Ang boring. Psh. Tatapusin ko na siya, uulitin ko na lang yung plot na sinulat ko. Kelangan ko na siyang matapos. Gaaaah.
Baka 10 chapters nalang. Baka lang naman >.< Basta.
VOTE && COMMENT.
---Moi.
Chapter 33
Plok. Plok. Plok.
Ang lakas naman ng ulan >___________< Parang kanina lang, maayos pa ang panahon ah?
“Babalik na ko sa pwesto ko ah?”
Sabi ko sa katabi ko kahit tulog pa. Napasarap siguro ang tulog dahil medyo malamig na rin. Ayt.
Umalis na ko at bumalik sa pwesto ko, mga tulog pa rin naman ang mga tao dito eh.
“Hindi naman tama yung ginawa niya”
Narinig kong sabi nung nasa unahan ko. Gaaah! Nakita ba kami nito? >.<
“Oo nga, sana magbago na siya” sabi ng kausap niya.
“Bakit kailangang maghanap siya ng bagong boyfriend kung alam naman nating may boyfriend pa pala siya”
BANG!
Dubdub. Dubdub.
“Hindi niya ba alam na panloloko ang ginagawa niya?” girl 1
“Ewan ko ba kung anong nangyayari. Ito namang si lalaki, wala yatang kaalam-alam” girl 2
Bang! Bang!
“Hindi rin siguro sinasabi ng babae, baka mahal na niya yung bago niyang boyfriend”
Bang! Bang! Bang!
>___________________<
“Pero sana naiisip ni babae na pwedeng masaktan si lalaki kapag nalaman niya yun, kung mahal na mahal siya nung lalaki”
Bang. Bang. Bang.
“Kapag hindi nakipaghiwalay si babae sa madaling panahon… hindi ko na panonoorin yun”
Sheeeeeeeeeeeeeeeee----ehhh? Panonoorin?
“Sayang, ang gwapo pa naman ng bidang lalaki. Pero alam naman natin kung sinong magkakatuluyan diba?”
“Oyeah! Masyado na tayong nadadala ng drama na yan, matulog muna tayo. Tulog na lahat ng kasama natin”
Akala ko ako. Psh. Bakit ako?
Bwisit talaga! >.<
Nakokonsensya na ko. Bakit ba kasi humantong pa dito? Psh. itutulog ko nalang ‘to.
Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
~~
Ginising na kaming lahat para mag-ayos na, dahil with in 15 minutes daw, makakarating na kami sa pupuntahan namin. woooh! Halos 4 hours din ang byahe >.< Amf.
Maya-maya din, nakarating na kami sa pupuntahan namin, may hotel, beach at kung anu-ano pa. syempre sumama na ko sa mga kaklase ko. Baka kung san pa ko makarating eh >.<
“Wag kayong maghihiwalay ha? Free day nyo ngayong araw, pero mamaya gagawa na tayo ng tent niyo sa may dalampasigan” sabi ng adviser namin.
So sa buhanginan muna namin nilagay ang gamit namin, tapos naglibot muna kami.
“Pssst. Ang gwapo oh” tinuro ni Pam yung tinutukoy niya.
Si Zei, nakaupo lang siya sa malaking bato… parang ang lalim ng iniisip niya, may problema ba siya? At halata kong malungkot siya :/
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Ficção Adolescente[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.