Chapter 23: Isa pa nga >///<

8.3K 173 36
                                    

Tatlong chapter pa ang naedit ko ngayon araw. Ang sipag ko! Pero ito lang ia-update ko, namnamin muna :)

Ito talaga ang mangyayari, hindi sa minamadali ko pero ang dami pang mangyayari at gusto ko na rin tapusin XDD

MARAMI PANG MANGYAYARI (:

Ito na. Dito nalang yung QUOTA.

40 VOTES.

SOLOMOTS! :*

Mukhang maglalayas na naman ako ng matagal. HAHAHA XDD

---Cho Moisel.

Chapter 23

Jhit’s Point of view

Mukha akong zombie na naglalakad sa pathway, bakit naman kasi tambak ang problema ko ngayon?

Madami na palang utang si Papa, para makapag-aral ako at si Kuya, ang pangungulit sakin ni Kenneth, si Zeiron TT^TT

Sa ngayon, kelangan ko munang tulungan sina Papa, kahapon lang nakapag-open sa’min si Papa, para matugunan ang pangangailangan namin sa pag-aaral, nangutang siya tapos ngayon, biglang biglang maniningil :’( San naman ako kukuha ng 50 thousand? Amf.

**vibrate**vibrate**

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. At sinagot ang tawag, hindi naka-register ang number niya. Sino to?

“Hello?”

“Hello, Jhit?” – sabi ng caller

“Sino to?”

“Madali ka talagang makalimot Iris Jane Sarmiento Loyola”

“Ehhh? Sino ka ba? Kilala ba kita?”

“Yeah, head to toe”

“Ehhh? Sino ka nga, ako’y wag mong pinag-aasar ngayong marami akong problema”

“Aw, tutulungan naman kita”

“SINO KA NGA?!”

Hindi na ko nakapagtimpi. Ang landi ng boses niya, pero lalaki ang caller.

“Chervin Escobar, at your service Madam”

Chervin? Chervin Escobar? Da hu? Sino daw?

“Chervin?”

“Yeap”

“Sinong Chervin?”

“Madali ka talagang makalimot ng tao Jhit”

Chervin… Cherv--- Yung ex ko!

“Hoy! Palaka ka! Anong nangyari sayo? Boses bading ka” – sabi ko, totoo naman eh.

“What? Ano ba naman Jhit, ngayon na nga lang ulit tayo nagkausap lolokohin mo pa ko”

“Eh totoo naman eh”

“Psh. Babalik na ko sa Pilipinas”

“Oh? Kelan?”

Siya lang ang boyfriend kong walang closure. Eh nalaman ko kasing kapatid ni Abby eh, hindi ko na kinausap kahit kelan, nalaman ko nalang na sa America na siya mag-aaral.

At isa talaga sa malaking problema ko, mahina talaga ako magmemorize ng mga taong nakikita ko. Pangalan man o itsura, madali kong makalimutan =___= Stupid me.

“Baka next next week andyan nako”

“Ganun ba? Sige, ingat” me

“Thanks… may mababalikan pa ba ako?”

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon