Chapter 26: Ms. Lacienne Garcia

8.2K 124 43
  • Dedicated kay Sa lahat ng readers :)
                                    

ETO NA! HAHAHA. Updated :3

Dedicated sa lahat ng readers ng ExY! Yey! :)

Salamat sa lahat ng bumati, bumabati at babati palang ^____________^ Tumatanggap ako ng regalo. HAHAHAHA XDDD


Joke! (:


READ / VOTE / COMMENT


---Moi @ 17 :)




Chapter 26

 

 

Guizelle’s Point of view

Agang aga napakainit ng ulo ko. Bwisit naman oh.

“Oh? Zheli, bakit mukhang problemado ka?” napatingin ako sa nagsalita “Good morning pala!” si Kim.

“Wala, wag mo nalang ako pansinin” naglakad na ‘ko paalis. Pag ganitong bad mood ako kelangan nilalayuan ako.

Pero sinundan pa rin niya ko.

“Tss. Hindi naman ako papayag na maging ganyan ka, may masakit ba sa’yo? Samahan kita sa clinic?” pangungulit niya “Oh, dahil ba sa nalaman mo kagabi?”

Napatigil ako sa sinabi niya.

“Wala na kong pakialam kung ano man ang ginagawa niya sa buhay Mr. dela Cruz” pero ramdam na ramdam ko na papatak na yung luha ko “Ano naman kung nakita mo siyang may ginagawang kung ano kasama ang mga babae niya? I don’t really care” naglakad na ko paalis.

Oo. Sinabi niya sa’kin na nakita niya kagabi si Dwight na may kahalikang babae. Nasaktan ako, pero para san pa? Wala na ko sa buhay niya kaya hindi ko na kelangang pang ipagsiksikan ang sarili ko.

“Umiiyak ka” agad kong pinunasan ang luha ko. Hindi dapat ako maging mahina. Namalayan ko nalang na hinila na ko ni Kim at niyakap, umiyak nalang ako sa balikat niya “Marami ka pang makikitang iba Zheli, wag mong hayaang masaktan ka lagi, marami pang nagmamahal sa’yo dyan… yung deserving, hindi katulad ni…”

“No, stop it.” Humiwalay na ko sa kanya “Pasensya na kung nabasa ko yang uniform mo, ipadala mo nalang sa bahay, ako na ang maglalaba”

Naglakad na ko paalis at nagpunta na sa room.

“Guizellebeybe! Pakopya ng assignment!” tumingin ako kay Roy “Dali na. Masama madamot” ngumiti lang ako sa kanya tapos inabot ko na yung ginawa kong assignment.

Nasa Section A kami pero hindi ibig sabihin nun, sobrang masisipag na kami. Yun ang pinagkaiba namin sa Section B. Kung tutuusin, dapat sila ang nasa pwesto namin dahil matatalino at masisipag sila. Kami, matalino lang. HAHA! Well.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon