Baka before mag-intrams, tapos ko na to! Grabe, kelan ba Intrams? HAHAHAHA! September 10 :)
Inaraw-araw ko na ang update >:)
---Moi :)
Chapter 42
“Ito nga pala yung napili niyong church para sa wedding niyo, ayos lang ba sayo to?”
Tumingin siya sa paligid. Hindi pa rin ako sanay na kasama siya dahil siguro matagal na rin kaming hindi nagkikita. At… sheet. Whatever!
“Yeah, it’s perfect”
“Hmmm…” tumango tango lang ako, sinabi ko rin sa kanya yung mga plano ko para sa kasal nila, halos lahat nasabi ko na, sumasang-ayon nalang siya. “Nga pala, kailangan ko pang masukatan si Ma’am Raye,”
“Why?” ehhhh?
“Para sa wedding gown niya, ayos ka lang ba?”
“Oh that, I’ll tell her later”
“Sige,”
Sa paraan ng pag-uusap namin ngayon, parang walang ibang nangyari samin dati. Pero parang hindi kami magkakilala.
“Dito naman yung—” naputol yung sinasabi ko ng bigla siyang magsalita.
“Let’s eat, I’m hungry”
“Ha?” sabi ko “Mr. Montanes, next month na ang kasal niyo, kailangan nating madaliin to, kukulangin tayo sa oras kung magpapaeasy-easy tayo,”
“You have a point,” tuloy niya “...but, that can wait”
Tapos hinila na niya ko papunta sa kotse niya, ngayon, kami nalang dalawa. Putek!
“Bakit nga pala wala si Ma’am Raye?” tanong ko sa kanya,
“Conference,”
“Uh… congrats nga pala ulit sa inyo,” labag sa loob na sabi ko.
“Thanks,” nagumpisa na siyang magdrive.
“Mukhang mahal na mahal mo siya ha?” nagitla ako, hindi ko alam na masasabi ko yun. “S-sorry,”
Pero hindi na siya sumagot hanggang nakarating na kami sa restaurant, Glenfi restaurant. Dito ako dati nagtrabaho… at si Zeiron pa mismo ang tumulong sakin para bigyan ako ng trabaho.
“Magc-cr lang ako,” tumango siya.
Dumiretso ako sa CR. Kakalimutan ko nalang siya. Iyon ang tama, magpapakasal na siya at hindi ko na kaya pang sirain ang relasyon niya kay Raye.
“Ouch—” sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko namalayang may nabunggo ako. Natapon sa blouse ko yung drinks na hawak niya.
“Oh, sorry. Goodness! Iris?” mukhang nagitla rin si Lala.
Galit na galit siya sakin dati, dahil nalaman niya ang ginawa ko kay Zeiron. Umalis siya ng bansa, at doon siya nagaral, naririnig rinig ko lang dati yon, kaya ngayon, nagitla ako.
“Anong ginagawa mo dito?---oh well, look at you, you look pretty. Sorry talaga,”
Nagitla ako sa kanya, anong nakain nito? Gamit ang panyo niya, pinunasan niya yung blouse ko, umiwas ako
“Hayaan mo na Lala, magpapalit na lang ako mamaya, don’t worry”
“Sorry ulit, may kasama ka ba?”
Tumango ako, binasa ko ng konti yung part na namantsahan, ang lamig tuloy sa pakiramdam.
“Oo, si Zeiron”
BINABASA MO ANG
Exclusively Yours
Roman pour Adolescents[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.