Nagtaas baba ang balikat niya, alam kong pinipigil niya lang pero galit na galit na siya.

“Alam mo ba kung bakit ako nakipaghiwalay sayo ha? Dahil hindi ka marunong gumalang sa iba, kaibigan ko yung tao pero bakit hindi mo igalang?” – Guizelle

“May kaibigan bang nanghihingi ng halik ha? Sabihin mo nga sakin Guizelle, igagalang ko ba ang taong umaagaw sa girlfriend ko? Siguro hindi mo pansin, kasi manhid ka. Walang hiya”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon