Chapter 19: Good luck!

8.1K 136 24
                                    

Ito na ang update. Okay na po ang lahat. I forgive and forget. Thank you! :)

Basa na!



---ChoMoisel :)




Chapter 19

Guizelle’s Point of view

Kukunin ko na sana kay Zeiron yung hawak nya pero biglang humarang ang epal.

“Pwede ba Dwight, umalis ka sa harapan ko?”

“Hindi. Leave that thing alone, Guizelle”

Aba! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to eh.

“Bakit mas marunong ka pa sakin?” – me

“Mas marunong naman talaga ako sa’yo”

“Can you both please shut up?” biglang sabi ni Zeiron, wala na yung hawak niya kanina, nakita ko nalang na binabayaran na ni Gee (Luigi) sa counter. Amp. “What are you doing here?” tanong niya kay Jhit.

Susmiyo. Parang hangin lang kami ah. Si Jhit lang napapansin nito.

“Eh? Bumibili? Nagpasama si Guizell----”

Biglang humarap sakin si Zeiron.

“Bakit mo siya sinama? She’s sick!” - Zeiron

“Ha?” tumingin ako kay Jhit “May sakit ka?”

Lumapit sakin si Jhit at bumulong… “Meron ako..” sabi niya

“Ahh. Normal lang yun” tumango lang si Jhit.

“Ano yun?” Zeiron

“Wag kang tsismoso” tapos bigla siyang sumimangot.

Naramdaman ko na parang may tumitingin sakin, kaya napatingin agad ako… si Dwight… hay. Tiwala lang naman ang hinihingi ko sa kanya eh, pero hindi niya maibigay… I miss him ://

Jhit’s Point of view

Naglakad na kami paabas ng mall. After ng ilang oras na tulog sa clinic, naging maayos na naman ang pakiramdam ko.

“Ayos kana?” tanong sakin ni Zeiron.

Magkasabay kami maglakad, nasa likuran, tapos nasa unahan namin sina Guizelle, Luigi at Dwight. Nasa pagitan si Luigi ng dalawa kasi baka biglang magkasabunutan ang mag-ex.

Exclusively YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon